HINDI NAHAHATI ANG LANGIT... Walang Ibang Mamahalin

Hindi Nahahati Ang Langit
Mula sa nobelang pang-komiks ni Nerissa Cabral, isinapelikula ni Mike de Leon ang adapsyong pampelikula ng Hindi Nahahati Ang Langit (Vanguard Films, Inc.). Sobra ang pagka-asar ni Noel (Christopher de Leon) kay Melody (Lorna Tolentino) dahil simula nang ikasal ang amang si Ariston (Nestor de Villa) sa ina ni Melody na si Agnes (Gloria Romero), laging nagtatalo at hindi magkasundo ang dalawa hanggang sa magdesisyon si Noel na sa Baguio ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kung saan makikilala niya si Cynthia (Dina Bonnevie). Sa mahabang panahong pagkawalay ni Noel, naging madalas ang pakikipagkita ni Melody kay Ronald (Edu Manzano) hanggang sa mahulog ang loob ng binata sa dalaga. Napilitang magpakasal si Melody kay Ronald. Bilang ganti, pinakasalan naman ni Noel si Cynthia. Malalim ang ugat ng suliranin ng katauhan ni Noel kaya naman mauunawaan ang bigat ng reyalisasyong kailangan niyang harapin pagkaraan ng maraming taong pagkubli ng kanyang damdamin. Ngunit ito ngang lalim ng katauhan ng karakter ni Noel ang nakatali kina Melody at Cynthia. Bago matapos ang pelikula ay ilalahad ni Noel ang kanyang pagmamahal kay Melody ngunit hindi niya inaasahan ang naging desisyon ng babaeng malaong inibig. Dahil sa lahat ng kabiguang idinulot ng kani-kanilang relasyon, naaksidente si Ronald at sa tangkang pagpapakamatay ni Cynthia, naging malinaw kung bakit naging masalimuot ang wakas ng pelikula.

Patunay na manipestasyon ng estilo sa pagbuo ng sine ang estetikong prinsipyong pinanghahawakan ni Mike de Leon. Kaakibat nito ang nahahating pananaw sa uri ng pagbibigay ng representasyon sa reyalidad at partikular sa pagsasaayos ng iba't-ibang elemento kaagapay sa masining na pagbuo ng Hindi Nahahati Ang Langit. Dito makikita ang kung anong pagkilala sa production values na siyang puno't dulo ng anumang estilong pinagtitibay sa paglikha ng pelikula. Ang pagsasaalang-alang na ito sa mga kahalagahang pamproduksiyon ay nagkakaroon ng iba't-ibang pagturing, paggunita, paggamit at saysay. Naroong ipagdiinan ang makinang na pagsasadula, plantsado, pulido, walang gusot, buong kinis at sadyang makintab. Nababagay ito sa paglalahad ng karangyaan, ng magarbong pamumuhay na ipinangangalandakan ng melodramang ukol sa pag-iibigan ng magsing-irog na pinaglalaruan ng panahon. Ayon sa pagkakaganap, tunay na nakaaantig ang makabagbag-kaluluwang paglalantad ni Lorna Tolentino ng saloobin na nagsasaad ng pagkaunawa sa layuning dramatiko ng kanyang pelikula. Ang pagganap ni Edu Manzano bilang Ronald ay isang kapani-paniwalang pagganap at pagtatapat. Ipinahayag ni Christopher de Leon ang mithiin sa lahat ng di magkatugmang aspeto ng pagganap at nagbibigay ng naiibang sigla sa tradisyon ng pagganap sa pelikula. Samantala tunay na nakaantig ang maalam at matatag na pagganap ni Dina Bonnevie bilang babaeng labis na nagmahal at nagtiwala sa asawa. Halimbawa ng isang mahusay na melodrama ang Hindi Nahahati Ang Langit na mabusising tumalakay sa diskurso ng pag-ibig, magiting na ipinagtanggol nito ang pakay at hindi sumuko sa de-kahong pangangatuwiran ng kinamihasnang nobelang pang-komiks. Gayunman, kailangang alalahanin na dalawang magkaibang midyum ang komiks at pelikula.

