Maakit Sa Alindog Ni ISLA


Ang Isla (Viva Films, 1985) ay isang pelikulang may mahalagang mensaheng nais ipahatid sa mga manonood ukol sa pangkatauhang kundisyon sa situwasyon ng bansa nang nakaraan at sa kasalukuyan. Si Isla (Maria Isabel Lopez) ay isang dalagang taga baryo na mayroong masidhing pagnanasang makaalis sa pulo. Lingid sa kaalaman ng kanyang Lola Gare (Angie Ferro) minomolestiya ito ni Lolo Kadyo (Joseph de Cordova) haang tinuturuan siya ng leksiyon kung paanong nilupig ng mga Kastila ang mga Pilipino. Sa labis nitong pagkamuhi sa matanda ay pinangarap ni Isla ang makatakas sa pulo sa tulong ni Mang Aldo (Paquito Diaz), isang may katungkulan sa pamahalaan, ang simbahan sa katauhan ni Father Mike (Gil de Leon), ang miltar na si Hepe (Vic Diaz) at kay Sonny (Joel Torre) isang rebelde. Ipinagkaloob ni Isla ang kanyang katawan sa mga nabanggit na lalaki maliban sa pari, ngunit isa man sa kanila ay hindi nakapagpalaya dito. Sa puntong ito nais ipakita ng direktor si Isla bilang simbulo ng Inang Bayan.


Dahil sa may mensaheng nais ihatid ang Isla ukol sa sitwasyong panlipunan ng bansa hindi ito tinahak ng pelikula bangkus ay itinuon nito ang pansin sa mahahabang tagpo ng pakikipagtalik. Ang puntong nais balangkasin ng dulang pampelikula ay higit na malalim ngunit ang binigyang pansin nito ay ang pagpapakita ng kahubdan ng pangunahing bituin, at ang pamamaraan ng pakikipagseks sa apat na lalaking ginamit ni Isla upang tumakas sa pulo. Samantalang ang mga eksena sa dagat ni Maria Isabel Lopez ay inulit-ulit nang walang dahilan kung saan napuno ang iskrin ng mga kuha ng suso at ari nito at ang detalyadong pagpapakita ng mga iba't-ibang paraan ng pakikipagtalik na nag-iwan ng kakibang panlasa sa mga manonood kahit matagal nang natapos ang puntong nais ipahiwatig ng naturang mga tagpo. Kung gayon, ano'ng uring pelikula ang Isla? Ito ba ay isang likha ng sining o pornograpo? Dahil sa karamihan ng mga eksena ay nakatuon sa walang saysay na pagpapakita ng hubad na katawan ni Maria Isabel Lopez ay sa pagsasalarawan ng kakaibang uri ng pakikipagseks, anumang nais ipahayag ni direktor Celso Ad Castillo sa mga manonood, maaring ihanay ang Isla bilang pornograpong nagbabalatkayong likha ng sining dahil may mahalagang mensaheng nais iparating ito kaakibat ang masinop na sinematograpiya at mahusay na pagganap.
Direksiyon: Celso Ad Castillo


Dulang Pampelikula: Jose Javier Reyes at Celso Ad Castillo
Sinematograpiya: Romeo Vitug
Musika: George Canseco
Editing: Augusto Salvador
Disenyo: Dennis Cid
Produksiyon: Viva Films

8 Response to "Maakit Sa Alindog Ni ISLA"

  1. onat Says:
    4:07 AM

    Its an art film masquerading as pornography. I didn't know that this was written by Joey Reyes and produced by Viva Films.

  2. Jojo Devera says:
    5:07 AM

    wasn't it surprising to know that Joey Reyes wrote this film? Viva jumped into the softcore bandwagon first, then Regal followed with Scorpio Nights

  3. onat Says:
    5:24 AM

    Jo this was shown at Manila Film center also, right? What was ECP's biggest hit when it comes to skin flicks?

  4. rse Says:
    10:45 AM

    This is my favorite of Celso Ads' movies. It's actually not as explicit and very tame for today's standard. Maria Isabel Lopez is just a stunner -- she's so hot!

  5. Jojo Devera says:
    6:17 PM

    hi onat!

    Isla was shown exclusively at the Manila Film Center. it was never released commercially unlike Scorpio Nights and Company Of women which was shown theatrically but with severe cuts and deletions. Scorpio was ECP's biggest hit followed closely by Isla.

  6. Jojo Devera says:
    6:19 PM

    hello Ronald!

    Isla was really the first of its kind. if i remember right it was in this movie where i first heard the tagalog word for f***ing. i wonder if Maria Isabel's daughter ever saw this film?

  7. dexter says:
    12:27 PM

    jojo,was this the only film of its kind done by viva films? if it was such a big hit,why didnt they do morefilms of this genre?

  8. Jojo Devera says:
    5:47 PM

    as far as i know Isla was the only movie Viva produced with ECP. they tried it again with Ad Castillo's Kailan Tama Ang Mali? but the Manila Film Center closed shop so they showed the film theatrically and was severely cut by the MTRCB