ARAW-ARAW GABI-GABI ... Sa Pagkatupad Ng Pag-Asa At Kaligayahan

Araw-Araw Gabi-Gabi-Gabi
Nagbubukas ang pelikulang Araw-Araw Gabi-Gabi (Lyra Ventures) sa paggalugad ni Selya (Charito Solis) sa nakikipag-away nitong kapatid na si Martin (Marlon Ramirez) sa makitid at maruming eskinita sa isang slum sa Maynila isang hapon. Tanggap niya itong routine sa buhay, alagaan ang inang si Angela (Anita Linda) at mga kapatid habang nasa pier ang amang si Roman (Tony Santos, Sr.) kasama ni Roberto (Dindo Fernando), ang kanyang kasintahan. Sa totoong buhay, kasumpa-sumpa ang sistematikong pagtalikod ng mga kapitalista sa kanilang responsibilidad sa lakas-paggawa. Sa isang banda, walang patutsada at walang direktang komentaryo ang pelikula sa opresyong ito. Hindi itinatanghal sa pelikula ang pangit na mukha ng sistema. Pero mabibigyang kahulugan pa rin itong pelikula bilang malumanay kundi man mahinahong pagbatikos sa pangkalahatang kondisyong panlipunan. Hindi mahirap na maisisi ang mga ikinubli at hindi inaaming internal na ligalig ng mga tauhan, kabilang ang pag-ibig na nakababansot sa kapaligirang ito. Sumasabog ang kabit-kabit na sintomas ng mga  trawmatikong emosyon at naitatanghal na dramatikong eksena. Tiim-bagang hinaharap ni Selya ang mga suliraning pampamilya kundi pati na rin ang usapin ng puso, kahit nililigalig siya ni Paula (Rosanna Ortiz), dating nobya ni Roberto. Minsan, ayos lang ito sa kanya. Pero may oras na nauubos din ang kanyang pasensiya. Nang malamang nais magpaiwan ni Belen (Marianne de la Riva) sa Maynila dahil sa batugan niyang nobyong si Edgar (Ernie Garcia), nagkandaiyak at napamura si Selya dahil sa kawalan nito ng respetong sundin ang desisyon ng pamilyang magbalik at mamuhay na lamang sa probinsiya. Nang mapilitang magkahiwalay ang magkakapatid, ipinaliwanag ni Selya kay Corazon (Gina Alajar) ang pansamantalang situwasyon na sila'y muling magkakasama-sama sa sandaling maisaayos ang lahat.

Nasa batayang ekonomiya ang pagkatupad ng pag-asa at kaligayahan. Bagamat histerikal ang rendisyon ng mga dramatikong eksenang puno ng mga komprontasyong may sigawan at sampalan, may ilang tensiyong sadyang pinipigil, na sa akto ng pagpigil ay lalong nagiging madamdamin ang tono ng eksena. Nagtagumpay man ang kontroladong damdamin, puno ng mabulaklak na salita ang lebel ng konstruksiyon ng diyalogo. Magaspang at walang tekstura ang diksiyong ibinigay ng manunulat sa mga binuong karakter. Labis ang pagkakasulat sa mga eksenang kailangang magbuhos ng emosyon ang mga tauhang hindi sumasang-ayon sa kabuuang kalidad ng sinematograpiya, musika at maging pag-arte. Sayang na sayang at hindi napangatawanan ng pelikula ang tema at diskurso ng naratibo. Mapapansin na pagkatapos maipundar ang milyu, hindi na alam ng direktor kung paano paandarin ang istorya. Humahantong ang resolusyon ng pelikula sa antas ng pantasya nang mapilitang magkasundo ang mga magkakatunggali lalo na nang matuklasan ni Paula ang sinapit ni Selya. Gayunpaman, ang konsesyong ito sa melodrama ay nagpapatampok sa potensiyal na kapangyarihan ng pagkakaisa ng kababaihan.

Direksiyon: Danilo Cabreira
Dulang Pampelikula: Orlando Nadres
Sinematograpiya: Loreto Isleta
Musika: Willy Cruz At Orly Ilacad
Editing: Rogelio Salvador
Produksiyon: Lyra Ventures
Release Date: September 21, 1975
Araw-Araw Gabi-Gabi theme song performed by Didith Reyes

Video 48: The First Metropolitan Film Festival

10 Response to "ARAW-ARAW GABI-GABI ... Sa Pagkatupad Ng Pag-Asa At Kaligayahan"

  1. ronald says:
    2:14 PM

    Hi Jojo,

    It's nice to see a new post from you. It seems like you didn't like this movie that much.

    Regards,
    RSE

  2. Jojo Devera says:
    2:52 PM

    Hello Ron,

    I know its been a while since I posted a review. I've been very busy lately and couldn't find the time to squeeze in a new post. There were parts of the movie that I liked... it could've been better. Charito was named Best Actress at the first MMFF for her performance in the film.

  3. Dennis says:
    4:26 AM

    Hello Jojo!

    All I know is that Didith Reyes sang the famous theme song hehe, tama ba?

    Many years ago, I believed Regal also had the same title for a movie that starred naman Janice De Belen and Aiko Melendez but with a different story.

  4. Jojo Devera says:
    3:22 PM

    Hi Dennis!

    You're right! Didith Reyes sang the theme song of the movie. In the 90's Regal did a remake helmed by Joey Reyes... it's basically the same story but a bit more mawkish than the original.

  5. Dennis says:
    9:01 AM

    Jojo,

    Remake din pala ng film 'yung kina Janice and Aiko. I never could compare the two, I don't recall seeing the original, while the '90s version I hardly remember din the story, too. Madalang ipalabas sa cable ang remake.

  6. Jojo Devera says:
    4:44 PM

    I saw the remake on VHS in the 90's, Dennis while I had the chance of watching the original during the 1st MMFF...

  7. Dennis says:
    12:14 PM

    Hopefully, cable will air either of the two Jojo but I'm wanting more to see the original version of course.

    Nakakatuwa at napanood mo pa talaga sa sine ang original Jojo!

  8. Jojo Devera says:
    3:39 AM

    Who knows Dennis, maybe one of these days you'll get to see the original...

  9. I'm Dennis says:
    10:43 AM

    Sana nga Jojo.

  10. Jojo Devera says:
    8:34 AM

    You will soon...