Pagpasok Sa Teritoryo Ni JAGUAR



Ang paglikaw-sipat ng kamera ni Conrado Baltazar sa aktuwal na lugar ng Tondo ay pagsipat din sa buhay ng mga tauhang inilalantad ng naratibo. Pugad ng kahirapan ang looban na higit pang pinalubha ng pagsakop ng basura sa kinasanayang teritoryong tinatapakan ng tao. Nagsisikap mabuhay sa masikip na lugar ang mga tauhan sa pangnguna ni Poldo Miranda (Phillip Salvador) at ang mga karakter na naugnay sa kanya. Tila siruhanong inilalantad ng sinematograpiya ang reyalidad ng kanyang kundisyon, walang kurap na tinitistis nito ang gangrenosong mga ugat at laman ng kanyang personal at panlipunang ugnayan. Malinaw ang alusyon sa naunang Insiang (1976), hindi lamang sa balangkas ng pelikula kundi pati sa sityo ng pagdurusang panlipunan. Dito sa Jaguar (Bancom Audiovison Corporation), tumindi pa ang kalagayan ng kadahupan dahil sa paglukob ng tumataas na bundok ng basura sa batayang pamumuhay ng lahat. Lumulutang at lumulubog sila sa basura na walang maaasahang malinis na kinabukasan. Ang pagsisikap ng mga protagonistang makaahon sa literal at abstraktong basurang impiyerno ay dramatikong naitanghal sa mala-sosyorealistang estilo.

Ang produksiyon ng espasyo sa Jaguar ay sabay na naglalarawan ng milyu at sikolohikong kondisyon. Transgresibo ang proyektong ito sa loob ng namamayaning pagbalorisa ng pangkorporasyong layunin ng industriya ng pelikunang Pilipino sa mga romansang burgis na sadyang nagsasalaylayan sa mga malawakang panlipunang reyalidad. Mapapansin ito sa mismong pagtuon ng Jaguar sa natatanging representasyon ng isang limot na komunidad. Lumubog ang sinematograpiya sa materyal na nais maitanghal ng pelikula. Hinuhuli ng mata ng kamera ang ritmo ng buhay sa looban. May mga eksenang nagpapakita ng herarkikal at nahahati-sa-uring kondisyon ng lipunan hindi sa lantad at didaktikong paraan kundi sa tila-simpleng presentasyong biswal lamang. Halimbawa ang kuha ng paglalakad nina Sonny (Menggie Cobbarubias) at Direk (Johnny Delgado) sa matubig na iskinita papunta kina Poldo. Nasa unang antas ng kuwadro ang magagarang kasuotan at sapatos ng mga ito, nasa ikalawang antas naman ang kaligiran ng masikip at makipot na daan patungo sa higit na nagsisiksikang looban. Ang neutral na pagkakaiba ay nagkakaroon ng dimensiyong pangkultura at pampolitika sa gitna ng kaayusang likha ng tao na nagsusulong ng paggamit ng kapangyarihan para sa opresyon ng kapwa. Kasama ang anggulo ng kamera sa pagbubunyag ng ontolohiya ng lugar. Madalas na ang puwesto nito ay halos nasa ibabaw lamang at tinatanaw ang primal na tagpuan ng aksiyon, ang tahanan nina Poldo na isa lamang sa mahabang hilera ng mga bahay ng naghihikahos. Maihahambing ito sa ibong lumilipad para malapitang tingnan ang mga lihim sa kabila ng mga dingding at silid. Ang hidwaang sanhi ng unti-unting pagbabago ni Poldo ay naitanghal ng kamerang sumisilip sa kisame. Ang pagsasaayos ng espasyo-panahon sa takbo ng naratibo ay mainam na naisasagawa lalo na sa maiigting na eksena. Marungis ang disenyong biswal sa pelikula dulot na rin ng kahingian ng materyal. Malikhaing natimpla ito ng produksiyon at nalikha ang loobang bagama’t may malaking kahinaan sa pagbuo ng makatwirang delinasyon ng katauhan ni Cristy Montes (Amy Austria), ay nakapaglatag pa rin ng obrang sumasalungat sa higit na palsong pananaw sa daigdig ng burgis na pelikulang namamayagpag sa mga sinehan ng ating panahon.



Direksiyon: Lino Brocka
Dulang Pampelikula: Jose F. Lacaba At Ricardo Lee
Sinematograpiya: Conrado Baltazar
Musika: The Vanishing Tribe
Editing: Rene Tala
Disenyo: Bobby Bautista
Produksiyon: Bancom Audiovision Corporation
Release Date: August 31, 1979

14 Response to "Pagpasok Sa Teritoryo Ni JAGUAR"

  1. Ronald says:
    1:54 AM

    Jojo finally the review of JAGUAR. The scene where Philip runs away from the club was so great...Brocka captured immensely the film-noir experience! Baltazar's gritty cinematography is another major effort in this film.

