Katulong... Kasambahay... ATSAY

Atsay
Nakabigkis sa isang ironiya ang pangunahing tunggalian ng pelikulang Atsay (IAN Film Productions). Kailangang maghanapbuhay si Nelia (Nora Aunor) sa siyudad upang tulungang buhayin at itaguyod ang sariling pamilya, dala ng matinding kahirapan. Sa huli, kakailanganin niyang mamili bilang biktima ng karahasan sa siyudad at bilang babae. Nasa paglalahad ng dramatikong tensiyon at paggalugad sa mga konteksto ng bubuuing pasiya ang kabuluhan ng pelikula. Atsay na maituturing si Nelia dahilan sa wala itong ibang abilidad, tanging ang paninilbihan lamang bilang katulong ang maari niyang gawin. Namasukan si Nelia kina Mrs. Anton (Angie Ferro) at doon ay dinanas nito ang labis na kahirapan at ang di makataong pagtrato sa kapwa. Iigiting ang takbo ng kuwento sa paglipat ni Nelia sa bakuran nina Mrs. Tulio (Armida Siguion Reyna). Bunga nito, papayag siyang gamitin ng among lalaki (Renato Robles) ang kanyang pagkababae. Bagaman maayos ng bahagya ang pagtrato kay Nelia, hindi pa rin magiging madali para sa kanya ang bagong sitwasyon. Bukod sa pagtupad sa mga responsibilidad sa pamilyang pinaglilingkuran, kailangan niyang hatiin ang sarili sa pagitan ng mag-asawa at pamilya sa lalawigang nag-aagawan sa kanyang atensiyon. Masasaksihan din niya ang hirap ng paninimbang sa pinagsisilbihang pamilya. Pinatitingkad ng pelikula ang mga katangian ng melodrama na makikita sa ilang ipinamalas nitong kumbensiyon. Pangunahin sa mga katangiang ito ang pagtatampok sa katauhan ni Nelia na tigib ng hirap at pighati sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa pagtupad sa mga tungkuling iniatang ng lipunan sa babae. Bilang anak, kailangan niyang tiisin ang pangungulila sa sariling pamilya habang naninilbihan sa ibang pamilya. Bilang atsay, kailangan naman niyang hatiin ang hapong katawan sa samot-saring gawain ng pagiging katulong sa bahay, at balikatin ang iba pang domestikong pasanin ng pinagsisilbihang pamilya.

Ngunit binibigo rin ang karaniwang ekspektasyon sa isang pelikulang melodrama. Isa pa, maingat na binuo ang karakter ng mga tauhan kaya naman kumikilos sila hindi ayon sa paghuwad sa mga gasgas na karakterisasyon kundi ayon sa maingat at talinong paghimay sa iba't ibang tensiyong kinakaharap ng mga tauhan. Mahusay at matalinong nagampanan ni Nora Aunor ang pagsasalarawang may kakayahang umarok at umunawa, mag-isip at dumama, magpasiya at kumilos tungkol sa iba't ibang hamon ng kanyang mundo, pati ng samot-saring komplikasyon ng malawak na reyalidad ng mga taong nakapaligid sa kanya. Sa pagsapit ng kasukdulan ng naratibo, may magandang alok na dudulog kay Nelia, ang pagkakataong magmahal at mabuhay sa piling ni Pol (Ronald Corveau). Ngunit mangangahulugan ito ng pagbibigay ng pag-asa. Kung maghahandog lamang ng ideyalistang pagtatapos ay madaling hulaan ang mga posibilidad para wakasan ang pelikula. Bibigyan ni Nelia ng pagkakataon ang sariling madama ang tunay na kaligayahan sa piling ni Pol. Sa pagtatampok sa proseso ng pagpapasiya ni Nelia, naipamamalas kung paanong ang melodrama ay nagagamit sa paglalarawan ng damdamin, ligalig at iba pang aspetong personal, at kung paanong sa pagsasadula ng mga dinaranas na mga agam-agam at pighati ay mapatingkad ang pakikibaka ng mga tauhan sa mga institusyon at estrukturang panlipunan. Hindi lamang ang paluhain ang manonood ang pakay ng pelikulang Atsay kung gayon. Nagpapahiwatig din ito ng bagong kabatiran tungkol sa pagkatao at lipunan, at ng posibilidad sa paghuhunos ng anyo ng melodrama ng sineng Pilipino.



Direksiyon: Eddie Garcia
Dulang Pampelikula: Edgardo M. Reyes
Sinematograpiya: Romeo Vitug
Musika: George Canseco
Editing: Jose H. Tarnate
Produksiyon: IAN Film Productions
Release Date: December 25, 1978

Tampok ang ATSAY sa Overlooked Films / Underrated Filmmakers Series ng SOFIA ngayong Sabado, ika-10 ng Setyembre sa Tanghalang Manuel Conde ng Cultural Center of the Philippines...

