TEENAGE MARRIAGE At Ang Domestikong Espasyo Sa Pagitan Ng Mag-Asawa


Isang matingkad na domestikong melodrama ang Teenage Marriage (Regal Films, 1984). Kuwento ito ng magkaibigang sina Ruby (Snooky) at Miriam (Maricel Soriano) na kapwa dumaraan sa salimuot ng buhay may-asawa dala ng maagang pagpapakasal. Kasing rutinaryo ng trabaho ni Miriam ang kanyang buhay, papasok sa trabaho, sasagot ng mga tawag sa telepono at sa gabi bago umuwi sa kanilang tinitirhang apartment ng asawang si Alex (William Martinez) ay nag-aaral ng kursong typing. Samantala, sa pamilya ni Sonny (Albert Martinez) naninirahan si Ruby matapos ang kanilang kasal. Ang malungkot niyang buhay ay hindi itinatago ng kanyang anyong simple, laging nag-iisip at naghihintay sa pag-uwi ng asawa galing sa eskuwela. Paminsan-minsan, magkikita sina Ruby at Miriam sa labas upang pag-usapan ang kani-kanilang mga buhay. Sa sandaling ito lamang makikitang maligaya ang dalawa. Walang pirmihang hanapbuhay si Alex at hindi sapat ang kinikita nito upang mabuhay silang mag-asawa. Darating ang isang magandang alok kay Miriam, hindi matanggap ni Alex ang katotohanang higit ang kakayahan ng asawa sa kanya hanggang sa pansamantala silang maghiwalay. Sobra ang pagka-asar ni Ruby sa patuloy na pagbibinata ni Sonny. Minsan, isinumbat niya sa asawa ang pagbabalewala nito sa kanilang relasyon at nauwi sa mainit na pagtatalo. Nasaktan ni Sonny si Ruby na siyan nagtulak dito na tuluyang iwan ang asawa. 

Kung tutuusin, napakakaraniwan at madaling hulaan ang pelikula subalit hindi lamang sa naratibo masusumpungan ang kuwento ng Teenage Marriage. Ginamit nito ang kapangyarihan ng pelikula bilang biswal na midyum at kinasangkapan ang mga pamamaraan at estratehiya ng sinematograpiya upang gawing pelikula ito ng mga karakter at lunan, ng tao at espasyo. Hinuli ng masinop at mahusay na sinematograpiya hindi lamang ang salaysay ng relasyong namamagitan sa mga pangunahing tauhan kundi pati ang pampublikong espasyo ng Maynila. Ang mga ritwal ng pagkakaibigan nina Ruby at Miriam ay naganap sa espasyong ito. Mga lugar na hindi lamang tinatayuan o nilalakaran kundi mga lunan kung saan ang mga tao ay pinagtatagpo at ang mga ugnayan ay binubuo. Ipinakita ng pelikula na ang mga lugar na ito ay hindi hiwalay sa buhay ng mga taong dumaraan at nananahan. Sa pagtatapos ng pelikula, makikita sina Miriam at Ruby, isang ganap na ina ngayon na pansamantalang pinagduduhan ang sarili at pag-aagam-agam sa hinaharap ng kani-kanilang relasyon. Nalutas sa pelikula ang mga kontradiksyon ng personal na ugnayang namagitan sa mga tauhan.

Direksiyon: Mel Chionglo
Dulang Pampelikula: Raquel N. Villavicencio
Sinematograpiya: Pedro Manding, Jr.
Musika: Ding Achacoso
Editing Rogelio Salvador
Disenyo: Benjie Garcia At Edel Templonuevo
Produksiyon: Regal Films

22 Response to "TEENAGE MARRIAGE At Ang Domestikong Espasyo Sa Pagitan Ng Mag-Asawa"

  1. ronald says:
    11:21 AM

    Hi Jojo,

    Nice screen caps. Haven't seen this one. Mel Chionglo? Is he still active these days? I don't know who Pedro Nanding is. Any other notable movies he shot?

    Regards,
    RSE

  2. Jojo Devera says:
    3:14 PM

    Hello Ron!

    Thanks! I try my best to capture the best scenes from the film to make it more interesting. The last movie Mel Chionglo directed was Twilight Dancers. Pedro Manding has been around for quite sometime. He also photographed Chionglo's Sinner Or Saint and became Lino Brocka's cinematographer after Conrado Baltazar's death in late 1985. He did the camera work for Gumapang Ka Sa Lusak and Babangon Ako't Dudurugin Kita to name a few.

  3. Ronald says:
    9:49 PM

    The cinematography of Pedro Manding, Jr. was a standout in this film. I think this is Mel Chionglo's best film. Restrain and the finale is bittersweet.

  4. Jojo Devera says:
    5:34 AM

    Pedro Manding's cinematography was indeed one of Teenage Marriage's strengths with Mel Chionglo's guiding hand. Alongside the topnotch technical aspects, the acting should also be commended. Maricel's understated acting is something to behold which complements Snooky's showier performance. Both Regal babies received their very first URIAN citation for this very little seen cinematic gem.

  5. Ronald says:
    8:23 PM

    Nice trivia on both Snooky and Maricel, Jo. Is this Mel Chionglo's debut film? Or is it PLAYGIRL?

  6. Jojo Devera says:
    3:34 AM

    Playgirl was Mel Chionglo's debut film but Teenage Marriage is the only other film he did which was on par with his first feature and 1984's Sinner Or Saint, it was downhill after these three brilliant movies.

  7. Ronald says:
    10:20 PM

    Agree with SINNER OR SAINT, it's so underrated. Chionglo is a great production designer I can't imagine the look and visuals of ITIM, TEMPTATION ISLAND, AGUILA without him.

