 |
| Bedspacers |
Buong ingat na hinalungkat at itinanghal ni direktor Joey Gosiengfiao ang kolektibong karanasan ng mga estudyante sa unibersidad sa kanyang pelikulang
Bedspacers (Regal Films, Inc.). Ang mga huntahan sa pasilyo, kuwentuhan tungkol sa buhay pag-ibig ng kanilang mga kamag-aral at guro, mga eksena ng biruan at tsismisan, pag-eensayo para sa dula, antisipasyon sa nalalapit na pagtatapos at sa pangkalahatan, ang mga agam-agam ng yugtong ito ng mga estudyante ay mahusay na hinabi ng maingat na direksiyon ni Gosiengfiao. Tinahi sa akto ng pagkakaibigan nina Liza (Alma Moreno) at Nanette (Amy Austria) ang kuwento ng mga kapwa estudyante sa kolehiyo. Aminado si Liza na kailangan niyang maghanapbuhay upang matustusan ang pag-aaral. Sa problemang ito nakipagbunuan ang kanyang karakter na nagtawid sa mga pangyayari at magkakalingkis sa buhay ni Nanette at ng pagmamahal nito sa nobyong si Bong (Orestes Ojeda). Kahanga-hanga kung paano ginawan ng pagbubukod tangi ang bawat tauhan sa pelikula nang hindi ito lubusang nauwi lamang sa mga istiryotipo, o representasyon ng mga istiryotipo. Higit pa sa mga nakakahong imahe ng popular na
campus heartthrob ang tulad ng mga tauhan nina Rudy (Al Tantay) at Margot (Rio Locsin) o ang trahedya ng masigasig na estudyanteng si Dindo (Mark Gil) at iba pang pamilyar na mga karakter ng unibersidad. Masinsin ang ginawang pag-usisa sa mga tauhan at pagsiwalat sa lahat ng detalye ng kaselanan ng mga ito. Maselan, pagkat nakapanlulupaypay naman talagang harapin at aminin ang mga palpak na diskarte at mga inakalang grandiosong plano para sa sarili man o kamag-aral pero hindi naman pala mapaninindigan. Ang mga iniisip, ginawa at iniisip nating gawin noong nasa kolehiyo, yaong mga gusto na lamang natin ilihim pagkat kahiya-hiya, yaong mga ipinapalagay na nakatago na lamang dapat sa ating gunita ay sensitibo ang pagkakabitbit at pagkakalatag na parang mga bagay na babasagin.
Nakatas din mula sa pelikula ang pamamangka sa pagitan ng mabibilis at maiikling mga eksena at ng masigla at orihinal na musika. Mabisa ang paraan ng pagkakaedit sa mga eksena para umangkop sa kaligiran at temperamento ng unibersidad. Pabugso-bugso, minsan pa-ekis, maraming kurba at paliko-liko samantalang hindi nasakripisyo ang laman at linaw ng naratibo. Sariwa at kaaya-aya ang pagiging natural ng pelikula, mula sa pagtatanghal ng mga artista, pagsambit sa mga diyalogo at palitan ng kuro-kuro sa klase. Ibang-iba sa mga nakakapagod nang palabas sa telebisyon at ilang pelikulang batbat ng artipisyalidad na ang tanging layunin ay itanghal lamang ang pisikal na anyo ng mga artista nito. Dumistansya ang
Bedspacers sa tonong nangangaral, lalo na sa pagtalakay ng mga isyu hinggil sa uri at seksuwalidad. Ang birtud ng pelikula ay naging lunsaran ng magaan na teknik ng pagsasalaysay nito para sa nabanggit na paksa. Sa
valedictory speech ni Rudy bago matapos ang pelikula, lumulukob pa rin ang pangangailangan ng mga mag-aaral na isangkot ang sarili para sa pagbabago ng lipunan. Sa pag-alay niya ng diploma kay Liza, naipamalas sa eksena ang kabatirang kayhirap pa ring makapa ng indibidwalidad, na alam nating labag sa ating loob ang magpanggap, ngunit laging may pangangailangan para rito. Ikinukubli ang sariling hindi naman pala malaki ang ipinagbago at nakatali pa rin sa mga nakamihasnang salimuot ng pandama at nangangambang sa kabila ng lahat ng pagdanas, kimkim pa rin ang hindi mabitiw-bitiwang alinlangan.