  2. Jojo Devera says:
    5:35 AM

    Baltazar's immense camerawork is the hallmark of this Brocka masterpiece. the scene where Phillip is being chased by the cops at the garbage dump during the SONA sequence is a must see for future cinematographers.

  3. Ronald says:
    3:44 AM

    Conrado Baltazar always create a masterpiece work in every Brocka movie. What was his last film, Jo?

  4. Jojo Devera says:
    3:53 AM

    Brocka's films in the mid 70's and early 80's was mostly photographed by Baltazar. when he stopped using him in the late 80's up to the 90's his movies lost that certain look. Peque Gallaga used Conrado Baltzar in 1985 for Virgin Forest and he photographed Marilou Diaz-Abaya's Sensual in 1986. not quite sure what his last film was...

  5. Ronald says:
    4:05 AM

    Pete Lacaba penned JAGUAR. Was KAPIT SA PATALIM & SISTER STELLA L formed a trilogy of his politically-themed films?

  6. Jojo Devera says:
    4:11 AM

    Lacaba wrote Jaguar with Ricky Lee. i think Kapit, Stella L and Orapronobis would be his political trilogy although none of them are really connected with each other.

  7. Dennis says:
    8:51 AM

    I saw this film last night again on cable. I believed this is one of Philip Salvador's finest moment during his time Jojo. Menggie Cobbarubias who play Sonny is so good in the movie. I remember him too in Mga Uod At Rosas as one of Johnny Delgado's buddies.

    Gusto ko rin ang ideyang kinuha ni Ricky Lee ang characters na Poldo at Cristy at gawing katauhan na si Levi (Christopher De Leon)at Rachel (Dina Bonnevie) sa Gumapang Ka Sa Lusak. Naging standalone film ang Gumapang kahit galing pa ito Jaguar.

  8. Jojo Devera says:
    6:05 PM

    Mahusay talaga si Phillip Salvador sa movie and the movie as whole is outstanding. Lino Brocka won the Urian Award for Best Director in 1979 for this film but refused the award when Phillip wasn't nominated as Best Actor and Amy Austria was relegated in the Supporting Actress category.

    Siguro nga may pagkakahawig sila sa Gumapang Ka Sa Lusak but Poldo and Christy are well defined characters, unfortunately I couldn't say the same for Christopher and Dina...

  9. Dennis says:
    2:22 AM

    I don't know the other films and actors nominated that time but Lino, Philip, Amy and the movie itself deserved to win. Kitang-kita sa mukha ni Philip ang pagka-haggard.

  10. Jojo Devera says:
    3:13 AM

    Pinagod talaga siya ni Lino (hint... hint) kaya mas effective ang performance niya. Have you seen the remake of Jaguar with Piolo and Alessandra playing the lead roles?

  11. Dennis says:
    12:31 PM

    I haven't seen Manila, 'yun 'yon 'di ba? I have no idea nga na that was culled from Jaguar. Kaya ba Philip ang name niya e dahil playing homage to Philip Salvador?

    Kahit maraming pumupuri kay Piolo sa akting, hindi ko ma-appreciate. In short, hindi ako nanonood ng movies o show niya hehe... I will check Manila (as exception) when i have the chance since Jaguar 'remake' pala 'yon.

  12. Jojo Devera says:
    2:24 PM

    Manila was the fllm pero two episodes yon. The first one was a remake of Bernal's Manila By Night and the second was Jaguar. Isa sa mga hindi ko nagustuhan yung fact na ginamit nila ang pangalan ng mga artista instead of the characters. Nakaka-asiwang pakinggan na Phillip at Amy ang names nia Piolo at Alessandra sa pelikula. Ang feeling ko nagpapaka-Boyet de Leon si Piolo kaya siguro hindi ko magustuhan. He doesn't possess any of his boyish charms and acting talent lalo nung nagsisimula pa lang siya...

  13. Dennis says:
    6:12 AM

    Hence the tribute dahil gawa mismo nina Lino Brocka at Ishmael Bernal ang twinbill. Si William pala ang pinortray niya sa Araw episode, yung drug addict. Oo nga, nakakadistract ang ginamit na names, ang naiisip mo tuloy agad e 'yung mismong artistang gumanap sa original. Lalong nireremind sa audience ang original actors which are excellent.

    Is Manila a good tribute at all, Jojo?

  14. Jojo Devera says:
    9:00 PM

    Manila had its moments. The best thing about Raya Martin's episode is that he took Manila By Night's premise and made it his own unlike Adolf Alix's Jaguar where the ending was butchered by having Piolo's character killed by the cops...