Hilakbot At Pangamba PagKAGAT NG DILIM

Kagat Ng Dilim
Ang hinulmang sindak sa  Kagat Ng Dilim (Hernando's Hideaway, Fuji-Keyser Mercantile at National Commission for Culture & the Arts) ay mas nakakatakot kaysa kalakhan ng sineng horror sa Pilipinas. Tumitingkad ang hilakbot at pangamba dahil sa malalim na pagbabanghay ng katauhan ng mga karakter at sa masinop na rendisyong sinematiko ng mga pangyayari at eksena. Namumukod tangi sa ganitong mga uri ng horror ang maikling pelikula ni Cesar Hernando sa dahan-dahan nitong rebelasyon sa paglalatag sa historidad ng aswang bilang lunan ng panlipunang tunggalian sa gitna ng kalakarang piyudal at kapitalistang kaayusan noong dekada 50, at sa paglaganap ng kilusang Huk na iniluwal ng malalang suliraning pang-agraryo. Sa panahong ito tumibay ang kontrol ng mga dayuhan sa ekonomiya ng bansa. Kaugnay nito, matalinong naipakita ng pelikula ang pagkalusaw ng kapatiran bunsod ng takot dala ng di maipaliwanag na dahilan sa likod ng biglang pagkamatay ni Ka Andres (Yul Servo). Sa simula pa lamang, itinatag na ng Kagat Ng Dilim ang tukod ng balintunang nais bigyang-pansin ng pelikula. Binibigyang-diin ni Ka Serafin (Piolo Pascual) ang pananagutan ng bawat isa sa kilusan upang patuloy na itaguyod ang adhikain ng samahan. Sa ganitong paniniwala ipinapasok ng pelikula ang isang matingkad na kabalintunaan kung saan higit na mahalagang ipagpatuloy ang pakikipaglaban at balewalain ang walang habas na paninindak ng aswang.

Mamamalas ang pinatalas na teknikal na kakayanan ni Hernando sa pagiging pulido ng Kagat Ng Dilim sa aspeto ng sinematograpiya at disenyo ng produksiyon. Malinaw na naglatag ang pelikula ng may ilan ring antas ng pagbibigay-kahulugan, kaya't naaangkop na ihain ang Kagat Ng Dilim bilang tekstong makakasangkapan sa pagsasanay sa pagbabasa mula sa iba't-ibang kaparaanan ng pagbibigay hugis sa kaalaman at pagtatagni-tagni ng konteksto. Isang malaking ambag ng pagkakalikha sa Kagat Ng Dilim ang epektibong panggigiit nito ng partikular na kakaniyahan at angking ekonomiya ng maikling pelikula bilang natatanging porma ng sining. Napatanyag sa Kagat Ng Dilim ang kaangkupan ng pormang ito sa pagdadalumat sa gitna ng kasalatan, ang posibilidad ng masinop na pagkukuwento sa maimis na pagkakatahi ng salita at imahe. Walang partida o palugit sa pag-aaksaya ng oras ang lumilikha ng maikling pelikula. Idinidikta ng porma na maihatid ang punto ng manlilikha sa pinakamatipid ngunit makasining pa ring paraan. Sa partikular na kaso ng halos 15 minuto ng Kagat Ng Dilim, malinaw na tinutugis ang sinematograpiya bilang teknolohiyang kasangkot sa pagtatakda ng hangganan ng ating nakikita. Kung ano ang magiging hayag at kung ano ang mananatiling kubli, di naaaninag o pinabulaanan. Sa paglalaro ng biswal at pandinig na elemento, napahagingan ni Hernando ang samut-saring implikasyong lingguwistiko ng pangunahing dalumat ng pelikula. Dala na rin ng simbolikong pagkalas ng karakter ni Pascual sa estrukturang nagpapataw ng kolonisadong banghay at iskemang mapaniil, masasabing mas malaya na siyang magpataw ng sariling interpretasyon sa kanyang naranasan at mas may posibilidad na sanang mapatinis ang kakayanang maghulma ng sariling kaakuhan.

