SUGAR DADDY At Ang Malakas Ng Puwersa Ng Pag-Ibig

Sugar Daddy
Malakas na puwersa naman talaga ang pag-ibig. Nailalagay ang mangingibig sa komplikadong sitwasyon na malamang na hindi magagawa ng taong hindi umiibig. Sa romance mode ng mga kuwento sa Pilipinas, walang kamatayang puhunan ang temang ito. Sabi nga "hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Sa totoo lang, kumita na ito ngunit patuloy pa ring pinagkakakitaan. Sa pelikulang Sugar Daddy (Regal Films, Inc.), patuloy ang tradisyong ito ng pag-ibig na komplikado. May gaspang ang detalye ng pag-iibigan nina Dalena (Alma Moreno) at Jack (Ricky Belmonte) na nakakaakit panoorin. Pati ang nakababatang kapatid ni Dalena na si Elena (Cherie Gil) at inang si Ester (Anita Linda) ay may mga makatotohanang eksenang napakakaswal na nagpapakita ng relasyong malalim ang pinaghuhugutan. Sa yugtong hinog na hinog na ang anggulo ng pagmamahalan nina Jack at Dalena saka papasok ang mapait na bahagi ng kanyang pagiging bayarang babae . Hindi siya inosente tulad ng  superpisyal na naitanghal sa maraming eksena kundi pumapatol din sa kliyente. Sa madaling sabi, pumayag siyang maging kerida ni Rodolfo Rodriguez (Luis Gonzales). Lilitaw na patuloy na nagmahal at hindi lumimot si Jack. Kailangan niyang muling sumayaw sa pagkakataon. At siyempre nga dahil nakumpirma ang kanilang pagmamahalan, gagawin ang lahat upang muling magsama.

Sa kalahatan, dramatikong naitanghal ang mga posibilidad ng sitwasyong inilatag ng pelikula. Naipahayag sa lengguwaheng biswal ang mga taktikal na kuntsabahan, hidwaan at pigil na sagupaan ng mga tauhan. Ginamit ng Sugar Daddy ang tradisyong ito sa pagfokus sa pamilya at pag-ibig sa melodramatikong pamamaraan. Hindi makakailang nagtagumpay si Elwood Perez sa paggamit ng anyong ito upang palutangin nang may higit na katotohanan ang sitwasyon ng mga tauhan at mas malalim na pagdalumat sa humanidad ng mga karakter. Matalino ang paghimay sa iba't-ibang tensiyon ng emosyong kinakaharap ng mga tauhan, ang banghay ng istorya ay nakatutok hindi lamang sa mga pangyayari kundi higit na tumatalunton sa pagbibigay-humanidad sa katuturan ng pagkatao, nagagamit ang ibang elemento ng pelikula hindi lang bilang sangkap kundi daluyan sa pagpapakapal ng tekstura ng kuwento at katauhan ng mga karakter at walang idealistang paghahandog ng wakas. Ang kalakasan ng produksiyong ito ay ang pagbibigay ng matamang atensiyon sa komplikasyon ng pag-ibig at kung paano ito gumagapang at bumabalot sa pang-araw-araw na buhay.

Direksiyon: Elwood Perez
Dulang Pampelikula: Toto Belano
Sinematograpiya: Narciso Magcalas
Musika: Demet Velasquez
Editing: Ben Barcelon
Disenyo: Pedro Perez At Ray Maliuanag
Produksiyon: Regal Films, Inc.
Release Date: November 4, 1977

12 Response to "SUGAR DADDY At Ang Malakas Ng Puwersa Ng Pag-Ibig"

  1. ronald says:
    10:21 AM

    Hi Jojo,

    Thanks for the review. I haven't seen this movie (as usual). I like the screen caps. Alma looks great as usual.

    Regards,
    RSE

  2. Jojo Devera says:
    11:02 AM

    Hello Ron,

    I know that you haven't seen most of the movies I post here in my blog but I'm glad that you've learned to appreciate these films. Sugar Daddy was Alma's very first Regal film after she was launched into full stardom with Mrs. Eva Fonda 16 and Ligaw Na Bulaklak in 1976...

  3. Dennis says:
    1:18 AM

    Hi Jojo!

    I haven't seen this film either. It's surprising to see at least for me Cherie Gil in a '70s movie along with Alma Moreno. Yes, Alma has a very refreshing look in the screencaps. Is this Cherie Gil's first Regal movie?

    I thought Mrs Eva Fonda 16 was Alma's very first Regal movie!

  4. Jojo Devera says:
    7:02 AM

    Hello Dennis,

    Sugar Daddy was Cherie Gil's follow-up movie after Beerhouse, also directed by Elwood Perez. Alma was truly beautiful when she first started although I read that she was nightmare to work with. Eva Fonda was produced by Sampaguita Pictures, not Regal.

  5. Dennis says:
    2:02 AM

    I saw Cherie Gil pala in Beerhouse via C1. She was the daughter of Charito Solis in the last part. Trilogy pala ang movie. I thought back then her very first picture was Problem Child!

    Eva Fonda naman felt like it was produced by Regal back then.

  6. Jojo Devera says:
    4:42 AM

    That's right Dennis... Cherie was in the last episode of the Elwood Perez directed omnibus film. She also had a guest appearance in Ishmael Bernal's Salawahan before she was launched into full stardom with Problem Child.

  7. Dennis says:
    12:09 AM

    Yes, I remember her in Salawahan! Great appearance by the way hehe...

  8. Jojo Devera says:
    12:12 AM

    Nakakaaliw si Cherie sa Salawahan kahit sa ending lang siya lumabas...

  9. Dennis says:
    11:27 AM

    Tama ka Jojo!

  10. Jojo Devera says:
    12:46 PM

    Di nga ba?

  11. Dennis says:
    11:52 PM

    Yes!

  12. Jojo Devera says:
    6:59 AM

    Maraming salamat Dennis!