Direksiyon: Joey Gosiengfiao
Dulang Pampelikula: Butch Macaro, Joe Mari Lee, Freddie Cleto At Marita Almoradie
Sinematograpiya: Ricardo Jacinto
Musika: Jun Latonio
Editing: Rogelio Salvador
Disenyo: Dez Bautista
Produksiyon: Regal Films, Inc.
Release Date: November 30, 1979
10:13 AM
Hi Jojo!
I never expected to like this movie when I saw this on C1 albeit there was the usual cuts! Wish I could see this in full.
I commend all their performances especially Mark Gil as doomed student Dindo. Naiisip ko ang mga eksena habang binabasa ko 'to.
Great insights again Jojo, all the more reason to re-view this movie again!
Gusto ko rin pala ang end theme ng movie. Ano ba 'yung title ng theme song at sino kumanta. Sa timbre ng boses ang dating sa 'kin e si Hajji Alejandro(?).
11:01 AM
Hi Jojo,
Thanks for a great review. I also love this film. The narrative is a bit messy and overlong but it is very well observed. The production design is top-notch. Everything looks authentic. It's star-studded too with the best of our actors of our time.
Regards,
RSE
11:23 AM
Hello Dennis!
I never saw Bedspacers on Cinema One. It would surely have cuts since all programming has to pass the MTRCB first before airing.
Most of the performances were commendable even Al Tantay whose previous work were mostly forgettable but he was convincing most especially during his valedictory speech towards the end. Mark Gil on the other hand is competent while Alma, Amy and Rio played their roles with much conviction.
For some reason, I cannot recall who sang the movie's theme song. One thing's for sure, it was composed by Jun Latonio.
12:20 PM
Hello Ron!
You're welcome... Bedspacers is one of the definitive Filipino movies about college life along with Batch '81 and Dormitoryo! to name a few. What sets this film apart are the well drawn characters making them easily identifiable. I would rank Bedspacers among Gosiengfiao's best.
11:27 AM
Aside from cuts, there's a many blurred/greenish scenes in some parts of the movie.
Among the girls, I especially like Rio's role! She gets her due eventually in the film. The barrio scene with Alma and Al at the last part somehow stayed in my memory.
The opening credits pala is like Nora's Bongga Ka 'Day! with names pasted in almost every inanimate objects.
Thanks still for the info on theme song! The movie made more memorable at least for me, with the inclusion of that song.
11:36 AM
Really? Fortunately my copy is in very good condition no blurry or greenish scenes like you mentioned.
Rio's role was that of a social climber Her best scene was with her mother played by Anita Linda na ikinahihiya niyang ipakilala sa kanyang mga friends. The barrio scene you mentioned was sa wedding nina Amy at Orestes medyo lampas sa gitna ng film but not the last part.
Bongga Ka Day was also released in 1980 so halos sabay slang ipinalabas. The opening credit sequence shows Gosiengfiao's creativity sana lang tinapos up to the director.
I have to re-watch it again para malaman ko kung sino and kumanta ng theme song at kung ano ang title...
12:19 PM
That's how bad the copy of C1 has of Bedspacers Jojo.
I like that kind of opening credits sa totoo lang. Unique and yes, very creative. But I like Bongga's opening credits more hehe...
Thanks Jojo. I don't quite remember din if the cable version's end credits was abruptly cut na rin.
1:35 PM
At least Cinema One still has a copy that they can air on cable. They have many movies stored at the ABS-CBN archives but they are either bad copies or they don't have the rights to show them.
Siyempre mas gusto ko rin ang opening credits ng Bongga but Bedspacers is also up there pag creativity na and pinag-usapan.
Di ko pa kasi napanood ang movie sa Cinema One... not sure it was even shown dito sa US.
12:17 PM
Hi!.. Sana may mag upload sa youtube ng mga pelikulang mga to.
I really like this blog. Sana meron din Most Popular films sa sidebar. Btw, you can also get useful blog widgets here: http://www.madtomatoe.com/category/blogger/blogger-widgets/. I'm using some of these.
6:23 AM
Nag-upload ako ng ilang eksena sa mga pelikulang na-feature ko dito sa blog pero nagkaroon ng problema kaya tinanggal sa youtube...
Maraming salamat sa pagbisita!