 |
| Sana Mahalin Mo Ako |
Paanong sisingilin ng anak ang mga pagkukulang ng ina? Paanong ipahihiwatig ng ina na hindi niya sadya ang kanyang mga pagkukulang sa anak? Paanong aalalahanin ng anak ang katiting na gunitang pinagsamahan nilang mag-ina? Paanong mamahalin ng ina ang anak na hiwalay at inihiwalay sa tinagurian niyang angkla ng buhay, ang pamilya? Paanong magmamahal ang ina na nawalan ng angkla sa buhay? Paanong tatayo sa buhay ang anak na tumiwalag sa angkla ng buhay? Paano sasabihin ng ina sa anak at ng anak sa ina na mahal nila ang isa't-isa sa gitna ng malalaking pagkukulang at malalawak na guwang ng pagkakatiwalag sa isa't-isa? Hinimay ng pelikulang
Sana Mahalin Mo Ako (Regal Films, Inc.) ni Artemio Marquez ang mga tanong na ito. Kinilatis nito ang mga buhaghag na damdamin at natitibag subalit lagi't laging pinatatatag ng mga ugnayang pampamilya sa payak na sinematikong rendisyon ng naratibo. Inugat nito ang ontolohiya ng sarili at pamilya hindi lamang sa pamamagitan ng mga diyalogo, kundi higit sa naratibo ng mga imahe, sa teksto ng mga nagtatagpong kahulugan ng mga imahe. Sa proseso ng pagsisiyasat sa mga saloobin ng mag-inang Maria (Nora Aunor) at Catherine (Lotlot de Leon) ay nagawang bigyan ng matinong eksplorasyon ng pelikula ang etnograpiya ng sarili at damdaming humuhubog ng mga ugnayang pampamilya, na sa bandang huli ay nagbibigay-hugis sa identidad ng sarili. Kinilatis ng pelikula ang mga tauhang naghahanap ng kahulugan ng kanilang mga kakulangan, o naningil sa mga kakulangan, o kapwa humihingi at nagbibigay ng mga pampuno sa sarili at kapwa. Hahantong ang eksplorasyon ng pelikula sa mga damdamin ng paglisan at pananatili o ng pag-alis at pagbalik, mga engkuwentrong bunsod ng nayugyog na mga angkla ng relasyon.
Sa kauna-unahang imahe pa lamang ay iniharap na ng
Sana Mahalin Mo Ako ang pangunahin nitong layunin, ang tunggalian ng pag-alis, pagdating, pagyao, pagbabalik at higit sa lahat ng pananatili. Malalaman natin sa pagdaloy ng pelikula na napilitang ipaampon ni Maria ang anak nang mabilanggo ang kasintahang si Ramon (Tirso Cruz III). Nabubuhay sa kontradiksyon ng buhay ang ginawang paninilbihan ni Maria sa pamilyang nag-angkla ng responsibilidad sa kanyang anak. Bubulabugin ang tahimik at marangyang buhay ni Catherine nang ipagtapat ni Robert (Ramon Christopher) ang kanyang pagkatao. Sa pangkalahatan, ang
Sana Mahalin Mo Ako ay eksplorasyon ng mga hinagpis at kagampan ng pananatili at pag-alis at ng mga inakalang dumadaloy. Ang kahusayan ni Nora Aunor sa pagganap ay pinatutunayan ng kanyang epektibong pagpapamalas ng nagaganap sa kalooban ni Maria. Higit na makitid ang papel na ginagampanan ni Lotlot de Leon pero mariin ang bakas na naiwan ng kanyang pagganap. Si Tirso Cruz III bilang Ramon ay nabigyan ng mahaba-habang papel na nakapagpalitaw sa kanyang madamdamin ngunit matimping pagbibigay-buhay sa tauhan. Punung-puno ang pelikula ng mga buhay at sariling nagungulila sa nakaraan, sa mga posibilidad ng ngayon at ng pangungulila sa pagmamahal. Patuloy itong hinuhubog ng mga nilalang na kadalasa'y gunita lamang ng nakaraan ang bumubuhay. Sa lahat ng bagay na ito, lagi't laging may interaksyong tumatagos sa pagbubuo ng pagkakilanlan sa sarili at sa kapwa.
Direksiyon: Artemio Marquez
Dulang Pampelikula: Maria Victoria Triff
Sinematograpiya: Ricardo Hererra
Musika: Vehnee Saturno
Editing: George Jarlego
Disenyo: Jens Peter Gaw
Produksiyon: Regal Films, Inc.
Release Date: March 10, 1988
8:35 AM
Thanks for the review. I am not familiar with the movie, although I am not a fan of Artemio Marquez though. BTW I am looking forward to reading your review of Lagarista. I haven't seen it in ages. Maybe it's time for a revisit.
10:21 AM
My pleasure Ron...
Many regard Artemio Marquez as a director of quickie movies although I must say, he has done his share of good ones as well. Sana Mahalin Mo Ako falls into that category.
I'll be posting my review of Lagarista next week.
9:12 AM
Hi Jojo!
Isa ito sa mga natatandaan kong pelikulang pinapalabas sa Regal Presents. Wala akong masabi sa unang screencap mo.
Akala ko dati galing ito sa komiks.
Kamusta pala ang box office take ng pelikula considering na mag-ina in real life pati na rin ang love team ni Nora at Tirso ang leads?
