SIDHI At Ang Salimuot Ng Kuwento Ni A.


Ang pelikulang Sidhi (Crown Seven Ventures, Inc.) ay kuwento ni Ana (Nora Aunor), isang piping naninirahan sa liblib na lugar sa bundok kasama ng amang si Badong (Ray Ventura). May malubhang karamdaman ito kaya ihinahanap niya ang anak ng lalaking maari nitong mapangasawa. Natagpuan ni Badong si Miguel (Albert Martinez), isang komersiyanteng nagpapahayag lamang pakasal dahil sa lupaing mamanahin ng anak sa ama. Makikilala ni Ana si Mayang (Glydel Mercado), makakakuwentuhan hanggang sa mabuo ang isang magandang pagkakaibigan. Di naglaon, natuklasan ni Ana na iisang lalaki lamang ang kanilang asawa ni Mayang. Magsusukob sa iisang bubong ang tatlo, si Miguel bilang hari ng tahanan, at sina Ana at Mayang bilang mga asawa at alipin . Unti-unting malalantad sa dalawang babae ang kahayupan at kabangisan ni Miguel. Sa pagtatapos ng pelikula, mapapatay ni Ana si Miguel at maiiwan sa kanya ang anak ng nasawi ring si Mayang. Malinaw na nilinang ng pelikula ang diskurso ng kaapihan at pagtuklas sa kapangyarihan ng babae. Sa pagsasalaysay sa buhay nina Ana, Miguel at Mayang, naitampok ang dominasyon ng lalaki at kaapihan ng babae sa loob ng pamilya. Hindi lamang ang pananakit ni Miguel kay Ana o ang kalibugan nito ang problema kundi ang mga piyudal na pagpapahalaga. Lalaki ang hari ng tahanan na kailangang pagsilbihan, babae ang nangangalaga sa pagsasama ng mag-asawa, na ang pag-aasawa ay pagtitiis at iba pang higit na nagpapatatag sa patriyarka. Ang mga pagpapahalagang ipinapakita sa pelikula ay may malusog na sinapupunan sa institusyon ng simbahan at pamilya. Kung api man ang babae, iminamapa rin ng Sidhi ang landas upang mabawi ng babae ang kanyang kapangyarihan. Kaibigan na ni Ana si Mayang para pumayag siyang patirahin ito sa kanyang bahay, kahit nalalaman niyang kaagaw niya ito kay Miguel. Si Mayang naman, nang una ay kinukumbinsi pa si Ana na sumang-ayon sa balak ni Miguel na ipagbili ang kanyang lupa upang maranasan nila ang higit na magandang buhay na ipinapangako ng paninirahan sa Maynila. Ngunit nang matuklasan ni Mayang ang plano ni Miguel, ipinagtapat niya ito kay Ana upang pigilin ang pagbebenta ng lupain. Ipinakikitang higit na nagingibabaw ang bigkis ng pagkakaibigan kaysa sa kanilang pagmamahal sa asawa, bunga na rin ng pagkamalay sa dinaranas nilang kaapihan sa mga kamay nito.


