I CAN'T STOP LOVING YOU... Awit Ng Buhay At Pag-Ibig

I Can't Stop Loving You
Magbubukas ang pelikulang I Can't Stop Loving You (Regal Films) sa eksenang kumakanta sina Amy at Renan (Nora Aunor at Tirso Cruz III) sa isang timpalak awitan kung saan sila ang itinanghal na mga kampeon. Kukumbinsihin sila ng talent manager na si Chris Villena (Rowell Santiago) na makipagsapalaran sa siyudad. Labag sa loob ni Renan ang kagustuhan ni Amy na magtungo sa siyudad ngunit sa pagpupursigi ng inang si Diding (Liza Lorena), nagtungo pa-Maynila si Amy at pansamantalang  nanirahan sa kanilang kamag-anak. Sa bahay ng kanyang Tiya Carling (Marissa Delgado) mahihiwatigan ang tensiyon dahil sa nais rin nitong maging isang sikat na mang-aawit sa telebisyon ang anak na si Cynthia (Jackie Lou Blanco). Labis na maapektuhan si Amy sa panlalait ng kanyang tiyahin subalit magpupursigi pa rin itong maisakatuparan ang malaong pinapangarap. Nang minsang hindi sumipot si Vina Salcedo (Lani Mercado) sa palatuntunang pantelebisyon kung saan siya ang panauhing mang-aawit, dumating ang pagkakataong inaasam ni Amy. Pinanood at hinangaan ang kanyang angking husay sa pag-awit. Sa tulong ni Chris, naging isang ganap na  bituin sa telebisyon si Amy Mercado ngunit kaalinsabay ng kanyang  pagbulusok ay siya namang panghihina ng loob si Renan. Habang inilalapit ni Amy ang sarili kay Renan, pilit naman silang pinaglalayo ng mga taong nakapaligid sa kanila. Dinamdam ito ng husto ni Amy hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang pag-awit. Maapektuhan si Amy sa paglaganap ng balitang wala na ang dating kinang ng kanyang bituin.  Isang gabi ay makakadaupang-palad niya si  Jeff Carbonell (Miguel Rodriguez) at aalukin siya nitong  gumawa ng pelikula. Magkakasunud-sunod ang dagok sa buhay ni Amy ngunit sa kanyang pagbagsak ay muli itong babangon. Iaanunsiyo ang pagbabalik ni Amy Mercado sa pamamagitan ng isang malaking concert. Matatapos ang pelikula sa imahe nina Amy at Renan na kumakanta.

Isang halimbawa ng mahusay na melodrama ang I Can't Stop Loving You, namumuhunan ito sa ideya na ang masasaksihan ng mga manonood ay ang lakas ng  tambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Ngunit ang sentro ng aksiyon ay umiinog kay Amy. Si Nora Aunor bilang Amy Mercado ay hindi lamang mahusay na gumanap sa buhay ni Amy kundi naging isa ring makapangyarihang talinghaga na nakapagpalusog sa teksto ng pelikula. Nangingibabaw ang pagganap ni Nora dahil matalino niyang naisadula ang malungkot na larawan ng babaeng nilunod ng sariling pangarap. Ngunit higit pa marahil dito, sumisigla pang lalo ang kanyang pagganap kapag binasa ang buhay ni Amy kaalinsabay ng buhay ni Nora. Ang karanasan ng artistang si Nora ay bukas sa maraming Pilipino kaya nakapagpapahiwatig ito ng interteskstuwal na kaban ng kahulugan na lalong nagpapaigting sa karanasan ni Amy sa pelikula. Si Nora ay si Amy na biktima rin ng industriya at ng buhay. Ngunit si Amy ay si Nora rin, sa pagkalugmok ay bumabangon upang muling itanghal na idolo ng kanyang sining. Hindi lamang ang kumbensiyon ng melodrama na ginamit sa pelikula ang kinasangkapan upang isalarawan ang buhay ni Amy na inorganisa ng sining at teknolohiya ng pelikula. Tututok ang kamera sa mga mata ni Amy habang madamdaming inaawit ang Kahit Na. Paglalaruan din ang ilaw upang itampok ang pag-akyat ni Amy sa rurok ng tagumpay. Sa kabuuan, inaangkin ng I Can't Stop Loving You ang kapangyarihan nitong lumikha ng sariling bersiyon ng mala-komiks na materyal mula sa masalimuot na materyal ng reyalidad. Sa ganitong proseso, nailalantad ang isang piraso ng reyalidad upang mapanood, masuri at mabigyang-kahulugan.

Direksiyon: Elwood Perez
Dulang Pampelikula: Jose Javier Reyes At Francisco Leo Lopez
Sinematograpiya: Ricardo Jacinto
Musika: Willy Cruz
Editing: George Jarlego
Disenyo: Raymond Bajarias
Produksiyon: Regal Films
Release Date: December 25, 1985

Inilathala sa maikling aklat na Si Elwood, Pelikula, Atbp.

8 Response to "I CAN'T STOP LOVING YOU... Awit Ng Buhay At Pag-Ibig"

  1. Dennis says:
    10:26 PM

    Hi Jojo!

    I saw this film many times on tv before in Regal Presents and then on cable later on.

    I thought at first the movie came from komiks based on the storyline pero original screenplay pala. May element din of comedy. A vehicle made for Guy & Pip solid fans.

    I don't know why but I remember the scene where Lani Mercado sang I'll Never Give Up by Amy Holland like on tv show guesting. It stick to my memory.

  2. Jojo Devera says:
    3:25 AM

    Hello Dennis!

    It does seem like the movie is based on a komiks novel but it was actually from an original story by Jose Javier Reyes. There's just a slight hint of comedy but it's really an engaging melodrama, entirely different from Bituing Walang Ningning which was shown the same year although I really don't think this was meant to be a Guy & Pip vehicle unlike their reunion movie Till We Meet Again which was made to please their legions of followers. Nora's character was clearly the film's center.

    You're right! Lani Mercado sang Never Give Up in the scene where Nora was writing a letter to her family as she listens to the radio playing Lani's song.

  3. Dennis says:
    4:49 AM

    Tama ka Jojo, the stoty actually centers around Nora. Medyo nasa backseat si Pip in this movie.

  4. Jojo Devera says:
    4:58 AM

    Anytime Dennis... Maraming pagkakapareho ang character ni Nora sa real life niya na ginamit sa pelikula. Remember that incident where she appeared drunk sa Superstar? There's a similar scene in the movie na kumanta siyang lasing sa show niya. Also the ups and downs sa career may pagkakahawig din sa tunay na buhay. That's what makes this film far more interesting than any other movie of its kind...

  5. Dennis says:
    9:26 AM

    That's how the movie stands out more than their pairing (with Pip) as a selling point of the movie.

  6. Jojo Devera says:
    9:45 AM

    I guess so... Sayang nga kasi it was an entry to 1985 MMFF kasabay ng Paradise Inn which reaped all the awards that year. I Can't Stop Loving You didn't have a chance against the Celso Ad Castillo dramatic powerhouse although panalo naman ang movie sa box office.

  7. Dennis says:
    10:06 AM

    C1 just aired this (again) at 5am (!) Jojo. Pinanood ko kahit sleepy pa. I remember what you told me about pleasing the Guy-Tirso fans at the end of the film hehe..

  8. Jojo Devera says:
    2:25 PM

    Hindi naman kasi puwedeng ma-disappoint ang mga fans kung hindi silang dalawa ang magkakatuluyan sa ending...