LUCIA... Sa Pagtakda Ng Karalitaan

Lucia

Pamilyar na sa mga manonood kung paano karaniwang tinatalakay ang isyu ng kahirapan sa mga pelikula. Sa pamamagitan ng mga imahe ng gutom, pagtaas ng populasyon, polusyon sa kapaligiran, sakit, kawalan ng hanapbuhay, at iba pang mga larawan ng lunggati, binigyang-katuturan ng ilang mga pelikula ang kahulugan ng dahop na pamumuhay. Sa usaping ito uminog ang diskurso ng pelikulang Lucia (Manila Inter-Film / BBC) ni Mel Chionglo hinggil sa pigil na partisipasyon at pagkatiwalag sa lipunan ng mga tauhan, bilang mga salik na tagapagpaandar ng kahirapan.  Sa pelikula, lumampas pa sa mga nakasanayang imahe ng paghihikahos ang ginawa ng direktor upang makapaghulma at maitanghal ang kaibuturan ng isyu. Ang kahirapan, sang-ayon sa mga pinagdaanan ng pangunahing karakter na si Lucia (Lolita Rodriguez), ay kasingkahulugan ng pagiging talunan, ng kawalan ng akses sa anumang oportunidad, at ng hungkag na pakikisangkot sa anumang larangan. At ang patuloy na pagkonsumo nito sa indibidwal ay humantong sa destruksyon ng sarili. Mahalaga ang pelikula dahil sa mabisa nitong artikulasyon hinggil sa kawalan ng makabuluhang ambag sa lipunan bilang isa sa mga pangunahing tagapagtakda ng karalitaan. Ang linsad na kapalaran ni Lucia ay pinatingkad pa ng indibidwal na naratibo ng mga kasamang tauhan sa pelikula. Mabisa ang pagkatugaygay sa karanasan ng mga karakter na may kani-kaniya ring kuwento ng nakalundong kalagayan. Itinawid nina Chedeng (Gina Alajar), Cynthia (Suzette Ranillo), Pablo (Mario Escudero), at Julius (Lorenzo Mara) ang pagiging biktima ng kahirapan, pagkalubog sa utang, ang pagkakasya sa maliit na kita bilang mangingisda, at ang uri ng buhay na tanging sa inuman lamang maaaring makapagsiwalat ng mga tanong at himutok. Sa mga tauhang ito rin umangkas ang pesimistikong panukalang nagdiin hinggil sa direksyong pupuntahan ng kuwento ni Lucia, at ng kuwento nilang lahat.


Binalangkas din sa pelikula ang gradasyon ng emosyonal na kalagayan ng pangunahing tauhan, na rurok ng karalitaang nakalukob dito. Nagsanib din sa paningin ni Lucia ang tatlong tauhang senyal din ng destruksyon ng karakter. Magkakaugnay, bagaman may malinaw na distinksyon, ang bukod-tanging pagtatanghal nina Elvira Baldomero bilang Jenny ang anak na prostitute, Jonathan Darca bilang Abdon ang masinop na estudyante at mula sa tauhang ginampanan ni Aurelio Estrada bilang obheto ng halu-halong kahinaan at kasawian ni Lucia sa pelikula. Sa unang pagkakataon sa pelikula, saka lamang tila naisangkot si Lucia sa iba pang indibidwal bukod sa mga kaanak at saka lamang siya pinakinggan nang hawak na niya ang pagkakataong lumikha ng diskursong oposisyonal na tumuligsa sa makitid na kamalayang bumubusal sa pagkatao ng tao at nakikiisa sa paghawan sa posibilidad ng alternatibong larangan ng makatao at makatuturang pamumuhay. Tila nangangako ang eksena, at ang posisyong kanyang kinalagyan, na sa unang pagkakataon ay mukhang naglarawan ng pag-iral ng kanyang kontrol at kakayahan si Lucia. Ang punto ng isyu ng kakayahan ay paglaan ng mga pangako at posibilidad, ng pagtalunton sa potensyal ng tao sa pag-unlad ng sarili at pagbahagi nito sa lipunan at pagpapalawak ng kanyang mga opsiyon upang maiangat, sa isang multi-dimensyonal na antas, ang kaniyang kalidad ng buhay. Subalit ang katotohanang taglay na kasalukuyan ding nakabalabal sa lipunan, at matagumpay na ipinabatid batay sa konteksto at kalagayan ng iba’t ibang tauhan, institusyon at sosyo-kultural na praktis sa pelikula ay lihis sa anumang akto ng pagpailanlang. Hindi luwang ang sinasambit ng mga imahe bagkus, ito'y restriksyon at walang humpay na pagtatakda ng mga hangganan.

