
Sa 14 Going Steady (Regal Films, Inc., 1984) ibinili ni Jose (Benedict Aquino) ng ballet shoes ang kababatang si Luwalhati (Gretchen Barreto) dahil wala itong pambili ng sapatos na gamit sa pagsasayaw. Idinerehe ni Joey Gosiengfiao ang pelikula halintulad sa isang ballet. Tinalakay ng iskrip ni Jonas Sebastian ang ilan sa mga sitwasyong pinoproblema ng mga kabataan. Nariyan ang suliranin sa pagiging magkaribal sa pag-ibig, problema sa pamilya at kaugnay pang mga usapin. Sa lahat ng ito, nagalugad ang iba't-ibang lalim o kadalasang babawng pananaw, gawi at asal kaugnay ng kabataan bilang sektor. Sang-ayon ito sa limitasyon ng pagsasalarawan ng mga tagalikha ng pelikula, ng manunulat at ng direktor. Madalas sa format ng mga pelikulang pinagbibidahan ng kabataan ang kuwentong panggrupo. Walang iisang protagonista, hati-hati ang maraming tauhan sa daloy ng naratibo na pinag-iisa ang tema. Binigyan ang bawat isa ng kuwento na karugtong kahit paano ng iba pang kuwento ng ibang tauhan. Tunay, binibigyan ng atensiyon ng 14 Going Steady ang mga kabataan natin kahit sa pana-panahon lamang. Dapat ba tayong magpasalamat na may mga bata at mga bagong mukhang ipinakikilala at inaasahang kumiliti sa mata ng mga manonood? Pagsunod lamang ito sa diumano'y tiyak na pagsamba ng lipunan sa mga matitipuno, naggagandahan at walang ubang kabataan. Ganito man ang inaakala at inaasahang pangunahing dahilan sa paglikha ng obrang ito, naglalantad pa rin ang mga ito ng mga kahulugan at pagbasa ukol sa kabataan at pelikulang Pilipino. Kinakitaan ito ng ng mga kontemporaryong larawan kundi man ng pagbabago o di-pagbabago sa halagahan ng ating lipunan. Paano nga ba kumikilos ang kabataan sa masalimuot na pagpapasiyang dapat nilang harapin? Moderno ang lengguwahe ng mga kabataan sa pelikulang ito tulad nina Bobby (Nadia Montenegro) at Nino (Albert Anido) na siyang nagpapahayag ng kanilang reyalidad. Maging ang pagbibihis ni Maita Belleza (Janice de Belen) ay umaagapay sa subkulturang nagtuturing sa moda at mga aksesorya bilang pang-halina kina Joker (Mon Alvir) at Daks (Emil Sandoval), ang mga binatilyong nahuhumaling sa kanya gayundin kay Almario Panganiban (Joe Vincent Aldeguer), ang lalaking kinahuhumalingan nito.
Pero sa kabila ng panlabas na anyo ng urbanidad at sana'y kasamang pagkaprogresibo sa pananaw ng mundo, ginigiyagis ang kabataan ng malay o lingid na pagnanais na isuot ang sapatos at pakinggan ang mga kinahiratihang gawi at halagahan sa maraming pagkakataon. Nangyayari ito kahit na may pagsisikap silang kumawala sa mga kinasanayang pananaw-mundo. Dahil umiikot sa romansa ang takbo ng pangyayari sa 14 Going Steady, hindi maiiwasangh maging kasama dito ang mga usapin sa relasyon ng babae at lalaki, kung gayon sa mga isyu sa kasarian at kapangyarihan. Alam naman natin sa lipunang Pilipino ang tinatawag na kaayusang patriyarkal o ang pangingibabaw ng ideyolohiyang makalalaki sa mga larangang itinuturing na mahalaga sa isang kultura. Tila walang mapagpalayang pag-uusisa ang pelikula sa mga pagtatakda ng kaayusang ito at kung mayroon man, nababalewala ng paraan ng paglutas sa mga pangkasariang tunggaliang ipinakita sa loob ng naratibo. Sa pagsasagawa nito, tumatagilid ang timbangan kung minsan sa progresibong pagbabago ng kababaihan pero madalas na sumasayad nang husto sa pagiging konserbatibo kung di man tahasang pagiging reaksiyonaryo. Tunay naman mahirap na paksa ang relasyong pantao ngunit alanganin ang posisyong pinli ng pelikula kung mayroon man. At madalas ding nakakatambal ng prehuwisyong ito ang katotohanang bata ang mga tauhan. Di man sadya, isinisisi ang lahat sa kakulangan ng kakayahan ng kabataan, na wala silang sapat na isip at damdamin upang matalinong mapagpasiyahan ang mga dilemang kanilang kinakaharap sa mundo tungo sa pag-unlad bilang tao. Malaki ang kinalaman ng mga hakang ito sa pagbubuo ng buhay at asal ng mga tauhan at sa gayo'y sa pagbubuo din ng makabuluhang kahulugan para sa mga manonood.
