![]() |
| Bulaklak Sa City Jail |
Tunay na maihahanay ang Bulaklak Sa City Jail (Cherubim Films) sa mga pinakamahusay na pelikula ng taong 1984. Ang signipikong kontribusyon ng obra ni Mario O'Hara ay ang reyalistikong pagpapakita ng isang panlipunang kondisyon sa pamamagitan ng malalim at may kalawakang pagsasalarawan ng milyu. Hindi makakailang makailang beses nang binuko ni O'Hara ang katiwalian ng hustisya sa Bagong Hari (1986) gayundin ang pagpapanggap at pananamantala ng mga may koneksyon sa mataas na kinauukulan sa pelikulang Condemned (1984). Sinundan ng Bulaklak Sa City Jail ang pakikipagsapalaran ni Angela Aguilar (Nora Aunor), biktima ng kawalang hustisya mula sa pagpasok nito sa piitan hanggang sa kanyang pagtakas at panganganak sa loob ng Manila Zoo. Ang mga tagpo sa loob ng city jail ay isang tuwirang pagpapahayag ng di makataong pagtrato sa mga nakakulong dito. Ipinakita ni O'Hara ang kalupitan at karahasang dulot ng pamumuhay sa mabangis na lungsod. Inilantad ng pelikula ang masalimuot na katiwaliang nagaganap sa loob ng piitan at ang banggaan ng malalakas na puwersang namumuno dito. Mapangahas nitong tinalakay kung paano inaabuso ni Koboy (Tom Olivar), ang kanyang posisyon bilang pulis sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan kay Barbi (Maya Valdez) upang pansamantalang mailabas ang mga kursunadang babae para sa pansariling interes, katumabas man nito'y buhay ng isang inosenteng tulad ni Patricia (Maritess Gutierrez) at kung paano nasusuhulan ang makapangyarihang pulis upang pagtakpan ang kanyang mga ilegal na gawain. Sa ganitong konteksto, itinatampok ng Bulaklak Sa City Jail ang doble karang mukha ng hustisya.
Itinanghal sa pelikula ang lawak at kapangyarihan ng aparatong ito ng lipunan. Ang kakayahan nitong itaguyod ang malinis na reputasyon ni Atty. Diaz (Cris Daluz), isang walang konsensyang pampublikong manananggol gaya ng ginawa niyang pakikipagpatintero kay Angela para aminin ang pagkakasala nito sa korte upang hindi na magtagal pa ang paglilitis sa kanyang kaso. Ang sensitibong paglikha ni Nora Aunor sa komplikasyon ng tauhang kanyang ginampanan ay bunga ng mga komplikasyong sosyal na likha ng kolektibong pagbangga sa malawakang kaapihang binubuhay ng lipunan na tumatatayong suhestiyon sa posibilidad ng pagtutuwid. Samantala, marubdob ang personal na layon ni Celia Rodriguez sa papel ni Lena sa paghamon sa di kumbensiyunal na depinisyon ng pagiging ina. Tunay na nakaaantig ang magiting at matatag na pagganap ni Gina Alajar bilang Juliet, isang estapadorang gagawin ang lahat para sa nag-iisang anak. Ang makatotohanang pagsasalarawan ni Maya Valdez ng bangis at tapang sa papel ni Barbi ay isang kapani-paniwalang pagganap at pagtatapat. Sa pangkalahatan, masasabing malinis na naihanay ng direktor ang magkakaugnay na tema ng pelikula na may mahalagang sinasabi tungkol sa sitwasyon ng hustisya sa lipunan. Epektibo ang isinagawa niyang pagpupunla ng mga pahiwatig tungo sa pagsisiswalat ng katiwalian sa loob ng piitan. Nagawa ng pelikulang lambungan ng misteryo ang daloy ng mga pangyayari upang sa huli'y maging mas epektibo ang pagtukoy sa mga tiwaling elemento ng hustisya. At habang nagiging kumplikado ang tunggalian, nahawakan ng pelikula ang pananabik ng manonood bunga ng maingat na editing, malikhaing sinematograpiya at ensemble na pagganap hanggang sa maipamalay sa wakas ng istorya na ang ordinaryong mamamayan ang siyang biktima ng mga mapagsamantalang elementong may hawak ng batas.
Direksiyon: Mario O'Hara
Dulang Pampelikula: Lualhati BautistaSinematograpiya: Johnny Araojo
Musika: Tony Aguilar
Editing: Efren Jarlego
Disenyo: Tony Aguilar
Produksiyon: Cherubim Films
Release Date: December 25, 1984
Para kay Mario O'Hara Abril 20, 1946 - Hunyo 26, 2012



2:04 AM
One of the outstanding outputs of Philippine Cinema in 1984. Nora is terrific, also the supporting cast from Celia, Gina Alajar, Perla Bautista, Zenaida Amador and most especially Maya Valdez.
3:39 AM
it's indeed one of the best films of 1984... i even think Bulaklak is better than Condemned.
3:55 AM
The jail sequences is so gritty and one for the books. I wish Mario O'Hara had expand more the retaliation of Nora against Maya Valdez.
3:58 AM
i think it was O'Hara's way of showing that even in jail one cannot escape the city's brutality and all the inmates were squeezed inside their respective jail cells like squatters... you really love that confrontation scene between Nora and Maya... it maybe short but still exciting to watch.
4:11 AM
I want to see behind the scenes of this movie, how the cast acted behind the cameras and their rapport to each other.
4:16 AM
that would be just great... i wonder how O'Hara managed to shoot most of the scenes with all the characters interacting with each other without one trying to overshadow the other...
4:32 AM
The jail sequences are so realistic, a matter of survival if one can stand the stench and atmosphere inside. Is this one of Nora's favorite films, Jo?
4:48 AM
totally agree with you on that observation... it's not in her top favorites but i guess if she would be asked to name five more then Bulaklak will definitely be among the films she would choose.
5:04 AM
I bet her top movies will include TATLONG TAONG WALANG DIYOS, HIMALA and BONA.
4:16 PM
you're absolutely right! but she also loved Bakit Bughaw ang Langit, Ina Ka Ng Anak Mo, 'Merika & Bilangin Ang Bituin Sa Langit
4:29 AM
One of the greatest Aunor-O'Hara collaboration. Its ensemble acting remains unparalleled, walang katulad hanggang ngayon!
4:56 AM
It's my most favorite O'Hara film, Brod Myke... Bulaklak Sa City Jail is a showcase of great ensemble acting, a well structured screenplay and solid direction.
8:29 AM
In my opinion, this is his best. Better than Tatlong Taong Walang Diyos.
8:44 AM
I couldn't agree more Ron... Bulaklak is arguably Mario O'Hara's best film.
11:33 AM
Only Nora Aunor could elevate herself from this great ensemble. This movie has many emotional elements; compassion, anger, melancholia, mania, despair, and hope.
12:44 PM
Nora's performance in this film shows her generosity as an actress. She was part of an ensemble and delivered more than what was required by her role. I remember Celia Rodriguez's speech when she accepted her Famas Best Supporting Actress trophy, "Nakakahawa ang galing ng mga artistang kasama ko sa pelikulang ito..."
11:59 AM
Thanks for sharing that Jojo!
12:05 PM
Walang anuman Dennis!