  8. Jojo Devera says:
    3:48 AM

    aside from the films you mentioned, Mel Chionglo also did excellen design work in Ishmael Bernal's Ikaw Ay Akin and Mike de Leon's Kung Mangarap Ka't Magising.

  9. Ronald says:
    9:56 PM

    He also done the pd for Brocka's gothic horror GUMISING KA, MARUJA. Chionglo said that mansion was an old abandoned house in Bacolod they just put some furnitures on it.

  10. Jojo Devera says:
    4:04 AM

    forgot about that... the houses in Gumising Ka Maruja, Itim and Ina, Kapatid, Anak had character. Chionglo is a visual artist and his work is translated perfectly on screen. unfortunately, his later films pale in comparison to Playgirl, Teenage Marriage and Sinner Or Saint, his three best films, in my opinion.

  11. victormanalo says:
    7:50 PM

    maganda cguro yung copy mo kasi malinis yung screen caps,yung lumalabas sa CINEMA ONE ay pangit na kopya, WHAT A FOOL I AM by Lou Bonnevie (nice ending song).

    Sana ma feature mo rin yung SUMMER LOVE kasi it's been like a century since the last time i saw that movie.

  12. Jojo Devera says:
    2:52 AM

    I haven't seen the one shown on Cinema One. I also loved the song. I have a betamax copy of Summer Love di ko lang ma-transfer wala kasi akong player.

  13. victormanalo says:
    8:35 PM

    Baka naman puwedeng maka arbor ng kopya, kung puwede lang. ha ha ha...

  14. Jojo Devera says:
    2:04 AM

    Tingnan natin...

  15. Dennis says:
    12:26 PM

    Hi Jojo!

    Kakanood ko lang nito uli sa cable kanina. Ngayon ko lang napanood ng buo. Nagustuhan ko 'yung flow ng story ng dalawang lead (Maricel and Snooky). I also like the fact na si Maricel ang controlled ang emotion samantalang hyper naman si Snooky.

    Gusto ko rin ang pagtatapos ng movie. Not really a sad ending in my opinion.

    Napansin ko lang na nakailang eksena ng mga donuts haha.. Sponsored ba ng movie that time ang Dunkin'.

    I don't really know but whenever I see Mel Chionglo's name, naaalala ko agad ang Dyesebel ni Alice Dixson hehe...

  16. Jojo Devera says:
    6:11 PM

    It's one of Mel Chionglo's best films and both Snooky and Maricel's performances complimented each other walang nagpatalbugan. They were both nominated by the Manunuri in 1984. Gusto ko yung fact na nagkaroon ng realization yung dalawa towards the ending. They finally learned an important life lesson kaya believable ang naging desisyon nila. Hindi naman siguro sponsor ang Dunkin' Donuts but I guess it just shows the film's age. In the 80's kasi napaka-rampant ng mga donut shops ganon din ang Burger Machine kaya hindi siguro ma-resist na gamiting location ng mga filmmakers.

    Promising sana ang Dyesebel and Alice fits the role physically kaya lang hindi talaga siya marunong umarte...

  17. Dennis says:
    2:34 AM

    Gusto ko 'yung pagkakasabi mo na 'nagkaroon ng realization yung dalawa towards the ending.' Madalas ko rin makita ang Shakey's pag may eksenang kainan. Nu'ng panahon pa ng combo.

    I remember sa sine nu'n 'yung katabi ko 'yung mama nasa late 30s to early 40s, pagkatapos ng Dyesebel ang sabi, 'walang kwenta'. Hindi ko alam kung ang tinutukoy e yung istorya mismo o nabitin sa breast exposure ni Alice hehe...

  18. Jojo Devera says:
    3:16 AM

    It's a great ending to an excellent film. After watching Teenage Marriage sa sine I told myself mano-nominate yung dalawa sa Urian at hindi nga ako nagkamali.... Ay madalas talagang location ang Shakey's nung araw kasi nga favorite hang-out ng magba-barkada after school o kaya pagkatapos ng trabaho.

    Baka naman sa breast exposure nadismaya yung katabi mo. Hindi niya inisip na fantasy ang pinapanood niyang pelikula at hindi bold...

  19. Dennis says:
    12:27 PM

    Nasurprise talaga ako sa film Jojo. I'm expecting the usual pinoy drama. Nagdalawang isip pa nga ako panoorin kasi I was planning to watch a horror dvd. Obviously, I chose Teenage dahil hindi ko alam kung kelan uli ito ipapalabas sa cable.

    Sa Shakey's naglasing si Herbert at Aga sa Bagets dahil broken-hearted. Isa sa mga pelikula 'yun ang location. Natatakam pa naman ako tuwing may nakikita akong pizza chain dahil ultimate comfort food ko 'yun haha.

    Malamang at du'n nga nadisappoint 'yung mama pero tutok na tutok naman ang mata sa screen at mukhang pinag-aaralan ang flow ng istorya hehe...

  20. Jojo Devera says:
    2:26 PM

    It's also one of my favorites. Actually tatlong movies lang ni Mel Chionglo ang nagustuhan ko. His feature film debut Playgirl, Teenage Marriage at Sinner Or Saint. Nakakataba masyado ang pizza pero masarap talaga...

  21. Dennis says:
    6:17 AM

    I have reservations din sa panonood nu'n kasi hindi totally kilala si Mel Chionglo sa mga quality films in general, opinion ko lang.

    I saw Sinner and Saint sa cable and I bet may cut 'di ko lang alam ano du'n. I don't see Playgirl being aired naman.

  22. Jojo Devera says:
    5:25 AM

    Sa unang pelikula pa lang ni Mel Chionglo, kinakitaan na siya ng husay sa pagdidirek. Nakakapanghinayang lang at nalinya siya lately sa paggawa ng inferior versions ng Macho Dancer ni Lino Brocka...