Isang Pista... TATLONG PELIKULA

1st Metro Manila Film Festival
Bunga ng pagbabagong dala ng 1st Metro Manila Film Festival, naragdagan ng bagong sangkap ang pampistang lutuin ng mga prodyuser ng pelikulang Pilipino. Kung sa mga dating pista ay komersiyong winisikan ng bahagyang sining ang putaheng dulot ng mga kompanyang pampelikula, naparagdag sa komersiyo at sining ang sangkap na politika. Tiyak na sa antas ng komersiyal ay naging matagumpay ang pista. Umubra ang kinagawiang mga taktikang pangkomersiyo ng mga pelikula. Taga-baryo si Perla (Gloria Diaz) na ang hita ay tinuklaw ng kobra. Habang ang pagdadalantao ni Nora Aunor sa tunay na buhay ay sinangkalan upang akitin ang mga fans na gustong mag-usiyoso tungkol sa mga lihim ng mag-asawang Christopher de Leon at Nora Aunor. Pinuhunan ang pagbabalik pelikula ni Charito Solis, tampok ang katakot-takot na hagulhulan at hirap ng loob. Kung kasiningan ng mga pelikula ang tatakalin, palatandaan ng kadahupan ang pangyayaring tatlong pelikula lamang ang naghati-hati sa iba't-ibang gawad. Bagama't nag-iwan ng mariing tatak sa damdamin at alaala ang direksiyon ni Augusto Buenaventura, ang Diligin Mo Ng Hamog Ang Uhaw Na Lupa (JE Productions) ay may malubhang kapintasan sa istorya at iskrip. May kamalayang panlipunan ang pelikula, subalit waring dinaan sa tapal ang pagpaparating ng mensahe. Dahil dito, hindi naging kapani-paniwala ang ipinakitang kalutasan sa masalimuot na problema sa pagitan ng mga asendero-pulitiko at mga magsasaka.

Ang sangkap na politika na hayagang hiningi sa mga pelikulang ginawa para sa isang festival ay nakatawag pansin sa manonood na may alinlangan sa paggamit ng pelikula bilang propaganda. Subalit ang likhang sining ay laging may taglay na propaganda para sa isang partikular na pananaw sa buhay, sadya man o hindi ang pagpasok nito. Hindi ang pagkakaroon ng propaganda ang dapat punahin kundi ang nilalaman at pamamaraan ng pagpropaganda. Ayon sa layunin nito, may tatlong anyo ang propaganda. Una ay ang pagbibigay ng impormasyon, ikalawa, paglilinaw at ikatlo, pagsusulong sa isang ideya o layunin. Bagamat napakaigting ng alitang namamagitan sa mga asendero at magsasaka sa Diligin..., napakadaling nalutas ang suliraning panlupa na ipinaglalaban ni David (Joseph Estrada). Namahagi lamang ng pormularyo para sa reporma sa lupa, sumuko ang ilang naghihimagsik, namatay ang isang asendero at nahuli ang politikong may private army. Tila pinapaniwala na natapos na ang suliranin ng mga kababaryo ni Perla. Ang problema naman ng kahirapan sa Araw-Araw Gabi-Gabi (Lyra Ventures) ay tila epekto ng mga puwersang hindi naipapaliwanag, kaya dapat tanggaping tulad ng pagsikat ng araw sa umaga at pag-akyat ng buwan sa gabi. Ito ang Pilipino, matatag... Ganito ang mensahe ng pelikula. Kung ganyan ang pananaw sa paghihikahos, hindi ba ito pagpapayo na makuntento na lamang tayong mga Pilipino sa kahirapan? Mensaheng population control ang isiningit sa kuwento nina Orang (Nora Aunor) at Chris (Christopher de Leon), magkasinathang magkakanak na'y hindi pa kasal ang paksain ng Batu-Bato Sa Langit (NV Productions). Wastong igiit na maglaman ng kamalayang sosyal ang mga pelikula sa isang bansang tulad ng Pilipinas. Wasto rin namang hilingin na palalimin sana ang pagsusuri sa lipunan ng mga direktor at iskriprayter. Sinusukat ang tagumpay ng pista hindi ayon sa bunga kundi ayon sa magiging epekto nito sa sining ng pelikula matapos ang isang panahon ng paggigiit na pagtimbang-timbangin ang komersiyo, sining at politika ng mga pelikulang Pilipino.

Batu-Bato Sa Langit
Dulang Pampelikula At Direksiyon: Luciano B. Carlos
Sinematograpiya: Fermin Pagsisihan
Musika: George Canseco
Editing: Ben Barcelon
Produksiyon: NV Productions
Release Date: September 21, 1975
Batu-Bato Sa Langit theme song performed by Nora Aunor

Diligin Mo Ng Hamog Ang Uhaw Na Lupa
Direksiyon: Augusto Buenaventura
Dulang Pampelikula: Augusto Buenaventura At Diego Cagahastian
Sinematograpiya: Freddie Conde At Fortunato Bernardo
Musika: Ernani Cuenco
Editing: Edgardo Vinarao
Produksiyon: JE Productions
Release Date: September 21, 1975
Diligin Mo Ng Hamog Ang Uhaw Na Lupa theme song performed by Abdul Candao

14 Response to "Isang Pista... TATLONG PELIKULA"

  1. Dennis says:
    2:45 AM

    Hi Jojo!

    Interesting twin-bill reviews on Batu-Bato Sa Langit at Diligin Mo with Araw-Araw, Gabi-Gabi din. Very informative.

    I haven't seen the latter. Hopefully, our cable here has Diligin Mo Ng Hamog...