Direksiyon: Mel Chionglo
Dulang Pampelikula: Ricardo F. Lee
Orihinal Na Istorya: Lino Brocka
Sinematograpiya: Rody Lacap
Musika: Max Jocson
Editing: Jesus Navarro
Disenyo: Edgar Martin Littaua
Produksiyon: Manila Inter-Film At BBC
Release Date: July 22, 1992

14 Response to "LUCIA... Sa Pagtakda Ng Karalitaan"

  1. Ronald Selorio says:
    12:24 AM

    Another excellent review. I like this movie, but at times it plays like the "best of Brocka".

  2. Jojo Devera says:
    4:29 AM

    Thanks so much Ron!

    Lucia was an original story by Lino Bocka and he was slated to direct it himself until he was killed in a car accident.

    Lolita Rodriguez already committed to the project and Mel Chionglo directed this "Brocka tribute."

  3. Dennis says:
    2:47 AM

    Hi Jojo!

    I remember this mainly because Chionglo's direction is Brockang-Brocka. Not surprising since sa kanya mismo nanggaling ang kuwento. Ano kaya kung siya pa ring ang naghawak nito?

    This was Lolita Rodriguez's last film. I've read somewhere that Viva once offered her the role of grand matriach in Filipinas but her asking fee was deemed to high for Viva that they opted to hire Arida Siguion-Reyna instead.

  4. Jojo Devera says:
    5:22 AM

    Hello Dennis!

    Brockang-Brocka is the best way to describe Lucia's direction. Lolita was excellent as usual pero kung si Brocka ang nagdirek ng pelikula siguro mas mahusay pa ang kanyang performance. Parang bitin kasi.

    Nabasa ko rin yung article regarding Viva's offer. Sa palagay ko wala talaga siyang interes sa project but if they were willing to pay what she was asking for baka ginawa din niya...

  5. Ronald Selorio says:
    11:26 AM

    Is she still alive? Is she in the Philippines?

  6. Jojo Devera says:
    6:33 PM

    Lolita is alive and well living in Los Angeles...

  7. Dennis says:
    8:49 AM

    Tama, nagulat ako sa running time. Napansin ko rin lalo ngayon na medyo rush ang pagkukuwento. Lolita is Lolita!

    Oo nga, dinaan na lang sa asking price hehe...

  8. Ronald Selorio says:
    10:15 AM

    The story reminds me a bit of Rocco and his Brothers.

  9. Jojo Devera says:
    4:07 PM

    There will only be one Lolita Rodriguez. I could just imagine her playing the matriarch role in Filipinas. Masyado nga lang impossibleng ibigay ang hinihingi niyang asking price.

  10. Jojo Devera says:
    4:11 PM

    Hello Ron!

    Mel Chionglo's Midnight Dancers reminds me more of Rocco And His Brothers. Have you seen it?

  11. Ronald Selorio says:
    9:08 AM

    Nope, I haven't seen Midnight Dancers.

  12. Jojo Devera says:
    10:31 AM

    I'm surprised you haven't seen it. That's the film closer to the Visconti masterpiece...

  13. Dennis says:
    4:51 AM

    I just have to add na gusto ko rin ang role niya sa Ina, Kapatid, Anak. Gusto ko rin ang mga pelikulang tahimik lang ang daloy sa simula hanggang sasabog na sa huli ang lahat ng mga emosyon ng mga tauhan.

  14. Jojo Devera says:
    5:39 AM

    Lolita was very good in Ina, Kapatid, Anak even if Charito had the meatier role. I liked her most in Ina Ka Ng Anak Mo...