9:31 AM
Mabuti at napanood mo ang pelikula kahit sa TV lang. Gustung-gusto ko din ang expression ni Nora sa screncap na binanggit mo. Sinubukan kong mag-capture ng ilang magkakaibang kuha ng nasabing eksena at yung napili ang isinama ko sa collage.
Kung iisipin nga parang komiks ang materyal lalo na ang title.
The movie was a box-office success. Nagsanib puwersa ang mga fans ng Guy & Pip at Lotlot-Monching na may sarili rin hukbo ng mga tagahanga.
2:39 PM
I remember this one funny scene wherein Lotlot suddenly burst into a song and dance number "Shake Your Love". That scene was from this movie right?
8:15 PM
You're absolutely right Carlo!
Mother Lily requires at least a couple of musical numbers be included in movies featuring her Regal Babies. It doesn't matter whether they were comedy, drama or fantasy. Exceptions would be films by the likes of Brocka, Bernal and Mike de Leon.
1:01 PM
Sino pa ba ang makapagbibigay hustisya na i-capture ang mukha ni Nora kung 'di ikaw Jojo!
Hehe, I totally forgot the Lotlot-Monching loveteam. I gather mas successful ito kesa sa I Love You Mama, I Love You Papa, tama ba? I'm comparing it since parehong real-life mother-daughter at mother-son ang cast sa dalawang pelikula.
Nabubuko din ang edad ng manonood at ang pelikula sa mga musikang sinasama. In na in pa ri Debbie Gibson noon hehe. Ewan ko na lang kung biglang magdance number ang mga artista sa mga pelikula nina Brocka, De Leon at Bernal hehe..
1:37 PM
Maraming salamat Dennis!
Box office wise, Sana Mahalin Mo Ako was more successful compared to I Love You, Mama dahil sikat na rin ang loveteam nina Lotlot at Monching. Magkaiba din ang tema ng dalawang pelikula. I would say na mas seryoso at matino ang I Love You.
I guess depende siguro sa pelikula... Bernal incorporated song and dance numbers in Pabling, Galawgaw and Hindi Kita Malimot while Brocka did the same in Hello, Young Lovers although Mother Lily had nothing to do with it.
10:14 AM
Akala ko all out drama ang Sana Mahalin pero 'yun nga may 'light' moments din.
Kanya kanyang tatak kada direktor kaya nu'ng meron Pabling, Galawgaw si Bernal alam mong Bernal ang approach. Wanted Perfect Mother ang alam kong may song number ni Brocka which is very apt naman obviously.
10:44 AM
Yung mga singit na musical numbers lang ang light moments sa Sana Mahalin Mo Ako, the movie was mostly straight drama.
May song numbers din naman sa Dalaga Si Misis, Binata Sa Mister si Brocka dahil singer ang role ni Nora sa pelikula.
12:47 PM
Siguro mas maganda na sana kung walang singing segments 'yung movie. Sana maipalabas uli sa cable para mas marefresh memory ko.
Very apt naman ang mga song sequences sa Dalaga Si Misis.
1:18 PM
That's true... Sana Mahalin could've been a much better film minus the musical numbers. Maybe even better that Artemio Marquez's overrated Inay.
Singer kasi ang role ni Nora sa movie pero kung mapapanood mo ang Hello, Young Lovers hindi kapani-paniwalang dancer ang role ni Gabby Concepcion.
1:13 AM
'Yun pa 'yung panahon na any movie ng Regal mapadrama o horror may singing/dancing na susulpot . :-D
Hindi ko nga maimagine na singer si Gabby hehe..
5:45 AM
Karamihan sa mga Regal movies that time had to include those obligatory singing and dancing scenes. Basta sinabi ni Mother Lily, kailangang gawin...
When Gabby first started singing, talagang sumasakit ang tenga ko each time. But years later, it became more tolerable. Di ba nag-record pa siya ng dalawang albums of mostly standard songs parang Michael Buble? Yung pagsayaw niya ang di ko kinaya.
11:04 AM
Nagkaroon pa nga ng hindi lang isang album. Back then, nireleased pala commercially ang version niya ng Aanhin Pa ni Rey Valera sa pelikulang Burgis, kaya meron pa pala silang 45rpm.
Hindi ko nga talaga maimagine na gumanap siya as professional dancer. 'Yung mga pagsayaw-sayaw niya sa disco na eksena sa mga movie niya, ok pa.
11:36 AM
Aanhin Pa was the flipside sa 45rpm ng Burgis which was sang by Louella. Later that same year, he recorded Come What May, a duet with Sharon Cunteta also released as a single.
Most awkward yung opening dance sequence sa Story Of Three Loves ...
12:25 PM
Buti nagkaroon rin ng album released kahit 45 lang ang Burgis. Naging mabenta ba 'to considering na hindi big hit ang actual na movie?
Naalala ko nga hehe..
1:10 PM
Hindi rin naging hit yung single ng Burgis unlike nung nirecord ni William Martinez ang theme song ng Pabling na talagang bumenta...
12:25 AM
Mas tinanggap pa pala ng masa ang boses ni William dati hehe...
7:50 AM
Marami lang fans si William... Isa ako sa mga bumili ng plaka niya hehe.
11:30 AM
Nice!
11:40 AM
O di ba?