    Really appreciate also the theme song links!

  2. Ronald Selorio says:
    8:14 AM

    Hi Jojo, Which film won in the festival that year?

  3. Jojo Devera says:
    6:47 AM

    Thanks so much Dennis!

    I believe TV 5 secured the rights to the films produced by JE Productions. I'm not quite sure if it includes Diligin, although they already showed Bakya Mo Neneng . I would say that it's worth watching just to see the kind of movies Erap did during his heyday. You will notice the difference between his films and FPJ's.

    I try my best to include links from the theme songs of the movies if they are available, that way my readers can appreciate the films even without the benefit of watching them...

  4. Jojo Devera says:
    6:50 AM

    Hello Ron!

    Diligin was named Best Picture that year with Joseph Estrada winning Best Actor for his performance in the film. Charito Solis was named Best Actress for Araw-Araw Gabi-Gabi.

    It's interesting to note that the 1st MMFF was held September 21st and was moved to Christmas day the following year.

  5. Dennis says:
    10:07 AM

    You did mentioned nga before. 'Yun nga lang puro mga Hollywood films dubbed in tagalog ang madalas ipalabas ngayon sa 5. Na sinudan na rin ng 7 at Studio23.

    Yes, I'm also interested to see more of Erap's films since I have seen dozens of FPJ's

  6. Jojo Devera says:
    6:44 PM

    Nakapanood ako ng ilang tagalog dubbed Hollywood films sa TV5. Hindi ko kinayang panoorin. I watched a few minutes and changed the channel.

    FPJ's films are more accessible and they really took very good care of the movies they produced kaya halos lahat ng pelikula nila are available. Erap on the other hand started producing in the 60's under Emar Pictures which was later changed to JE Productions. Erap did historical films such as Ito Ang Pilipino and starred as Geron Busabos, his best film in my opinion...

  7. Dennis says:
    12:39 AM

    Hindi ko rin talaga masikmura panoorin. Hindi ko makayang panoorin si Kevin Spacey nagtatalog na nagda0dubbed din ng mga koreanovela nu'ng pinalabas ang The Negotiator!

    Nakakatuwang makita available sa market ang karamihan sa pelikula ni FPJ both in vcds and dvds pero marami hindi nare-released na gustong panoorin ng mga fans at films enthusiasts alike. Thanks sa info, bakit pala Emar ang unang production outfit ni Erap? I haven't seen Ito Ang Pilipino kung saan pamagat pa lang intresting na. And yes, I've seen Geron Busabos. The best na yatang film na napanood ko na movie niya. I totally agree sa sinabi mo. Hindi ko ganu'n kagusto si Erap sa mga movies niya but his Geron Busabos won me over. Napanood ko sa PTV-4 nu'n na may special on pinoy movies na pinalabas yata ng isang buwan. I totally forgot the program. Talagang makikisimpatya ka sa role niya.

  8. Jojo Devera says:
    5:18 AM

    Nakakatawa dahil when I was there, ipinalabas sa TV5 ang Eraser at nakakainis pakinggan ang tagalog lines ni Arnold Schwarzenegger.

    It's really unfortunate na yung mga movies na ginawa ni FPJ outside his own film outfit lang ang available sa DVD. Erap co-owned Emar with brother Jesse Ejercito until he started Crown Seven Productions.

    I first saw Geron Busabos on TV when I was young and got to watch it on the big screen in 1997 at the FIlipino FIlm Festival in NY. It still remains to be Erap's best. So recently lang pala ipinalabas ang pelikula sa PTV-4? Hopefully they get to show more classics para mapanood ng nakakarami....

  9. Dennis says:
    10:14 AM

    Sinakyan pa ng dalawang established na istasyon lalo na ang 7!

    Napakadami pa rin talagang hindi nare-released.

    No Jojo, matagal na 'yun pinalabas yata kapanahunan pa ng Pelikula at Lipunan, mga ganu'n. Isa rin 'yan sa gusto kong mangyari, sana mag-allot naman ang stations lalo na ang 2 since they have their own archives na magpalabas ng mga lumang at de-kalidad na mga pinoy movies from time to time.

  10. Jojo Devera says:
    12:24 PM

    Akala ko recently lang ipinalabas... If it was during the time ng Pelikula at Lipunan then that was back in the 90's pa. I wish the networks would show more classic films dahil kailangan nating balikan ang nakaraan patungo sa kasalukuyan.

  11. Dennis says:
    12:28 PM

    Yes, ganu'n na katagal. Although I forgot the host, I vividly remember the poster of Gaano Kadalas Ang Minsan? as the background while the host talks. The movie wasn't even part of the line-up. I saw Tunay Na Ina (very affecting movie) during that time too.

    Well said Jojo.

  12. Jojo Devera says:
    4:32 PM

    I wonder kung nasaan na ang mga u-matic copies ng mga pelikulang ipinalabas nila. Imagine, they also showed Tunay Na Ina.

    Maraming salamat Dennis. Karamihan kasi sa atin ang nakakalimot sa nakaraan. There's only a handful of film enthusiasts who live in the past, siguro isa na ako sa mga nabanggit. Sana lang isipin ng mga baguhang mga artista at direktor na merong nauna at kung wala sila, ano ang patutunguhan ng kani-kanilang mga career, di ba?

  13. Dennis says:
    9:34 AM

    Yes, that was the first time I saw that movie and ang ganda pala.

    Tama ka diyan.

  14. Jojo Devera says:
    5:09 PM

    Tunay Na Ina is a great film indeed... Raya Martin included scenes from the movie in Now Showing.

    Maraming salamat Dennis!