Kung ito lamang ang pagbabasehan, walang bagong sinasabi ang pelikula. Gayunman, may higit pang malawak na larangang tinangkang isangkot at talakayin ang kuwento. Nakabalangkas ang naratibo sa panahon ni Pangulong Magsaysay noong dekada 50 at sa paglaganap ng kilusang Huk na iniluwal ng malalang suliraning pang-agraryo, tulad ng pamimilit na bilhin ang lupa ng pamilya ni Ana at ang pang-aagaw ng Alkalde sa lupain ng pamilya ni Mayang. Sa kontekstong ito, may potensiyal sana ang naratibo ng Sidhi upang payamanin ang diskurso tungkol sa kababaihan at maghain ng bagong sinasabi. Kasabay ng mga pagbabago sa pulitika at ekonomiya, ang pagbabago ng papel ng babae sa lipunan. Halimbawa, pantay ang posisyon ng babae at lalaki sa sinaunang lipunan dahil walang kinikilalang kasarian ang gawaing pamproduksiyon. Ang lupa at iba pang hanguan ng kabuhayan ay pag-aari ng lahat, kaya ang paglinang dito ay tungkulin din ng buong komunidad. Subalit hindi gaanong nagalugad ng pelikula ang inilatag nitong teksto. Iniwan nitong nakatiwangwang at umid sa halip na makipagdayalogo sa buhay ng tatlong pangunahing tauhan. Sa gayon, nalimita ang pelikula sa pagiging isang domestikong drama at hindi nasiyasat ang ugnayan nito sa mas malawak na istruktura ng lipunan. Hindi rin naisalba ng nakakapagod na pagganap ni Nora Aunor ang Sidhi. Kahit wala na halos pumatak na luha sa kanyang mga mata, hindi pa rin makaramdam ng simpatiya sa kanya dahilan sa karton ang kanyang karakter. Mabait, masipag at matiisin. Hindi pa maituturing na paghamon sa kumbensiyon ng moralidad ang pagpapahintulot niyang magsukob silang tatlo dahil tila bunsod lamang iyon ng kanyang takot kay Miguel. Nakakapagtaka tuloy kung bakit kailangan niyang magpapako sa krus para maglinis-loob samantalang ang mismong kabaitan ang pagkukulang sa kanyang karakter na tumatawid sa hangganan ng katangahan. Malaki rin sana ang potensiyal ng iba't-ibang manipulasyon sa panahon na kinasangkapan ng pelikulang kung nagamit lang sana ng mabuti ay makapagpapalinaw sa mas masalimuot na pagpapakahulugan.

Direksiyon: Joel C. Lamangan
Hango Sa Ang Kuwento Ni A Ni Rolando S. Tinio
Dulang Pampelikula: Ricardo Lee
Sinematograpiya: Romulo Araojo
Musika: Nonong Buencamino
Editing: Jess Navarro
Disenyong Pamproduksiyon: Tatus Aldana
Prodyuser: Crown Seven Ventures, Inc.

Release Date: February 24, 1999

5 Response to "SIDHI At Ang Salimuot Ng Kuwento Ni A."

  1. ronald says:
    11:34 AM

    Hi Jojo,

    It's actually quite watchable compared to other Lamangan films. Although I think that Nora is totally miscast in the role.

    Regards,
    RSE

  2. Jojo Devera says:
    4:00 PM

    Sidhi is beyond redemption... I don't think Nora is miscast in the role, she just looked tired and haggard the entire time which affected her performance in the movie. I wonder if Rolando Tinio's short story where the film was based is a lot better.

  3. Ronald says:
    7:23 PM

    This was the opening film at Pelikula at Lipunan several years ago at Ayala cinema. It was shown to two theatres if im not mistaken. The audience where basically mocking and there will be hysterical laughter on Nora's performance in the film. The cinematography was quite good. And I agree with you....SIDHI is beyond redemption except for the frontal nudity of Glydel Mercado. (Grin)

  4. Jojo Devera says:
    4:49 AM

    I remember reading news about Sidhi's screening at Pelikula at Lipunan. It was also the first Filipino film shown at Louie's THX Cinemas. I was so impressed upon watching the trailer and overwhelmingly disappointed after seeing the film in its entirety. I din't even find Glydel Mercado's performance worthy of a grand slam Best Supporting Actress win, Angelu de Leon was much better in Lamangan's Bulaklak Ng Maynila.

  5. Avon Luna says:
    2:21 AM

    watch pinoy tv show here WATCH TV SHOW REPLAYS CLICK HERE

    or download our android application here Philipine TV Replays android app

    or download our apple application here Philipine TV Replays ios app

    HOW TO INSTALL PHILIPPINES TV ON IPHONE AND IPOD TOUCH? CLICK HERE

    or visit Android and Apple APPS

    LIKE US : Facebook