
Pasukdol ang pagsasalarawan ng pelikulang Kaya Kong Abutin Ang Langit (V.H. Films, Inc., 1984) sa karanasan ng isang babaeng gagawin ang lahat upang makamtan ang marangyang pamumuhay na naging mailap sa kanya mula sa pagkabata. Lubhang naging malapit si Clarissa (Maricel Soriano) sa pamilya ng ninang nitong si Monina (Liza Lorena) at kinakapatid na si Therese (Arlene Muhlach) kumpara sa kanyang inang si Naty (Charito Solis) at nakatatandang kapatid na si Nancy (Gina Alajar). Dumating ang pagkakataong umibig si Therese kay Daryl Revilla (William Martinez) at kahit labag sa kalooban ng ina ay patuloy pa rin ito sa pakikipagkita sa kasintahan. Ipinagtapat ni Clarissa kay Monina ang pakikipag-relasyon ng anak at labis itong ikinasama ng loob ni Therese hanggang sa magkaroon ito ng malubhang karamdaman sanhi ng kanyang sakit sa puso. Napagdesisyunan ni Monina na dalhin ang anak sa ibang bansa upang doon ipagamot, ngunit ipinagpilitan pa rin ni Clarissa ang pagsama sa kanila. Dala ng matinding galit ay inatake si Therese na naging dahilan ng pagkamatay nito. Kinumbinsi ni Monina si Naty na ampunin si Clarissa upang maging tagapagmana ng kanilang kayamanan. Habang nagbabakasyon sa Baguio ay naaksidente ang mag-asawa at napasakanya ang lahat ng ari-arian ng pamilya Gardamonte. Hindi nag-aksaya ng panahon si Clarissa, kinuha nito si Daryl upang gamiting hagdan tungo sa kanyang pag-akyat sa lipunan. Tuluyan nang tinalikuran ni Clarissa ang kanyang pamilya hanggang sa mamatay ang kanyang ina. Kasunod nito ay ang unti-unting pagkalugi ng kanyang mga negosyo. Nagdesisyon si Clarissa na pakasalan ang manliligaw na si Jerome Recto (Francis Martinez) ngunit sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay hindi ito dumating sa simbahan. Tinalikdan si Clarissa ng mga inaakalang kaibigan sa lipunang dati'y kinabibilangan. Nagtungo ito kay Nancy ngunit ipinamukha ng kapatid sa kanya ang poot na kinimkim ng matagal na panahon. Madilim ang buhay ni Clarissa, walang sigurado sa bawat hakbang maliban, kung pakasusuriin, sa kamatayan.
Upang ganap na maitampok ang kasalimuotan ng mga karanasang personal at panlipunan, nagamit ng Kaya Kong Abutin Ang Langit ang sinematikong estratehiya ng pagbabalik-larawan ngunit napakanipis ng temang ipinalaman sa mga kumbensiyon ng genre subalit konsistent ang disenyong biswal at sinematograpiya, akmang-akma ang tunog at musika. Habang hinihimay ang naratibo, unti-unting natuklasan ang proposisyong ipinapakain ng pelikula sa manonood, isang proposiyong taliwas sa pagnanasang patuloy na mangarap at mabuhay. Hindi na bagong dugo si Gina Alajar kung sining ng pag-arte ang pag-uusapan. Pero nagde-deliber pa din siya tulad ng inaasahang dapat ideliber ng isang aktres na katulad niya. Isinasaad nito ang pagkaunawa at metodo sa layuning dramatiko ng pelikula. Katangi-tangi rin ang pagganap ni Maricel Soriano kung hindi pa sana niya nagagawa ang Hindi Kita Malimot at Teenage Marriage. Totoong nabawasan ang hysterical gestures niya sa pelikulang ito ngunit wala rin naman siyang ipinakitang bagong kakayahan para pangatawanan ang papel ng ambisyosang dalagang gagawin ang lahat upang abutin ang kanyang pangarap. Kapansin-pansin, halimbawa ang simplistikong linyang Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik! Isang mala-katotohanan ang gayong paninindigan na ginawaran din ng mala-makatotohanang pagganap na tila walang sapat na pang-unawa, unang-una kung ano ang tinutukoy ng manunulat/direktor/karakter/artista. Ang husay ni Bb. Soriano ay hindi nabigyan ng sapat na paggabay upang magagap ang kabuuan ng kanyang karakter. Wastong sabihin na may mga kumbensiyon ang anumang genre ngunit lagi nang nilalayon ng sinumang artista ang pag-igpaw kundi man pagbuwag sa mga ito. Sa kaso ng Kaya Kong Abutin Ang Langit, ni hindi natugunan ng pelikula ang kahingian ng sarili nitong genre dahil na rin sa simplipikasyon at palihis na lapit sa paksa ng naratibo.
Direksiyon: Maryo J. de los Reyes
Dulang Pampelikula: Jake Tordesillas, Lualhati Bautista At Via Hoffman
Sinematograpiya: Joe Batac, Jr.
Musika: Willy Cruz
Editing: Edgardo Vinarao
Disenyo: Butch Garcia
Produksiyon: V.H. Films, Inc.


1:17 AM
Hi Jojo,
I think I've seen this on TV when I was younger. The lines you quoted though simplistic and melodramatic were once and probably still are one of the most famous in Pinoy cinema.
Ingats,
RSE
2:27 AM
Hello Ron!
Those lines were indeed memorable. The only problem I had with it was Clarissa's lack of conviction. Maricel's performance was wasted since both the writer and director was unsure of the character's intention. In my opinion, Gina Alajar was more convincing in the same scene and all she had to do was listen to Maricel.
9:54 AM
I was watching last week John & Marsha on Cinema One and you can actually see there the growing up years of Maricel from being a child star to a teen age actress. KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT remains to be her signature film. From her UNDERAGE days, she metamorphosed as one of our great actress in films like HINUGOT SA LANGIT, IKAW PA LANG ANG MINAHAL.
9:57 AM
I totally agree with you. Maricel is not just great in comedy but also an amazing dramatic actress as well. Kaya Kong Abutin Ang Langit maybe her signature film but in my opinion her best work would be Hinugot Sa Langit and The Graduates.
1:51 AM
this is my favorite maricel movie,very memorable when i saw it in 1984,along with sharon's bukas luluhod ang mga tala. jojo,what do you think about SAAN DARATING ANG UMAGA? i also like that one. isn't it ironic that maricel won her first acting award as an adult star in a VIVA movie,when she is really a Regal baby? and she won before sharon,who was a genuine viva star.
2:27 AM
Hi Dexter!
Saan Darating Is Umaga is a well crafted melodrama much better than Kaya Kong Abutin Ang Langit. At the time Maricel won the FAMAS Best Supporting Actress award, Sharon was still making movies like Cross My Heart, To Love Again and Friends In Love while Maricel was already making serious fare such as Teenage Marriage and Saan Darating...
7:37 PM
ito ang movie na tailor made for maricel...kung compare ko ang movies ni maricel sa summer holiday,boystown at story of 3 loves...don ko naisip na ang galing ni maricel...
yong snob scene niya ng pumunta siya sa libingan ng kanyang ina at siya ay pinalayas....THAT SNOB IS A SIGNATURE.
6:01 PM
Kahit bida-kontrabida ang role ni Maricel, her fans didn't shy away from the movie. Todo suporta sila making Kaya Kong Abutin Ang Langit a box office success...