Bihira ang mga pelikulang tutugis sa kaisipan ng mga manonood. Masasabing isa ang Soltero (Experimental Cinema Of The Philippines, 1984) sa mga sineng intelektuwal na nagbigay buhay sa mga tauhang pinagdaraanan din ang mga karanasan nating nanonood ng pelikulang Pilipino. Tinalakay dito ang buhay ni Crispin Rodriguez (Jay Ilagan), isang Assistant Bank Manager at ang kanyang pagharap sa pang araw-araw na suliranin at pakikibaka sa patuloy na pag-unlad ng kapaligirang kanyang ginagalawan. Mula sa isang konserbatibong pamilya si Crispin. Guro ang kanyang ina (Irma Potenciano) samantalang ang panaganay nitong kapatid na si Joey (Cris Vertido) ay naninirahan sa Canada. Ang kanyang kapatid na babaeng si Nene (Baby Delgado) at ang may kapansanang anak na si Bimbo (Alvin Enriquez) ay kasamang naninirahan ng kanilang ina sa kinalakihang tahanan. Malaking bahagi ng buhay ni Crispin ang kanyang barkadang sina Bong (Terri Legarda), ang sekretarya ng Pangulo sa bangkong kanilang pinapasukan, si Teddy (Dick Israel) at Edwin (Bing Davao) , isang arkitekto. Madalas silang lumalabas at nanonood ng mga pagtatanghal sa entablado o di kaya'y ng mga pelikula sa Manila Film Center. Hindi makawala si Crispin sa pag-ibig nito kay Christina (Rio Locsin), ang dating kasintahang umiwan sa kanya. Madalas pa rin niya itong binibisita sa tinitigilang apartment. Buong akala ni Crispin ay mapapasakamay niya ang inaasam na promosyon sa opisina bilang Bank Manager ngunit napagdesisyunang ibigay ito ng pamunuan kay RJ Juan (Chanda Romero), anak ng kaibigang Ministro sa Gobyernong nag-aral sa Amerika. Mag-isang inalagaan ni Crispin ang ina nang magkasakit hanggang sa bawian ito ng buhay. Sumailalim sa isang malalim na depresyon si Crispin at isa si RJ sa nagbigay ng panibagong pag-asa sa kanya. Unti-unting nahulog ang loob ng binata sa dalaga. Nang minsang ipagtapat ni Crispin ang kanyang damdamin ay ipinamukha ni RJ ang tunay nitong pagkatao. Muling nabigo ang binata sa pag-ibig. Isang gabi ay naisipan ni Crispin na tapusin ang lahat ng kanyang paghihirap, ngunit nabigo ang kayang pagtatangka sa dahilang natakot din ang binata sa maaring kahinatnan ng binabalak. Sa huli ay natanggap din ni Crispin na tuloy pa rin ang pagtakbo ng buhay kahit siya ay nag-iisa. Ayon sa pagkakaganap ay isinabalikat ni Jay Ilagan sa Soltero ang buong bigat ng pasaning nakapaloob sa pelikula nang hindi nagpapahiwatig ng kabagutan, kundi ng isang kahirapan lamang sa uri ng pagganap na kumikilos, nag-iisip at malalim na umuunawa sa karanasan at nagnanais na hindi lamang basta ilipat ang dalahin kundi ibahagi ito bilang aspeto ng kolektibong kamalayan. Tunay namang nakaantig ang magiting at matatag na pagganap ni Chanda Romero bilang RJ at makabagbag kaluluwa naman ang paglalantad ni Rio Locsin sa papel ni Christina. Mapangumbinsi rin ang suportang ipinamalas nina Terri Legarda, Dick Israel, Bing Davao at Irma Potenciano. Kapuri-puri at katangi-tangi ang aspeto ng paglikha sa Soltero. Mula sa galaw ng mga biswal at paggamit ng tunog ay naisalarawan ang nagbabagong kultura ng mga tauhan. Mahalaga ang pahayag ng pelikula ukol sa tema ng pag-iisa. Nagawa ng Soltero na lambungan ng misteryo ang daloy na mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan. Epektibo ang isinagawa ng direktor na si Pio de Castro III sa pagpupunla ng mga pahiwatig tungo sa pagsisiwalat ng katotohanan. Habang nagiging kumplikado ang mga suliraning inihain sa pelikula ay nahawakan nito ang pananabik ng manonood hanggang sa maipamalay sa wakas ng istorya ang tunay na patutunguhan ni Crispin bilang pangunahing tauhan ng kasaysayan. Direksiyon: Pio de Castro III Dulang Pampelikula: Bienvenido M. Noriega, Jr. Sinematograpiya: Clodualdo Austria Musika: Sonny Angeles Editing: Edgardo Jarlego Disenyong Pamproduksiyon: Cesar R. Jose Prodyuser: Experimental Cinema Of The Philippines


Is this movie available on DVD? Do you know where I can get a copy? Thanks.
