Itinatanghal sa T-Bird At Ako (Film Ventures, Inc.,1982) ang kasiya-siyang kuwentong tumalakay sa diskurso ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang babae. Ang pagsasalarawan ng domestikong suliranin ng isang lesbiyana at ang di inaasahang pagkamulat ay nagpakita ng ganap na detalye ng kasangkapan upang makawala sa pagkalitong bumabalot sa kanyangidentidad. Mahusay ang direksiyon ni Danny Zialcita sa pelikula. Hindi rin maikakailang nanghihiram ang direktor ng mga piling tagpo mula sa mga sineng banyaga ngunit ang bawat tagpo sa T-Bird At Ako ay nagbigay daan para maisulong ang naratibo. Isinapelikula ang kompleksidad ng relasyong namumuo sa dalawang pangunahing tauhan sa pamamagitan ng bihasang direktoryal na pagmamaniobrang nagpapatuloy sa tensiyon ng nagbabanggaang mga ideolohiya.
Humahantong ang resolusyon ng pelikula sa antas ng pantasya nang mapilitang magkasundo ang mga magkakatunggali. Sa pagtatapos ay bumalik si Aunor sa tunay na esensya ng kanyang pagkababae. Nagmula ito sa matagumpay na babaeng nagpasimula sa pagtagumpay ng mga tradisyonal na pagpapahalagang pang-kababaihan. Pinatitingkad ang T-Bird At Ako ng maingat na pagbuo sa mga karakter ng mga tauhan . Higit na epektibo si Nora Aunor sa papel ng lesbiyanang si Sylvia Salazar, sa pagpapahayag ng komplikasyon sa tauhang kanyang ginagampanan. Lubhang nakakapagod ang pagganap ni Vilma Santos bilang Isabel. Hindi makaramdam ng simpatiya ang manonood sa kanya dahil karton ang kanyang karakter. Samantala magiting ang suportang ipinamalas ni Tommy Abuel sa papel ni Jake, ang matiyagang manliligaw ni Sylvia, gayundin sina Dindo Fernando bilang Dante at Suzanne Gonzales bilang Babette. Sa maikling paggnap ay natatatangi sina Anita Linda at Odette Khan. Masinop ang mga elemento ng pelikula sa T-Bird At Ako, maliksi ang galaw ng mga biswal at masigla ang paggamit ng tunog upang mabisang mailarawan ang mundong ginagalawan ng mga tauhan nito.
Direksiyon: Danny L. Zialcita
Dulang Pampelikula: Portia Ilagan
Sinematograpiya: Felizardo Bailen
Musika: Butch Monserrat
Editing: Enrique Jarlego, Sr.
Produksiyon: Film Ventures, Inc.
Magkakaroon ng Vidotheque Screening ang T-Bird At Ako sa UP Film Center, Setyembre 15 ika-lima ng hapon.



1:31 PM
hi jojo! i hope you'll review more danny zialcita films,particularly NAGALIT ANG BUWAN SA HABA NG GABI. and more sarsi emmanuelle films also please,sana next na ang BOMBA QUEEN. and hope to hear from you regarding my requests. thanks!
4:16 AM
hi dexter!
sige i'll try to write about other zialcita films. regarding your request give me a little time... naging busy kasi ako lately. i'll send you an e-mail explaining why. thanks a lot!
9:32 PM
saang anggulo ko man tingnan, ito'y pelikula ni nora. ito'y isang behikulo na tumalakay sa lesbiyanismo at si vilma ay lumabas lamang na supporting kay nora. pang alma moreno o kaya ay lorna tolentino ang papel ni vilma pero tingin ko ay si vilma ang pinili upang maging kaakit-akit sa publiko at palabasing cute dahil "nora at vilma ito kaya panoorin nyo". mahusay si nora at ang direksiyon. puna ko lamang na mas challenging ang papel ni nora kaysa kay vilma dahil itong sa huli ay malapit sa mga dati na niyang nagampanang mga papel noon.
12:04 PM
Vilma wouldn't have done the movie kung hindi siya nakipagpustahan kay Danny Zialcita. sinabi ni Direk sa kanya that she's a shoe in for winning the Best Actress Award at the 1981 MMFF for Karma what Vilma promised is that she'll agree to co-star in T-Bird if she does win. sa palagay kasi ni Vilma, si Charo Santos ang mananalo for Kisapmata but she was the one who went home with the award kaya wala siyang lusot kundi tuparin ang promise niya kay Danny and the end result was T-Bird At Ako.
3:52 PM
hi jojo,
bata pa ako,fan na ako ni direk danny at halos lahat ng pelikula niya ay napanood ko na.pero ni minsan hindi ko pa siya nakita kahit sa picture man lang.sana next time na nagsulat ka about his films,lagyan mo na rin ng picture niya.wala na ba siyang balak gumawa ng pelikula?at ano na balita sa kanya?Thanks jojo.
5:49 PM
Hi Tina!
I cannot believe you haven't seen how Danny Zialcita looked like. Whenever Vilma Santos, Sharon Cuneta or even Nora Aunor gets interviewed on the set of his films, talk shows like See True and Scoop would show footage of him directing the aforementioned actresses in a scene. As far as I know he succumbed to drugs in the early 90's...
12:09 AM
hi jojo!
san ko po ba pwedeng panooring tong movie nato? naghahanap kasi ako kung san ko pwedeng i-download kaya lang sa sobrang luma na ng palabas, wala nakong mapagkuhanan. natutuwa kasi ako sa mga sagutan nila nora at vilma na napanood ko sa isang clip ng movie nato sa youtube. maraming salamat!