Katapusan Ng Pag-Iibigan Sa WHERE LOVE HAS GONE

Where Love Has Gone
Tinuturuan tayo ng Where Love Has Gone (Regal Films, Inc.) na tanggapin ang katapusan ng pag-iibigan dahil pinag-isipan naman. Pagninilayan ng bidang babae ang desisyong gagawin sa huli at paplanuhin ang lohikal na hahantungan ng pagmamahalan. Anu't anuman, nagtatakda ito ng mga pagpapasiya at ang karaniwang pinipili ay hindi pipiliin. Kung ano ang nangyari mula sa pagtanggap ni Mona (Snooky) sa alok ng negosyanteng si Jake (Eddie Rodriguez) at pagtalikod nito sa pag-iibigan nila ni Alejandro (Albert Martinez) hanggang sa panibugho ng asawa ni Jake na si Clotilde (Amalia Fuentes), buo na kung tutuusin ang suliranin ng pag-ibig. Pero wala sa pelikula ang pagsukat sa dalawang lalaki o babae na parehong mahal, o kung hindi kaya ay sa pagitan ng lalaking iniibig. Sa pelikula, si Jake ang titimbangin at matatagpuang nagkulang lalo na sa pagbubunyag ng kanilang ugnayan ni Mona. Maliit lamang ang mundo ng mga tauhan, tutukoy ang kaliitan sa kintab ng mga lugar ng konsumerismo na pagkakakitaan nila kundi ang inihahaing nakaraan para maunawaan ang pagkilos ng mga indibidwal. Sa pelikula, magiging testigo ang boutique, mall at restaurant sa sari-saring engkuwentro nina Mona at Clotilde. Ipakikilala tayo kina Atty. Grande (Charito Solis), at pamangking si Liza (Julie Vega), gayundin kay Crystal (Janice de Belen), ang nag-iisang anak nina Jake at Clotilde na nag-aasam na sapat nang dahilan ang mga ito upang tanggapin ang lagim ng kumprontasyon ng dalawang babae, habang iniiwan tayong nagtatanong kung bakit hinayaaang walang kasaysayan ang feminisadong mga lalaking tampulan ng kani-kanilang pagmamahal. Ito ang nakagagambala sa pelikula, itatago ang lalaki samantalang gagawing ispektakulo ang pagbabatuhan ng masasakit na linya ng matatapang na babae. At ito ay dahil sa desisyong ipaglaban ang lalaking minamahal na itinuturing na nilang pagmamay-ari dahil ninakaw ng ibang babae.

Paano nagtaglay ng ganitong lakas ang babae sa pelikula? Gagawing madali ang kasagutan, dahil pinili nilang makipaglaban, na magkaroon ng kontrol sa sitwasyong kinasangkutan ng mapusok na puso.  Na mas lalo pang magiging mapanganib sa away nina Mona at Clotilde dahil sa madulas na pagpapangalan sa pakikiapid na sintomas hindi lamang ng malabnaw na karakterisasyon sa maaksayang pagkukuwento kundi ng nakakasawang kalagayan mismo ng imahe na isinisiwalat ng mga nagsipagganap at ng ispesipikong pamamaraan ng sine na ibang-iba sa telebisyon at hindi mabitawan ng pelikula.  Bumabaw pang lalo ito sa pagsasalarawan ng nag-iisip at nagsasariling babae para gatungan ang diumano ay kapangyarihan niyang makapamili. Sa puno’t dulo pa lang, ang mga ugnayang pinagbabaran ay pinaligiran na ng sira-sirang relasyon at ng kawalan nito. Parang ipinapakitang opresibo na ang mga relasyon sa simula’t simula pa na bagama’t maaaring pasubalian ay hindi rin naman tinangkang ilagay sa reimahinasyon ng pelikula upang maging tunay na kapaki-pakinabang para sa lahat.  Sa halip, ipinapanukalang babae ang may kasalanan. Kung paano ginawang trivial ang kabit, kerida, at mistress kaya kailangang turuan ng leksiyon, dahil ang lalaki, ano pa nga bang bago, ay lalaki lamang. Kaya’t magtataka pa ba na sa pagkakataong ibinigay kay Jake upang magpaliwanag ay hindi rin pala siya tunay na pakikinggan at hindi na pagkakatiwalaan ni Clotilde, na mangyayari ang kabaligtaran kay Mona nang hindi pinaglaanan ng espasyo ni Clotilde para magpaliwanag kahit noong una pa lang ay naghahangad na itong si Mona na maplantsa muna ang lahat ng gusot niya kay Alejandro at kay Clotilde. Kailanman ay hindi naging matibay ang relasyon nina Jake at Clotilde sa umpisa man hanggang sa katapusan na inaasahang magpapatatag pa sana nito pero pinabayaan lang at hindi hinayaang paunlarin ng pelikula. Kaya’t tulad ng tugon ni Jake kay Mona nang tanungin ng huli kung ano nga ba sila, niromantisa na lamang sa pagpapahaba at pagpapalaki sa mga suliraning isinisisi palagi sa mga nabubunyag na lihim. At dahil kabit lang naman, hindi pa nga ba aasahan itong pagtatapos?  Bakit hindi?  Dahil sa pantasya ng pelikula, mas nasa kanila, diumano, ang nakapagpapalayang pagpili.

Direksiyon: Joey Gosiengfiao
Dulang Pampelikula: Jonas Sebastian
Sinematograpiya: Ricardo Jacinto
Musika: Jun Latonio
Editing: Rogelio Salvador
Disenyo: Danny Evangelista
Prodyuser: Regal Films, Inc.
Release Date: March 2, 1984

8 Response to "Katapusan Ng Pag-Iibigan Sa WHERE LOVE HAS GONE"

  1. Ronald Selorio says:
    12:44 AM

    Thanks for the review. I haven't seen this one yet. It doesn't sound that tempting to watch though.

  2. Jojo Devera says:
    5:22 AM

    My pleasure Ron... Watch it for what it's worth anyway.

  3. Carlo says:
    1:31 PM

    I thought that some of the confrontation scenes were just thrown in for melodramatic effect and that they weren't logical. Most especially that scene between Mom (Amalia) and daughter (Janice) by the stairway. And that catfight scene between Amalia & Snooky started intensely only to end up lamely. If this was going to be a camp movie they should have gone all out ala Joan Crawford & Linda Evans for crying out loud.

    Charito Solis was the only one that kept my interest in watching this.

  4. Jojo Devera says:
    4:43 PM

    I felt the same way Carlo, the scenes you mentioned were overly melodramatic. They weren't meant to be campy. The problem stems from the acting.

    Janice on the other hand tried to make the most out an underwritten role and Snooky, unfortunately was unable to equal Amalia, although both actresses has the tendency to overact.

  5. Dennis says:
    1:21 AM

    Hi Jojo!

    Surprisingly, I haven't seen this yet or maybe too young to remember baxck then. The casting and style's a bit ala Zialcita, but it was altogether helmed pala by Goseingfiao.

    One thing about reviews in your blog, no matter how bad the film was, I ended up wanting to see the movie more hehe...

    Insightful as always!

  6. Jojo Devera says:
    5:16 AM

    Hello Dennis!

    Ipinalabas lang kamakailan ang pelikula sa Cinema One. Sana matiyempuhan mo so you can see what I mean.

    Thanks for the kind words. That's exactly what I'm hoping for, to stir your interest in watching the movies whether they're good or bad.

  7. Dennis says:
    1:29 PM

    I will definitely watch it lalo na't nireview mo!

  8. Jojo Devera says:
    7:08 PM

    Thanks! Hopefully I can upload it sa video blog...