Toto said...
9:54 AM
sorry toto... Soltero is not availavle in any format. there probably isn't any place where you can obtain a copy. although you can watch it on cinema one.
Jojo Devera said...
10:25 AM
I’ve downloaded this from ABS-CBN Now subscription-based site.
It’s an excellent film. A great portrait of man’s loneliness captured on film.
Jay Ilagan is excellent here. It’s deliberately paced but it’s never boring. I highly recommend this.
rse said...
10:33 AM
jojo -- you seem to have clear movieclips, may kopya ka ata eh. hehehe. i taped this from cinema one, kayang crappy ang kulay. thanks for giving attention to this film. i still maintain that this is one of the best films ever made in pinas and a bit ahead of its time (relative to the films of its time) in terms of story and storytelling. it was nothing much, just an exposition of a burgis angst - pero damang dama ang sincerity ng pelikula. the dramatic moments are real drama, always on the verge of being melodrama but the underacting of the players pull the scenes back from being hysterical. chanda's monologue of "kailangang baliktarin ko ang utak ko" should be required viewing for all new actors (at par with robin williams monologue in good will hunting). although i find jay's speech at the end a bit overdone and radio-ic, it distills the soltero's angst and pains.
thanks, again jo.
beektur said...
10:46 AM
Soltero is truly one of 1984's most underrated films. Jay Ilagan was overlooked by most award giving bodies instead he gained attention for his showy performance in Sister Stella L. Chanda Romero was just perfect for her role and you'll beleive that he was indeed someone who studied at Stamford University. the way she carried herself and delivered her lines is an epitome of great acting. Rio Locsin proved that the brilliance she showed in Haplos was no fluke. Here, she embodies her role like a lost soul, in constant search of love and happiness and don't forget the able support by Terrie Legarda, Dick Israel and Bing Davao. Soltero was way ahead of it's time. i'm glad that like me, you all loved this film... a small, intellectual film intended for the thinking moviegoer.
Jojo Devera said...
2:42 PM
This film is one of a kind. Agree with all the hype and accolades, all the cast were superb! Very real, underrated and true to the perception that only time will tell whether a film is a classic or a crap. And this is a classic film.
Jay Ilagan has more to offer, has depth and range as an actor, he's even better sometimes than Boyet de Leon.
Jo, why it that the late Pio de Castro only did two films?
Ronald said...
4:06 AM
i think Jay Ilagan is far better than Christopher de Leon. the latter had more of a leading man status while the former can be both leading man and character actor. i think the reason why Pio de Castro didn't make more movies was due to the lack of commercial appeal in his films. Ina, Kasusuklaman Ba Kita? was based from a komiks novel but was still a bit too high strung for mainstream audiences.
Jojo Devera said...
3:40 AM
There are so many great moments in this film, aside from what beektur mentioned like the monologue of Chanda, the one with Rio Locsin showing her resentment to Jay as she still longs for love is also one for the books. "sobra kang magmahal Crispin....nalulunod ako sa sobrang pagmamahal mo...."
Here are two people both dumped by their loved ones and seeking everyone's happiness and contentment in life. That scene is very touching and moving!
Ronald said...
9:24 PM