SA TOTOO LANG! E Ano'ng Nakakatawa?

Sa Totoo Lang!
Sa Totoo Lang! (Viva Films), pawang lihis sa kaibig-ibig na katangian ng babae sa lipunan ang mga tauhang ginagampanan nina Gina Pareño, Gloria Diaz at Carmi Martin. Ang pagbubunganga at pagiging mali-mali, ang sobrang pakikialam sa buhay ng ibang tao, ang pagsasalita at pagkilos nang labag sa pamantayan ng tama ay maling gawi para sa babaeng iginagalang sa lipunan. May karaniwang tipo ang tauhang ginagampanan ng mga bidang babae sa pelikula. Unahin natin si Pareño bilang Purita. Isa siyang mapagmahal na babae sa kanyang mga talisuyong sina Eliong (Eddie Garcia), Howard (Leroy Salvador) at Berto (Jimmy Fabregas). Subalit mapapalambot at mapapaamo si Purita sa tibok ng puso at halina ng bruskong si Rocky (Dindo Fernando). Babaeng walang pangingimi ukol sa usaping sekswal si Marilou (Martin). Maraming nahahaling na lalaki sa alindog ng kanyang katawan. Ang katawan ding ito ang pinagnasaan ni Ramoncito (Johnny Wilson) at estudyanteng si Winston (Jon-Jon Hernandez). Ngunit ang mangingibig na si David (Robert Campos) ay hindi lamang katawan ang nais kay Marilou at bago matapos ang pelikula ay magpapakasal ang dalawa. Iba naman ang kaso ni Amy (Diaz). Nangibang-bansa ang asawang si Elmo (Ruel Vernal) para maghanapbuhay upang matustusan ang kanilang pangangailangang materyal. Sa di-inaasahang pagkakataon, magtatagpo ang landas nina Amy at dating nobyong si Ipe (Jay Ilagan) na lilikha ng gulo sa buhay ng mag-asawa. At ano ang nakakatawa sa ganitong karakterisasyon ng mga babaeng bida? Ang pagiging bungangera at matapang ay bahagi ng isteryotipong katangiang nakakabit sa mga babaeng napapaamo at napagbabago ng lalaking kanilang iniirog at kinahuhumalingan. Samakatuwid, mabangis na tulad ng hayup ang babae. Kailangang turuan ng tamang pamamaraan ng pakikisalamuhang pino at ayon sa inaasahang gawi ng isang kapita-pitagang babae ng lipunan sa pamamagitan ng pag-ibig at pagkalinga ng isang lalaki. Dahil sa magaganda at kilala, nagagawa ng mga bidang babae na makipag-angasan sa mga lalaki, na sa tunay na buhay ay maaring suklian ng bugbog o alimura ng mga lalaking makakatapat nila.

Kung tutuusin, ang mga katauhang ginampanan nina Pareño, Diaz at Martin ay hinulma pa rin ng mga kumbensyon ng pagiging babae na tinakda ng lipunan. Bungangera, pakialamera, mukhang pera, seks objek, babaeng tinubos ng pag-ibig ng lalaki. Nakakatawa ang mga ito pagkat idinidiin na hindi ito dapat panularan, kung hindi'y malalagay sa gayunding katawa-tawang sitwasyon ang mga babae. Kaya't lumilihis man sa mga takdang batas ng gawi at kilos ang mga papel na kanilang ginampanan, sa huli, nauwi pa rin sa pahiwatig na hindi ito dapat pamarisan pagkat lihis ang mga ito sa kumbensyon ng lipunan. Kung gayon ang katatawanan ay nakabatay sa pagtatawa sa mga lihis na mga gawi o mga pagkakamali na hindi naman pinaliliwanag kung bakit mali o di dapat pamarisan. Kaya tuloy tumitibay ang kalagayan ng babae at kumbensyunal na turing sa babae bilang object of ridicule na hindi dapat seryosohin. Sa Totoo Lang!, nariyan ang hamon na lumikha ng mga komedyanteng babae na hindi pagtatawanan dahil sa kapintasang pisikal o dahil lumihis sila sa alituntuning itinakda ng lipunan para sa babae. Ang hamon ay ang paglikha ng katatawanan sa antas ng argumentasyon ukol sa kalagayan ng mga babae sa lipunan. Sa ganitong komedi, ang babaeng komedyante ay hindi na lamang magiging object of ridicule kundi kinatawan ng pangangatwirang makapagbabago ng pananaw at pakikibahagi ng babae sa lipunan. Magiging lihis sa tradisyon ang ganitong representasyon ngunit nakakalikha ito ng puwang para sa babae, hindi bilang seks objek o object of ridicule, kundi bilang mga taong dapat kilalanin at pakinggan dahil sa kanilang maiiambag sa pagpapaunlad ng lipunan. Tulad ng isang bahing, ang katatawana'y mangyayaring makapagbuga ng mga ugnayang makapagpapalis sa di magandang representasyon ng kababaihan sa lipunan.

