SERBIS... Sa Likod Ng Sine


Bold ang oryentasyon ng Serbis (Centerstage Productions / Swift Productions) ngunit may kutob akong maiigpawan ng direktor ang kalabisan ng genre. Noong 2005 kasi, ginawa ni Brillante Mendoza ang Masahista, isang natatanging hayop sa gubat ng bold. Sa madaling salita, inasahan kong magagawan ng paraan ni Mendoza ang kalakal at kalakaran ng paglalako ng katawan sa sine sa kasalukuyan. Nabuhayan ako ng loob sa mga unang eksena ng pelikula. Ang lunan ng naratibo ay isang luma at patakbuhing sinehan sa Pampanga na pinamumugaran ng mga sex worker, bakla, mga nagpaparaos na mga lalaki at parokyano ng mga pelikulang bold. Nagmistulang bulwagan ng salamin ang pelikula, ito ay palabas na bold tungkol sa pagpapalabas ng bold. At masinsin naman ang pagsasametapora ng mekanismo ng pelikula sa pamamagitan ng pagsasalarawan ng maliit na silid ng projectionist, ang pag-ikot ng negatibo at pagtagos ng ilaw sa isang singaw na sinisingawan din ng usok ng sigarilyo at init ng katawan, ang sira-sirang mga upuan na ginaganapan ng krimen ng bawal na seksuwalidad. Pinaghaharian ang milyung ito ni Nanay Flor (Gina Pareno) at mga anak na sina Jewel (Roxanne Jordan) at Nayda (Jaclyn Jose) kasama ang asawang si Lando (Julio Diaz) at anak na si Jonas (Bobby Jerome Go), nariyan din ang projectionist na si Ronald (Kristofer King). Sa sinehang ito rin naninirahan si Alan (Coco Martin) at ibubunyag ang di inaasahang pagdadalantao ng nobyang si Merly (Mercedes Cabral). Sayang na sayang at hindi napangatawanan ng pelikula ang mayabong na tema at diskurso ng naratibo. Mapapansin na pagkatapos na maipundar ang milyu, hindi na alam ng direktor kung paano paandarin ang istorya. Sapat nang ipasubo ang mga bida sa mga kung-anu-anong sitwasyong nangangailangan ng paghuhubad.


Pero maliban sa pagtukoy sa kahinaang ito na siya naman talagang bumalda sa pelikula, napag-iisip ng pelikulang ito ang manonood tungkol sa parametro ng kanilang pagbasa kung ilalapat ang mga ito sa isang obrang tulad ng Serbis. Kung estilo at estilo lamang ang pag-uusapan, walang sinabi ang mga pumupormang magagaling na direktor sa kasalukuyan. Ngunit may iba pa tayong dapat pagkaabalahan bukod sa teknik at teknolohiya at pagpapakitang gilas sa larangan ng visual effects. Tinatanong ko ang aking sarili, halimbawa, kung paano matutugunan ng pelikula ang mga komplikadong isyu na sa unang tingin ay wala namang kinalaman sa sine. Paano kaya mapapalawak ng kritisimong pampelikula ang kanyang abot-tanaw para masipat ang ibang salik na tila labas na sa saklaw ng kanyang tradisyon? Halimbawa, ang antropolohiya ng panonood ng sine. Mababanaag sa pelikulang ito na ang sine ay hindi lamang tekstong pinag-aaralan, kundi isang kulturang isinasabuhay. Talagang napapanahon nang pagtuunan ng pansin ang proseso ng pagtanggap sa pelikula ng mga manonood. Katunayan, sa kasong ito, hindi naman pinapanood ang pelikula, dahil ang sinehan ay nagiging lunan ng ibang gawain. At kung pinapanood naman, nag-uudyok ito ng ibang uri ng alaala at pangitain, napasisiklab nito ang karanasan ng trauma. Sa mga pagkakataong ito, dapat umangkat na ang kritiko ng mga konsepto at metodo sa disiplina ng agham panlipunan para maipaliwanag ang maselang relasyon ng sine at sinehan, imahe at trauma at kung anu-ano pa. Mahalaga rin dito ang usapin ng matriyarka kung saan ang isang matapang na babae ang pumasok sa katauhan ng bana. Siya ba ay humahalili sa lalaki? Bakit binabawian siya ng kagandahang loob at pinagmumukhang sakim? Sa tingin ko, ito ang punot-dulo ng lahat, ang paraan ng ating pagtingin ang siyang susi sa kung anuman ang ating nakikita. Kung makitid ang ating pananaw, wala tayong gaanong makikita at makukulong tayo sa sa kakitiran ng ating mga paniniwala.


