Virgin Forest
Dala-dala ni Peque Gallaga ang tema ng solitaryong paglalakbay sa Virgin Forest (Regal Films) kung saan ginamit sa pelikula ang pagdakip ng mga dayuhang Amerikano kay Heneral Emilio Aguinaldo (Roy Lachica) nang taong 1901. Bagamat hindi pelikulang historikal, malinaw ang pag-decapitate nito sa historisidad hindi lamang ni Aguinaldo kundi pati na rin sa kaakuhan o identidad ng kolektibo at rebolusyonaryong katangian ng mga Pilipino. Maaaring nagtagumpay ang direktor sa pagbibigay ng bagong interpretasyon sa bahaging ito ng kasaysayan dala ng malinaw ang paggagap ng iskrip sa isyung tinalakay sa pelikula. Makikita dito ang pag-aabala ni Gallaga sa tema ng alyenasyon at ng pagtatago. Laging naroon ang walang katapusang paghahanap ng mga tauhan sa inbidwal na sarili, ang walang patid na paglalakbay sa personal na loob ng sarili at ang pagtiwalag sa sistema, lipunan at mundo. Maging si Heneral Aguinaldo ay nagawang likhain bilang isang tiwalag na katauhan at ang pagsasakatuparan ng kagampan sa metapisikal na mundo kung anuman ito ay doon lamang matatagpuan ang hindi pa rin mawawaang sarili. Sa proseso ng pagsasaliksik nina Chayong (Sarsi Emmanuelle), Alfonsito (Miguel Rodriguez) at Alipio (Abel Jurado) ng kanilang indibidwal na sarili ay nilamon ang kanilang katauhan ng sistemang kinakalaban o minimithi. Talunan ang mga tauhan dahil hindi nila nagawang gapiin ang istrukturang pangkamalayang pumipiit sa kanila. Sa isang pagtingin ay maaring sabihing hindi rin naman talunan sina Chayong. Sa esensya, ang unang pagtinging pagkatalo ay maari ring basahing pananagumpay laban sa mga pisikal, metapisikal, simbolikal at pangkamalayang istrukturang kanilang kinapipiitan.
Isinalarawan ni Peque Gallaga sa Virgin Forest ang pesonal niyang ideyolohiya sa buhay. Ang pelikula tulad ng anumang kutural na anyo ay hindi repleksyon lamang ng lipunan o ng lumilikha sa sining na ito. Ang pelikula bilang isang kultural na teksto ay hindi panananaw lamang sa ideyolohiya ng lumilikha nito. Higit sa lahat, ang pelikula bilang teksto ay produksiyon ng ideolohiya, ito ay pumapaloob sa tunggalian ng nga ugnayang sosyal na umiinog at nakakabit sa ugnayang pangkapangyarihan. Iginigiit ni Gallaga ang unibersal na kalagayan ng tao subalit dapat alalahaning ang dominanteng diskurso ng mga mananakop at makapangyarihan ang may pakana ng sinasabing unibersal na kalagayan ng tao. Ito'y kanilang isinisiksik sa ating kamalayan at sa proseso ay isinasantabi ang ispesipikong kalagayan ng mga mamamayan ng mga kolonisado, kabilang ang mga Pilipino. Ang unibersal na kalagayan ng tao ay inaapi, ang kanyang mapagpalayang kamalayan ay binubura, ang humuhulagpos nitong kaluluwa't puso ay iniaayon sa timbre ng puso't kaluluwang pangmananakop. Higit na angkop at makabuluhan ang paglikha ng lipunan lalo sa isang bansang tulad ng Pilipinas kung saan ang mga mamamayan ay kolektibo at hindi solitaryong naglalakbay tungo sa paghubog ng isang pambansang identidad. Magaganap ito hindi sa pagtatago, hindi sa pag-iwas sa lipunan, kundi sa aktibong pakikisangkot sa pagbubuwag ng dominanteng kulturang namamayani sa bansa.
Direksiyon: Peque Gallaga Dulang Pampelikula: Rosauro Q. dela Cruz Sinematograpiya: Conrado Baltazar Musika: Jaime Fabregas Editing: Jess Navarro Disenyo: Don Escudero Produksiyon: Regal Films Release Date: January 22, 1985 |
3:55 AM
VIRGIN FOREST was a historical pic but because of the title and the producer's whim, it was sold out as a bold film. The narrative flow was good, same with the technical craftmanship from the music, production design, and editing. However, Im not used to a Gallaga-Baltazar combo in cinematography.
4:15 AM
Virgin Forest still remains to be ome of Peque Gallaga's best films inspite of being over ambitious at times. It was shown at the MFC as one of those skin flicks but most moviegoers thought of it as "harang" since the movie lacked graphic sex scenes compared to Boatman and Isla. Months later Peque came back with a vengeance with Scorpio Nights.
Virgin Forest was very well crafted indeed... I thought the cinematography was able to capture the period effectively.
11:40 AM
Hi Jojo,
I think it's better than Oro, Plata, Mata...
Although the guys (the Kapampangans) in "bahag" early in the movie seem to belong to Mel Gibson's Apocalypto...
RSE
4:34 PM
Hello Ron!
I do believe that Virgin Forest is a much better film than Oro, Plata, Mata. It had the makings of a great film. Too bad it was marketed as a bold movie...
3:12 AM
ay hindi. OPM pa rin ako. Mas ambitious nga lang ang Virgin Forest at may kaunting historical connection pero mas tight sa akin yung conceit (read: extended metaphor) ng oro plata mata ng hagdan sa buhay ng mga negros rich na ito. May mga movie reference pa tulad ng GWTW. At paano mo matatalo kung ang frontal nudity ay si mitch valdez pa.
8:38 PM
Lav Diaz counts VIRGIN FOREST as Peque's best film. He says ORO PLATA MATA is too Hollywood. ORO is a tough act to follow and it was Gallaga's greatest contribution to Philippine Cinema if you ask me.
4:51 AM
hi frank!
gusto ko rin ang OPM dahil naiiba ang pagkakagawa ni Peque dito kaya lang higit na makabuluhan para sa akin ang mensaheng nais ipahatid ng Virgin Forest. siguro ang pagkakahalintulad sa mga pelikulang banyaga tulad ng Gone With The Wind ang isa sa mga problema ko sa OPM...
4:56 AM
hello ronald!
i do remember Direk Lav saying how much he loved Virgin Forest when we talked about Filipino films last year. tulad ko, di niya nagustuhan ang obvious Hollywood influences sa OPM but nevertheless, it's still one of Peque's best films. i just thought Virgin Forest was much better.
10:35 PM
papanu manood d2,,,pls help me
5:59 PM
Puwede mong bisitahin ang sari-saringsinengpinoy.tumblr.com para mapanood ang mga pelikulang nirebyu ko dito.