Dulang Pampelikula At Direksiyon: Cesar Hernando
Sinematograpiya: Rody Lacap
Musika: Lorrie Ilustre At Malek Lopez
Editing: Jess Navarro
Disenyo: Danny Red
Produksiyon: Hernando's Hideaway, Fuji-Keyser Mercantile At National Commission for Culture & the Arts
Release Date: May 30, 2006

12 Response to "Hilakbot At Pangamba PagKAGAT NG DILIM"

  1. Ronald Selorio says:
    1:21 AM

    This seems to be a great horror film - great screencaps too. Is the director the veteran production designer?

  2. Jojo Devera says:
    4:28 AM

    Most definitely Ron... As a matter of fact he is. Kagat Ng Dilim is his third short film.

  3. Dennis says:
    8:08 PM

    Hi Jojo!

    For a moment, I thought this was a classic pinoy horror film partly because it was in black and white until I read your review. Yes, this look very interesting despite not liking the lead actor hehe... I would watch if only because it was written and directed by Cesar Hernando. Another insightful review!

  4. Jojo Devera says:
    4:49 AM

    Hello Dennis!

    Maybe you were thinking of Pagsapit Ng Dilim with Perla Bautista although that film was in color.

    I've been looking forward to seeing Kagat Ng Dilim since 2009 at the Indio Bravo Film Festival in New York where it was supposed to be screened before Jay but was cancelled at the last minute.

    I'm quite surprised that you don't like Piolo Pascual. I think he was serviceable in this short film especially towards the end. Direk Cesar has done three shorts and was in the process of finishing his fourth film. Unfortunately, he had to pull out his latest project Ang Mekaniko Ni Monica from Cinema One Originals which would've been his feature film debut.

  5. Dennis says:
    11:33 AM

    We saw Pagsapit Ng Dilim many times on IBC-13 with my siblings in the '80s and definitely freaked us out hehe.. I thought I missed another old pinoy horror flick that is similar in title or a remake!

    Piolo is an ok actor for me but because of his looks somehow marred his being an able actor with his succeeding films. His last one certainly doesn't help either.

    Thanks for the insights as always!

  6. Jojo Devera says:
    4:29 PM

    Piolo should rethink the kind of roles he's been playing lately. His character in Kagat Ng Dilim was risky since he was being groomed as a matinee idol at the time. Lagarista was a good start, then Kagat Ng Dilim what followed after was a string of hits via his team-up with Judy Ann Santos.

    Piolo thought that by starring and co-producing Manila, his fans would finally accept him as an actor and not just a handsome face but his legions of followers stayed away from the film. I guess Manila's lackluster performance at the box office somehow affected his decision to star in such films...

  7. Dennis says:
    7:36 AM

    I was surprised nga with Lagarista, not great but at least not his usual flicks. Hopefully, he will make very challenging and unusual films. Manila leaves much to be desired, sobrang ambitious ang dating ng film/s, Bernal at Brocka pa ang pinagkuhanan ng material.

  8. Jojo Devera says:
    6:44 PM

    Lagarista may not be a great film but its much better than the kind of movies they show nowadays. I'm hoping that Piolo will star in a film worthy of his talents very soon. There are many wrong things about Manila. Sana hindi na lang nila ginawa yung pelikula.

  9. Dennis says:
    2:20 AM

    Lagarista is definitely better. Thanks uli Jojo!

  10. Jojo Devera says:
    5:02 AM

    I liked Lagarista a lot in spite of it's many faults. It was nostalgic for me since I grew up watching movies in theaters such as the ones featured in the film, some of them were even in the exact same moviehouses in Manila...

  11. Dennis says:
    4:18 AM

    Very nostalgic talaga! Salamat uli Jojo. :-)

  12. Jojo Devera says:
    5:22 AM

    You're most welcome Dennis!