Direksiyon: Joey Gosiengfiao
Dulang Pampelikula: Jonas Sebastian
Sinematograpiya: Carlos Jacinto
Musika: Max (Boy) Alcaide
Editing: Rogelio Salvador
Disenyo: Gerry Pascual At Edgar Littaua
Produksiyon: Regal Films, Inc.


4:02 PM
this movie seems fun,full of energy. was it a hit? did it come even close to the success of the first Bagets? i would love to see this again,i only saw it once on cinema one. i remember Gretchen's scene in the bus terminal,Nadia fantasizing about Albert Anido,and Benedict Aquino's cool dance moves on the rooftop hehe--i always watch it in Youtube,never fails to make me laugh,the moves seems dated--pero during the time was astig! JOJO,who are the senior stars in the movie? coz in Bagets the parents/teachers were an important part of the movie,how bout in this one?
4:10 PM
jo,what happened to Emil Sandoval after this movie? and Albert Anido,Joe Vincent Aldequer? the girls were all really pretty.
3:10 AM
Hello Dexter!
14 Going Steady was indeed a huge box office success. energetic is the best way to describe this film. it may not be on par with Bagets but this Gosiengfiao classic is not without its own merits. it may be dated but the execution of several key scenes in the movie is truly memorable. aside from the ones you mentioned, there's also the scene where Benedict Aquino gave Gretchen a pair of ballet shoes on the rooftop where you could see all of Manila in the background, the gym sequence where Nadia brought Albert Anido and the montage where Janice, Gretchen and Mon Alvir drove around Makati in a vintage sports car, among others. The parents were not as memorable but the battling teachers played by Celia Rodriguez and Rosemarie Gil was absolute fun!
3:15 AM
in the mid to late 80's, Emil Sandoval who was unsuccessful in becoming the next matinee idol shifted to doing a string of bold films mostly produced by Emperor Films while ALbert Anido and Benedict Aquino continued to make movies for Regal, most notably the Zombie episode in Mga Kuwento Ni Lola Basyang and The Graduates where Benedict played the role of Gabby Concepcion's sidekick. Joe Vincent Aldeguer went back and did mostly stage work fo Repertory Philippines.
7:57 AM
Hi Jojo,
I think RegalFilms.com has this (and Teenage Marriage) on DVD. I'm tempted to buy them.
Regards,
RSE
2:57 PM
Hello Ron!
They are finally available... don't resist the temptation, buy them! These movies are worth the purchase.
4:38 AM
Agree with you guys, this film was full of energy and wit! It may not be serious like UNDERAGE my generation's fave and BLUE JEANS but it has its own plus. I remember we were so mesmerized when Gretchen came out on tv first time they were promoting this film and she really looks like Phoebe Cates. Regal followed same formula although only Janice was repackaged as teen actress from her gig as a former child actress like Snooky and Maricel.
2:49 PM
Hello Ronald!
14 Going Steady is one of the most fun teenage films helmed by the late Joey Gosiengfiao. The film was also a fashion trendsetter. I remember seeing a lot of teenagers wearing outfits similar to that of Janice de Belen and Gretchen Barreto. It's funny that you thought Gretchen looked like Phoebe Cates...
4:42 AM
Did the follow-up TENDER AGE made waves, Jojo? Hehehe....14 GOING STEADY was the last film shown at Sinemax on channel 7, Fri., 9pm before they replaced it with FPJ SA GMA every sat.
6:06 PM
Unfortunately Tender Age with Gretchen and Nadia minus Janice didn't make as much as 14 Going Steady and the scathing reviews didn't help either...
10:27 AM
I'm just wondering, which school did try use to film this movie at?