Direksiyon: Brillante Ma. Mendoza
Dulang Pampelikula: Armando Lao
Sinematograpiya: Oddysey Flores
Musika: Gian Gianan
Editing: Claire Villa-Real
Disenyong Pamproduksiyon: Benjamin Padero At Carlo Tabije
Prodyuser: Centerstage Produtions At Swift Productions
Release Date: June 25, 2008

12 Response to "SERBIS... Sa Likod Ng Sine"

  1. RonaldSelorio says:
    10:38 AM

    Hi Jojo,

    I like Serbis although it has one too many gratuitous sex scenes. It's also too noisy. I know that it's intentional, but it's distracting and at times took me away from the movie!

    Regards,
    RSE

  2. Jojo Devera says:
    6:41 PM

    Hello Ron,

    Serbis borrowed its premise from William Pascual's Sandakot Na Kaligayahan where Dante Mendoza worked as Production Designer. I wasn't bothered by the sex scenes as much as the repetitive scenes of walking up and down the stairs. The actors weren't given much to work with. I felt that both Gina Pareno and Jaclyn Jose would've done much better with well drawn characters.

  3. dexter says:
    3:14 AM

    Hi Jojo! Ako din,nahilo sa akyat-baba ng mga artista sa hagdan! what was that all about? was it some kind of metaphor or something? the ending seems somewhat from a Brocka-Bernal movie,yun may prusisyon,para bang napanood mo na sa mga pelikula dati.bit of trivia,the moviehouse scenes from Sandakot na Kaligayahan was shot in my hometown Rosario Batangas.

  4. Jojo Devera says:
    4:45 AM

    Hello Dexter!

    A good friend of mine who watched the movie with me said that the repeated scenes of walking up and down the stairs was indeed a metaphor. A metaphor for what I asked. He then gave me lengthy explanation how it depicts the lives of the run down cinemas inhabitants. I felt Serbis' opening credit sequence and closing scene was reminiscent of Brocka's Kontrobersyal. It's interesting to know that Sandakot Na Kaligayahan was shot in your hometown. Did you happen to be around during the filming?

  5. dexter says:
    12:17 PM

    i just happen to pass by the old cinema house one night & i noticed there was a movie shoot,that was around 1995-1996,i think. i saw Troy Gomez,one of the actors in the film. Jo,would it be possible for you to review Hihintayin Kita sa Langit? and i'm still hoping to see the Alma Moreno tribute,or it could also be the triumvate of Alma,Lorna & Rio. Thanks!

  6. Jojo Devera says:
    5:45 PM

    Troy Gomez, was he the one who played Alan Paule's cousin in the film? I will definitely try to post an Alma Moreno tribute very soon...

  7. chard bolisay says:
    12:05 AM

    Ang husay niyo po magbasa ng pelikula!

  8. Jojo Devera says:
    1:24 AM

    Mas mahusay ka Chard! Maraming salamat!

  9. ronald says:
    5:07 AM

    Hi Jojo,

    Brillante like to film sequences involving one of his characters going on a long walk. I've seen him do this in Manoro, Tirador, Foster Child and here in Serbis, he he he...

    Regards,
    RSE

  10. Jojo Devera says:
    7:23 AM

    The scenes going up and down the stairs in Serbis were repetitious. It seemed to me like Mendoza was trying to shove his point right at the moviegoers' faces. In Manoro and Foster Child, similar scenes helped moved the story forward, I cannot say it had the same effect in Serbis.

  11. dexter says:
    3:22 AM

    Helo Jojo! Cant remember what role Troy Gomez played in the movie. i only saw this movie once,in some third rate moviehouse,much like the one in SERBIS.

  12. Jojo Devera says:
    7:40 AM

    At least you saw the film in a moviehouse even if its a thrid run cinema.