INA KA NG ANAK MO... Salimuot Ng Relasyong Ina At Anak

Ina Ka Ng Anak Mo

Pinaksa ng Ina Ka Ng Anak Mo (Movie Masters Film Patterns International, Inc.) ang isa sa pinakamasalimuot na yugto sa pagitan ng relasyong ina at anak. Sa pagtatangka pa lamang na halughugin ang lalim ng bigkis na nagbubuklod dito, isang mabigat na atas na agad ang ipinatong ng pelikula sa sarili at manonood nito. Isa ang Ina Ka Ng Anak Mo sa mga likhang sining ni Lino Brocka noong taong 1979 kabilang ang Ina, Kapatid, Anak at Jaguar. Isinalin ang materyal sa isang mala-kolektibong proseso ng paglikha. Sa una, kontrolado ng manunulat ang bawat diyalago, sa ikalawa, walang iisang puwersang maaring magdikta ng direksiyon. Itinuturing na mala-kolektibo ang paglikha ng pelikula sapagkat kawangis ng proseso ang kolektibong pagdesisyon ng isang pangkat ng mga indibidwal na nakatuon sa isang produksiyon. Mayaman sa alusyon ukol sa pamilyang Pilipino ang pelikula. Pinagsikapan nitong isabuhay ang pangkalahatang suliraning nakabalot sa relasyon ng ina sa anak at anak sa asawa. Tumatahi dito ang mga pangyayari sa pang-araw-araw na pamumuhay nina Renata (Lolita Rodriguez), ang anak nitong si Ester (Nora Aunor) at asawang si Luis (Raul Aragon). Sa pagnanasang umasenso, nais subukan ni Luis na magtungo sa Saudi Arabia upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang sariling pamilya ngunit labag ito sa kalooban ni Ester. Nang nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang mag-ina, labis itong dinamdam ni Renata. Minsa'y naibuhos niya kay Luis ang hinanakit sa anak na naging sanhi ng kanilang panandaliang pagkalimot sa sarili. Ang rebelasyon sa kanilang pagtataksil ang nagpatahip sa dibdib ni Ester at nagpatingkad sa tunggalian nila ni Renata.

Ibang loob ang pinagkaabalahan ng pelikula taliwas sa tradisyong Brocka dahil hindi nito tinangka ang pagdalumat ng loob ng looban, inilugar ng direktor ang mga pangunahing tauhan ng pelikula sa looban upang tingnan rin ang kani-kanilang mga loob na nasangkot sa tunggalian sa pagpanig sa kasinungalingan o panlilinlang. Sa simple subalit di simplistiko nitong paggalugad sa personal na loob ng mga tauhan tungo sa kompleksidad ng mga nag-aagawang puwersang kinapapalooban ng mga tauhan. Magaganap ang resolusyon sa mga pansariling loob, subalit kinakailangang ihayag ito sa labas ng sarili tungo sa isang resolusyong panlipunan. Nararapat banggitin ang kontribusyon ng Ina Ka Ng Anak Mo sa larangan ng pagganap na pumainlalang sa kaganapan ng sining. Dramatikong isinakonkreto ito ng mahusay na pagganap ni Lolita Rodriguez. Bilang tradisyunal na ina, pinapanood natin siya habang dumaraan sa proseso ng lumbay, pagkabigo at pagtanggap samantalang magiting na binubuo ang nadurog na mga piraso ng sarili at dignidad bunga ng kanyang kahinaan. Sa sensitibong paglikha ni Nora Aunor, isang representasyon si Ester ng karaniwang maybahay na nakatuklas sa pangangaliwa ng kanyang asawa. Hinatak niya tayong damhin ang kanyang mga
dilemma habang nakikibaka siyang matanggap ang pagtataksil ng kanyang asawa. Sa prosesong ito napilitan siyang lumikha ng mga bagong paraan ng pagharap hindi lamang sa kanyang mga sariling satanas at pagdurusa kundi kasama rin ang kanyang pamilyang may basag na ngayon at may lamat. Dumaloy man ang buong kuwento ng pelikula sa kamalayan ni Ester, nagtapos naman ito sa rekompigurasyon ng relasyong ina, anak at asawa habang patuloy ding nagbabago ang materyal na kondisyon ng mga pangunahing tauhan.

Direksiyon: Lino Brocka
Dulang Pampelikula: Jose Dalisay, Jr.
Hango sa Kuwento Ni Leticia Farinas
Sinematograpiya: Conrado Baltazar
Musika: Ed Pagayon
Editing: Edgardo "Boy" Vinarao
Disenyo: Joey Luna
Produksiyon: Movie Masters Film Patterns International, Inc.

Release Date: December 25, 1979

10 Response to "INA KA NG ANAK MO... Salimuot Ng Relasyong Ina At Anak"

  1. ronald says:
    2:11 AM

    Hi Jojo,

    I've seen this is Cinema One. It's a great acting piece and of course features one of Nora's most famous scenes. Lolita as always is great too. Great, great film...

    Regards,
    RSE

  2. Jojo Devera says:
    5:29 AM

    Hello Ron!

    Ina Ka Ng Anak Mo was the late Hammy Sotto's most favorite Brocka film. It's indeed an acting showcase. Lolita Rodriguez is the epitome of understated acting while Nora Aunor showed that greatness doesn't just come from experience but instinct as well. It's interesting to note that in the 1979 MMFF Charito Solis and Vilma Santos co-starred in Modelong Tanso which is much more inferior film than Ina Ka Ng Anak Mo.

  3. Ariel says:
    12:07 AM

    Hi Jojo,
    Thanks for this nice article/ review. I started my Nora Aunor celebration today by listening to Habang Panahon, then, watched Condemned and Nakaw na Pag-ibig. Tapos,binasa ko ang blog mo. Kumpleto na ang May 21st ko. Kung ganito ang Araw ng Paghuhukom, ok lang sa akin. The team of Nora, Lolita at Brocka is truly a once-in-lifetime event and I am glad to have witnessed it. Ingat.
    Nino Ariel

  4. Jojo Devera says:
    2:49 AM

    Hello Nino,

    I thought this would be a fitting tribute to the Superstar's birthday. This trip is especially memorable for me since I had the rare chance of bonding with the Noranians here in Manila. I even agreed to be interviewed for Ate Guy's birthday feature on Paparazzi which was aired today. It's funny that my Aunt called to tell me about it and was surprised to see me during the interview. It's my own way of letting the entire country know that I am a proud Noranian.

  5. Carlo says:
    1:53 PM

    Hi,

    Please when you get a chance, review Hindi Iyo Ang Mundo Baby Porcuna.

    Thanks

  6. Dennis says:
    9:50 AM

    Hello Jojo!

    I missed that interview on Paparazzi even though I'm not watching the show. Loved your last statement...

  7. Jojo Devera says:
    6:11 PM

    Hello Carlo,

    Like you, I'm still on the lookout for a copy of the movie...

  8. Jojo Devera says:
    6:13 PM

    Hi Dennis!

    Are you back from Singapore? That's fine if you missed the interview. Mas exciting ang nangyari behind the scenes. Maraming salamat at uulitin kong I'm a proud Noranian...

  9. Dennis says:
    11:46 PM

    I'm back na here. Nice!

  10. Jojo Devera says:
    12:50 AM

    Great! Welcome back...