18 Response to "Katulong... Kasambahay... ATSAY"

  1. Ronald says:
    6:06 AM

    I haven't seen this one but Eddie Garcia always include it on his lists of favorite films that he made.

  2. Jojo Devera says:
    6:14 AM

    you haven't seen Atsay? it's Eddie Garcia's best film and you're right one of his favorites as well. the best thing about the movie other than Nora's performance and Garcis's direction is Romy Vitug's cinematography. the opening burial sequence is one of the best scenes in the movie.

  3. Ronald says:
    6:20 AM

    The only Eddie Garcia film that I saw is the sex-thriller KUNG KASALANAN MAN, jo. Is Eddie better filmmaker than Lamangan?

  4. Jojo Devera says:
    6:28 AM

    you definitely should add Atsay to your must watch list. Eddie is definitely a better filmmaker than Lamangan if given a good script. he made a string of films for Viva in the 80's but sad to say nothing can surpass his work in Atsay... not even Saan Nagtatago Ang Pag-Ibig? which was his best Viva film.

  5. Ronald says:
    6:32 AM

    I'll try to catch it on Cinema One. Was he the one who made IMORTAL?

  6. Jojo Devera says:
    6:38 AM

    Cinema One does show it from time to time... it's also available on VCD but they trimmed the movie from its original 2hr 35min running time to fit it onto two VCD's. yeah he also directed Imortal.

  7. Ronald says:
    6:41 AM

    IMORTAL is so bad. Too bad Eddie Garcia is underrated.

  8. Jojo Devera says:
    6:51 AM

    i've always seen Imortal as a rehash of Bilangin Ang Bituin Sa Langit. he's underrated as a director but way too overrated as an actor although he gave some of the most memorable performances in Philippine Cinema. he defied convention by playing a closeted gay man in Tubog Sa Ginto and a caricature of it in Star? Eddie is an instinctive filmamker. this was evident in most of the movies he directed for Viva. the problem was his choice of material.

  9. Ronald says:
    6:54 AM

    Was his early features at Viva at par with Laurice Guillen's KUNG MAHAWI MAN ANG ULAP? His role as the filmmaker in Bernal's PAGDATING SA DULO is so memorable and hilarious.

  10. Jojo Devera says:
    7:00 AM

    unfortunately none of his komiks based melodramas were on par with Kung Mahawi Man Ang Ulap. i think his role in Pagdating Sa Dulo mirrors the work he did in Atsay by not compromising his art.

  11. ronald says:
    11:29 AM

    Hi Jojo,

    I must say that this is a good film. The only thing is Nora's wig is so obvious and big it distracted me.

    Regards,
    RSE

  12. Dennis says:
    12:22 PM

    Atsay (the complete version) must be seen by all film enthusiasts Jojo.

  13. Jojo Devera says:
    6:10 AM

    Hi Ron!

    I do belive Atsay is a very good film and probably Eddie Garcia's best. I was lucky to have seen this in the theaters during the 1978 MMFF at the height of the Nora-Vilma rivalry. Her wig didn't bother me as much here as it did in Tatlong Taong Walang Diyos...

  14. Jojo Devera says:
    6:11 AM

    I hope it was the version screened yesterday at the CCP, Dennis...

  15. Dennis says:
    1:08 PM

    I've read the comments in Facebook Jojo, they used the vcd format. Too bad.

  16. Jojo Devera says:
    2:12 PM

    I read it as well Dennis... Konti rin daw ang dumating na Noranians sa screening. Sana hiniram nila ang copy from the ABS-CBN Film Archives dahil they have the 2 hour 32 minute version na meron din ako. Sayang dahil this was the first Nora Aunor starrer featured by SOFIA although hindi naman overlooked film ang Atsay at lalong hindi underrated filmmaker si Eddie Garcia...

  17. Dennis says:
    3:36 AM

    Hopefully, there will be a bigger turnout of attendance, not necessarily only Noranians but just plain viewers. I don't think ipapahiram ng ABS ang copy nila haha. I'm hoping there will be another Nora Aunor Film Retrospcective by SOFIA in the future.

  18. Jojo Devera says:
    6:19 AM

    Ipapahiram naman nila since they're also part of SOFIA... Sayang dahil I would've lent my copy to the screening kaya lang wala nang time nung malaman kong VCD copy ang ipapalabas. I wanted the first Nora Aunor SOFIA screening to be an event. Nanghihinyang lang ako.