Direksiyon: Maryo J. de los Reyes
Dulang Pampelikula: Jose Javier Reyes
Sinematograpiya: Joe Batac, Jr.
Musika: Ricky del Rosario
Editing: Ike Jarlego, Jr.
Disenyo: Butch Garcia
Prodyuser: Viva Films
Release Date: March 21, 1985

12 Response to "SA TOTOO LANG! E Ano'ng Nakakatawa?"

  1. Dennis says:
    11:03 AM

    Hi Jojo!

    Tama, very stereotypical ang mga babaeng tauhan sa Sa Totoo Lang!

    I had to admit na nagustuhan ko ang pelikula lalo sa pagiging 'game' ng mga lead actresses sa kanilang roles. Maging ang mga kalalakihan na pinangungunahan ni Dindo Fernando.

    I already forgot na Maryo J. De Los Reyes film pala 'to. Kumita ba ito that time?

    The theme song is very catchy. After all these years, narerecall ko pa rin ang tono.

  2. dexter says:
    11:47 AM

    I love Carmi Martin,and i love her role here,parang extension ng sa Working Girls. Gusto ko din si Chanda Romero dito. I remember Babette Villaruel doing her famous Say,Say,Say head movement on this movie.

  3. Ronald Selorio says:
    8:25 PM

    I haven't seen this one. Looks like a fine cast but an underwhelming film?

  4. Jojo Devera says:
    6:40 AM

    Kumusta Dennis!

    Sadyang mahusay sa comedy ang mga lead actresses ng pelikula, pero hindi kailangang gawing katatawa-tawa ang kanilang kahinaan at pagkakamali. Dahil na rin siguro sa wala silang pisikal na kapintasang puwedeng pagtawanan.

    Fan ako ng mga comedy films ni Direk Maryo J. Sayang nga lang at hindi maikukumpara ang pelikula sa iba niyang ginawa.

    Break even lang ang kinita nito sa takilya. Madali kasing maalala ang theme song dahil catchy naman talaga...

  5. Jojo Devera says:
    2:06 PM

    That was exactly my problem with Carmi's performance in the film, Dexter. It's just an extension of her role in Working Girls.

    The film's title was taken from a segment in the Big, Big, Show where movie scribes would dish out the latest tsismis but it was Babette Villaruel's patented head movement and Bong de Leon's lip gesture that made an impression, they just had to be part of the movie.

  6. Jojo Devera says:
    2:08 PM

    The cast was undoubtedly fantastic, Ron. The film had many shortcomings that even Maryo J's directing skills cannot compensate.

  7. Dennis says:
    12:24 PM

    I totally agree about physical attributes kaya sa iba dinaan.

    Yes, extension is the word. Parang umuwi lang sa Makati office ang role ni Carmi at sila naman ang kasama niya pagdating sa bahay.

  8. Jojo Devera says:
    1:15 PM

    The filmmakers should have focused on the comic abilities of the three leads instead of putting them in mostly ridiculous and unbelievable situations.

    Di ba? Mas nakakatawa naman si Carmi sa Working Girls kesa sa pelikulang ito kung saan ginawa siyang katawa-tawang femme fatale na hindi naman nag-work...

  9. Dennis says:
    12:24 AM

    Kahit ensemble ang casting sa Working Girls, talagang umangat ang role niya sa mga kasamang cast na female leads. May kanya-kanyang moments sila pero sumakit ang tiyan ko sa eksena na napuluputan na siya ng ribbon ng typewriter! Haha.

  10. Jojo Devera says:
    7:53 AM

    Halos lahat naman sila umangat sa pelikula. Kapansin-pansin lang talaga sina Gina dahil it was her comeback role at si Carmi na talagang napakahusay sa eksenang nabanggit mo but I liked her sa restaurant scene na yung kandila ang isusubo niya dahil sa kalabuan ng mata niya...

  11. Dennis says:
    11:30 AM

    Walang naiwan sa mga female leads. Haha, I remember that too. Walang ka-effort-effort si Carmi sa pelikula!

  12. Jojo Devera says:
    7:58 AM

    Lahat naman sila sa cast serviceable,may ilan nga lang na lumutang...