AT LUMAGANAP ANG LAGIM... Makakatulog Ka Pa Ba?


Isinalaysay ng pelikulang At Lumaganap Ang Lagim (Dukeland Productions, 1975) ang kahindik-hindik na paghahasik ng mga kampon ng kadiliman sa pangunguna ni Bestra (Etang Discher), isang matandang mangkukulam. Sa simula, nanawagan ito kay Satanas (Ruel Vernal) upang ialay ang anak na si Leona (Rosemarie Gil) ngunit laban man ito, walang nagawa ang dalaga hanggang sa ipaglihi ang bunga ng pagsasamantala ni Satanas. Pinakiusapan ni Leona ang ina na tulungan siyang tanggalin ang sanggol sa sinapupunan ngunit tinanggihan nito ang kahilingan ng anak. Sa labis na pagkapoot, lumayas ito sa poder ng ina. Natagpuan ni Don Manuel (Eddie Garcia) sa gubat ang walang malay na si Leona. Inaruga nito ang dalaga hanggang sa gumaling. Di naglaon, ipinagtapat ni Don Manuel ang tunay niyang damdamin kay Leona ngunit labag sa kalooban ni Bestra ang napipintong pagpapakasal ng dalawa. Kanyang iniluwal ang sanggol na naging sanhi ng maaga nitong pagkamatay. Ilang taon ang nakalipas, pinakasalan ni Don Manuel si Jesusa (Eva Reyes). Bilang paghihiganti, kinulam ni Bestra si Jesusa subalit nakakapagtakang sa kanyang kamatayan ay nailuwal pa ang sanggol na dinadala nito sa sinapupunan. Inialay ni Don Manuel ang buong panahon nito sa pagpapalaki sa kanilang anak na si Susan (Rosemarie). Samantala, nagsimulang maghasik ng lagim si Satur (George Estregan) sa buong pamilya ni Don Manuel. Dinala ni Satur si Susan sa bundok ng diablo ngunit bago matapos ang pelikula, nailigtas ito ng kasintahang si Ronaldo (Ricky Belmonte).


Totoong payak lamang ang nais itumbok ng At Lumaganap Ang Lagim dahil bukod sa walang patumanggang sigawan, habulan at patayan, hinaluan din ito ng kung anu-anong sangkap tulad ng iyakan at romansa. At bakit nga hindi kung pakaiisiping ang tinatalakay ng pelikula ay ang tema ng paghihiganti. Dahil nga payak lamang ang nais ipahatid at aliw lang ang layon nito, pinalabas ng pelikula ang salimuot ng relasyon sa pagitan ng mag-inang Bestra at Leona at ang karanasang nagtulak sa kanila tungo kadiliman. Ang hindi tinalakay ng pelikula ay ang ilang mahahalagang bagay ukol sa kataka-takang pagbangon ni Jesusa mula sa hukay gayundin ang katotohanang bumabalot sa likod ng palagiang pagpapakita ni Leona kay Susan mula pa sa pagkabata nito. Walang scope ang pelikula at kulang ang insight nito ukol sa paghihiganting paksa nito. Pilit ang mensahe nitong kabutihan at kaayusan pa rin ang mamamayani sa mundong napapaligiran ng kasamaan at kadiliman. At ganoon din naman, ilusyon lamang ang dala nito sa pagtalakay ng ugnayan ng mga tao sa bawat isa. May pasaring ang pelikula tungkol sa magkaibang pananaw ukol sa relihiyon at ganoon din naman ang simbahan, ngunit hindi ito natalakay at nabigyan ng hustong pansin. Hindi rin ito nagamit upang mapalawak ang pang-unawa ng manonood sa sinasabi ng pelikula ukol sa maling pananampalataya ng ilang mga tauhan nito.


Dulang Pampelikula At Direksiyon: Armando A. Hererra
Sinematograpiya: Eduardo Jacinto
Musika: Ernani Cuenco
Editing: Gervacio Santos
Produksiyon: Dukeland Productions

4 Response to "AT LUMAGANAP ANG LAGIM... Makakatulog Ka Pa Ba?"

  1. Ronald says:
    10:17 PM

    Hi, Jo. The opening scene is quite effective and creepy. Etang Discher has such a distinctive voice that you can recognize at once as a witch or a sorcerer. It became boring on the middle because of the romance part. The 70's actually gave us a handful of horror B movies but unfortunately no existing print exists. I do remember watching PAGSAPIT NG DILIM, KARUNUNGANG ITIM & LANGIT LUPA AT IMPYERNO on channel 13. Ah those were the days where you can just sit on the couch and watch a Pinoy film on tv.

  2. Jojo Devera says:
    2:46 AM

    Hello Ronald!

    I was impressed with the opening scene as well. Etang Discher standing on top of a barren desert calling Satan is probably one of the creepiest scenes in Philippine horror. The gothic romance part of the film was somewhat inspired
    by the original Maruja which was helmed by the same director unfortunately, it didn't work this time. Eva Reyes only appeared in a couple of scenes, her coming back from the dead wasn't explained at all, it seemed like her character was totally abandoned in the film. I remember watching this movie along with the other titles you mentioned. It's a shame that these horror classics will never see the light of day.

  3. Ronald says:
    9:17 AM

    Agree with you, Jo. They should have concentrated more on the horror stuff instead of the romance part. George Estregan is always perfect for the role of the devil. Can you imagine him replacing Eddie Garcia in MALIGNO? I can't believe that Eduardo Jacinto was lensing films since the mid-70's?!

  4. Jojo Devera says:
    10:56 AM

    The romance part was out of context... George Estregan would've been great in Maligno but Eddie wasn't bad in the role. George was downright scary in Sa Init Ng Apoy as well. The Jacinto brothers Totoy & Caloy have been working as cinematographers since the 70's but it was when Totoy photographed films by Peque Gallaga & Marilou Dia-Abaya that his work gained the recognition he richly deserved.