![]() |
| Lucia |
Binalangkas din sa pelikula ang gradasyon ng emosyonal na kalagayan ng pangunahing tauhan, na rurok ng karalitaang nakalukob dito. Nagsanib din sa paningin ni Lucia ang tatlong tauhang senyal din ng destruksyon ng karakter. Magkakaugnay, bagaman may malinaw na distinksyon, ang bukod-tanging pagtatanghal nina Elvira Baldomero bilang Jenny ang anak na prostitute, Jonathan Darca bilang Abdon ang masinop na estudyante at mula sa tauhang ginampanan ni Aurelio Estrada bilang obheto ng halu-halong kahinaan at kasawian ni Lucia sa pelikula. Sa unang pagkakataon sa pelikula, saka lamang tila naisangkot si Lucia sa iba pang indibidwal bukod sa mga kaanak at saka lamang siya pinakinggan nang hawak na niya ang pagkakataong lumikha ng diskursong oposisyonal na tumuligsa sa makitid na kamalayang bumubusal sa pagkatao ng tao at nakikiisa sa paghawan sa posibilidad ng alternatibong larangan ng makatao at makatuturang pamumuhay. Tila nangangako ang eksena, at ang posisyong kanyang kinalagyan, na sa unang pagkakataon ay mukhang naglarawan ng pag-iral ng kanyang kontrol at kakayahan si Lucia. Ang punto ng isyu ng kakayahan ay paglaan ng mga pangako at posibilidad, ng pagtalunton sa potensyal ng tao sa pag-unlad ng sarili at pagbahagi nito sa lipunan at pagpapalawak ng kanyang mga opsiyon upang maiangat, sa isang multi-dimensyonal na antas, ang kaniyang kalidad ng buhay. Subalit ang katotohanang taglay na kasalukuyan ding nakabalabal sa lipunan, at matagumpay na ipinabatid batay sa konteksto at kalagayan ng iba’t ibang tauhan, institusyon at sosyo-kultural na praktis sa pelikula ay lihis sa anumang akto ng pagpailanlang. Hindi luwang ang sinasambit ng mga imahe bagkus, ito'y restriksyon at walang humpay na pagtatakda ng mga hangganan.
Direksiyon: Mel Chionglo
Dulang Pampelikula: Ricardo F. Lee
Orihinal Na Istorya: Lino Brocka
Sinematograpiya: Rody Lacap
Musika: Max Jocson
Editing: Jesus Navarro
Disenyo: Edgar Martin Littaua
Produksiyon: Manila Inter-Film At BBC
Release Date: July 22, 1992
Release Date: July 22, 1992



12:24 AM
Another excellent review. I like this movie, but at times it plays like the "best of Brocka".
4:29 AM
Thanks so much Ron!
Lucia was an original story by Lino Bocka and he was slated to direct it himself until he was killed in a car accident.
Lolita Rodriguez already committed to the project and Mel Chionglo directed this "Brocka tribute."
2:47 AM
Hi Jojo!
I remember this mainly because Chionglo's direction is Brockang-Brocka. Not surprising since sa kanya mismo nanggaling ang kuwento. Ano kaya kung siya pa ring ang naghawak nito?
This was Lolita Rodriguez's last film. I've read somewhere that Viva once offered her the role of grand matriach in Filipinas but her asking fee was deemed to high for Viva that they opted to hire Arida Siguion-Reyna instead.
5:22 AM
Hello Dennis!
Brockang-Brocka is the best way to describe Lucia's direction. Lolita was excellent as usual pero kung si Brocka ang nagdirek ng pelikula siguro mas mahusay pa ang kanyang performance. Parang bitin kasi.
Nabasa ko rin yung article regarding Viva's offer. Sa palagay ko wala talaga siyang interes sa project but if they were willing to pay what she was asking for baka ginawa din niya...
11:26 AM
Is she still alive? Is she in the Philippines?
6:33 PM
Lolita is alive and well living in Los Angeles...
8:49 AM
Tama, nagulat ako sa running time. Napansin ko rin lalo ngayon na medyo rush ang pagkukuwento. Lolita is Lolita!
Oo nga, dinaan na lang sa asking price hehe...
10:15 AM
The story reminds me a bit of Rocco and his Brothers.
4:07 PM
There will only be one Lolita Rodriguez. I could just imagine her playing the matriarch role in Filipinas. Masyado nga lang impossibleng ibigay ang hinihingi niyang asking price.
4:11 PM
Hello Ron!
Mel Chionglo's Midnight Dancers reminds me more of Rocco And His Brothers. Have you seen it?
9:08 AM
Nope, I haven't seen Midnight Dancers.
10:31 AM
I'm surprised you haven't seen it. That's the film closer to the Visconti masterpiece...
4:51 AM
I just have to add na gusto ko rin ang role niya sa Ina, Kapatid, Anak. Gusto ko rin ang mga pelikulang tahimik lang ang daloy sa simula hanggang sasabog na sa huli ang lahat ng mga emosyon ng mga tauhan.
5:39 AM
Lolita was very good in Ina, Kapatid, Anak even if Charito had the meatier role. I liked her most in Ina Ka Ng Anak Mo...