Direksiyon: Mike de Leon
Dulang Pampelikula: Mia A. Concio
Hango sa Nobela Ni: Nerissa Cabral Mula Sa Tagalog Klasiks
Sinematograpiya: Pedro Manding, Jr.
Musika: Willie Cruz
Editing: George Jarlego
Disenyo: Cesar Hernando At Fernando Modesto
Produksiyon: Vanguard Films, Inc.
Release Date: March 7, 1985

11 Response to "HINDI NAHAHATI ANG LANGIT... Walang Ibang Mamahalin"

  1. Juan Martin says:
    11:42 PM

    "Aanhin pa ang langit. Kung wala akong kahati..."

  2. ronald says:
    11:49 PM

    Hi Jojo,
    Another great review. Mike de Leon and komiks seem to be a weird pairing but based on your review it seemed to have worked. Love the screencaps too.

    Regards,
    RSE

  3. Jojo Devera says:
    3:29 AM

    Kumusta Marti,

    Alam kong isa ito sa mga pinakapaborito mong pelikula ni Mike de Leon and upon revisiting it, I realized na isa iyo sa mga pinakamahusay na isinapelikulang nobelang pang-komiks nung dekada '80 kahanay ng Kung Mahawi Man Ang Ulap ni Laurice Guillen. Maraming salamat!

    Jojo

  4. Jojo Devera says:
    3:33 AM

    Hello Ron,

    It seemed to be at first but surprisingly, Hindi Nahahati Ang Langit is one of Mike de Leon's better films considering that it was a komiks based melodrama. I also thought that this was one of Christopher de Leon's better performances. His breakdown scene was probably one of the most emotionally moving scenes in the film. Edu Manzano, not known for great moments in acting was more than adequate in the film holding his own against Christopher. Hindi Nahahati Ang Langit is a film worth revisiting, unfortunately I cannot say the same about the telenovela version.

    Jojo

  5. dexter says:
    5:05 AM

    This is one of the few films i didnt see back in 1985,but i thought this was shown in 1984? halos linggo-linggo nasa sinehan ako sa amin nun 1980s. maybe it was shown during the early part of 85,yun Bituing Walang Ningning,akala ko 1984 din pero Valentine's Day of 1985 pala pinalabas.

  6. Jojo Devera says:
    5:21 AM

    Hi Dexter!

    I'm surprised you haven't seen this film. Hindi Nahahati Ang Langit was Mike de Leon's most commercially successful film. In 1985, producers were churning out mostly komiks based melodramas with Bituing Walang Ningning dominating the box office that year. There were other notable movies based from komiks novels released the same year and this film was one of them.

  7. manila chronicles says:
    8:12 AM

    Hi Jojo!

    Among Mike de Leon's films, 'Di Nahahati is one of my favorites and to me is far more superior to Sister Stella L., his weakest work to my mind. My only comment is that I don't think Kuya Cesar and Modesto were the appropriate DPs for this project as they failed to capture the look and feel of upper crust families.

    --Monchito

  8. Juan Martin says:
    8:18 AM

    Masaya ako dahil nung unang lumabas ito ,sabi ni Mike na isa itong "silly movie" kahit tumakbo ng pera sa takilya.Pero at least linagay na niya ngayon pangalan niya sa credits.
    Enjoy din ako sa design ni Cesar at Nando kasi" it seems your leafing a page from komiks".Buti na lang nakuha ni Mike yung master prints nito sa Film center noong 1994.Kung hindi, hindi na natin mapapanuod ito muli.

    DI ko alam sa V-Day pala linabas ito noong 1985.Timing naman kasi ito din pinanuod ko last V-day, at tamang tama tribute kay Marco Polo.
    Salamat Sir Jojo!

  9. Jojo Devera says:
    6:13 PM

    Hi Mon!

    Agree with you on Hindi Nahahati Ang Langit being far more superior than Sister Stella L. I thought the film's production design rivals most of the Viva produced komiks melodramas. It may have lacked the glossy look moviegoers expected to see but what they failed to realize is that Hindi Nahahati Ang Langit's design was more realistic than any other movie of its kind.

    Jojo

  10. Jojo Devera says:
    6:17 PM

    Hi Marti,

    I guess that was the intention, to make it look and feel like you're watching a komiks novel unfold on the screen. Ganon ba? Last Valentine's Day mo din ito pinananood? Kaya pala memorable. The late Marco Polo Garcia played the young Christopher de Leon in the film. Nasa opening credit sequence lang siya ng pelikula but it's a fitting tribute to his short but memorable performance in the film.

    Jojo

  11. Benj P says:
    6:32 PM

    Hi Jojo,

    I'm a follower of your blog. Where can I get a copy of this vintage movie? Interested also with other romance/melodramatic movies and adaptation.