Iwasan: WHITE SLAVERY



Galing probinsiya ni Mrs. Antiporda (Tita de Villa)  kasama ang tatlong dalagang pinangakuan niya ng magandang hanapbuhay sa siyudad. Dala ng labis na kahirapan kaya pumayag ang kani-kaniyang pamilyang sumama ang kanilang mga anak upang makipagsapalaran sa lungsod. Dito umiikot ang kuwento ng White Slavery (Special People Productions, 1985). Namasukan bilang waitress sa isang restawran na pag-aari ni Estong (Renato del Prado) si Pinang (Emily Loren). May ilang kuwarto sa itaas ng restawran na nagsisilbing motel. Sumama pa-Maynila si Pinang para sundan ang nobyong si Rodel (Patrick de la Rosa), isang working student na nag-iipon ng panggastos sa kanilang pagpapakasal. Nang minsang mahuli si Pinang sa akto ng pakikipagtagpo kay Rodel, pinagsamantalahan ni Estong ang dalaga bilang babala . Hindi matanggap ni Pinang ang kalapastanganang kanyang sinapit. Samantala, isinama ni Mrs. Antiporda si Joy (Sarsi Emmanuelle) sa disco kung saan niya nakilala si Allan (Ricky Davao). Dinala nito si Joy sa motel kung saan sila nagtalik hanggang madiskubre niyang bugaw ni Mrs. Antipoda si Allan. Di naglaon, naging puta si Joy dahil sa labis na kagipitan. Kinamumuhian ni Lynette (Jaclyn Jose) ang sarili. Madalas siyang saktan at pagsamantalahan ni Bigote (Jimmy Santos). Pilit siyang binibigyan ng droga sa tuwing may kliyenteng interesado sa kanya. Nang mabuntis si Lynette, agad itong ipnalaglag ni Mrs. Antiporda na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Hindi masikmura nina Joy at Pinang ang mga pangyayari kaya't humingi sila ng tulong kay Rodel na nagsuplong sa maykapangyarihan. Nagsagawa ng raid ang pulisya sa casa at hinuli si Mrs/ Antiporda at ang kanyang mga kasamahan.

Payak ang materyal ng White Slavery. Maraming beses na itong nagamit sa  pelikula. Kung may bago mang ipinakita dito ay ang mahusay na pagdidirehe ni Lino Brocka sa kanyang mga aktor. Kinakitaan na ng galing sa pag-arte si Sarsi Emmanuelle sa mga pelikulang Boatman (1984) at Virgin Forest (1985), ngunit higit na lumutang dito ang aktres. Hindi na rin dapat kuwestiyunin pa ang tapang nito sa paghuhubad, ngunit ang pagkakaiba ni Sarsi sa ibang mga artistang tulad niya ay ang lalim at talino nito sa pagganap na sinabayan pa ng masusing paggabay ng kanyang direktor. Samantalang hindi nakatanggap kailanman ng papuri si Emily Loren sa mga papel na kanyang ginampanan, ngunit dito ay nakipagsabayan siya sa galing ng dalawang kasamang bituin. Ang tunay na nararapat bigyan ng kaukulang pansin sa White Slavery ay si Jaclyn Jose. Hindi akalain ninuman na matapos ilunsad sa Chikas (1984) ay nagawa pa nitong ibangon ang sarili at makagawa ng isang pelikulang aagaw sa atensiyon ng mga manonood. Sa pelikulang ito unang kinakitaan ng galing sa pagganap ang aktres. Dahil dito ay natamo ni Jaclyn ang kauna-unahan niyang nominasyon sa URIAN bilang Pangunahing Aktres sa pelikulang ito. Naging hantaran din ang paglalahad ni Lino Brocka sa karanasan ng mga dalagang naging biktima ng White Slavery. Ito marahil ang malaking kaibahan ng pelikula sa naunang mga sineng tumalakay sa halintulad na isyu ng ilegal na prostitusyon.

Direksiyon: Lino Brocka
Dulang Pampelikula: Rcicardo Lee
Sinematograpiya: Conrado Baltazar
Musika: Willy Yusi
Editing: George Jarlego
Disenyo: Joey Luna
Produksiyon: Special People Productions

6 Response to "Iwasan: WHITE SLAVERY"

  1. Anonymous Says:
    5:48 AM

    I didn't know White to be Brocka film. Tis funny though because I remember this title from my dad's stash of 'mature films' in Betamax format that we were forbidden to touch as kids.

    Do you know where I could obtain copies of this, sir? Thanks so much.

  2. dexter says:
    11:15 AM

    hello jojo! one lino brocka film i'm quite intrigued with is ANG MANANAYAW,can you tell us more about it? thanks.

  3. Jojo Devera says:
    3:29 PM

    unfortunately White Slavery is not availavle on video. your dad was lucky to have had a betamax copy.

  4. Jojo Devera says:
    3:30 PM

    hi dexter!

    i only have vague recollection of Mananayaw. i wasn't able to watch it in the theaters coz i was too young back then. i'm not quite sure if the movie was even released on video.

  5. dexter says:
    4:12 AM

    i like the new look,very polished,looks brilliant. jojo,would it be possible to show movie clips of the ones you reviewed? and maybe more photos? i hope TURUANG APOY would be next. thanks!

  6. Jojo Devera says:
    4:43 AM

    hello dexter!

    thanks a lot! i tried to make the blog look a little more interesting. unfortunately i won't be able to show movie clips of the fuilms i reviewed before dahil hindi gaanong malaki ang space dito sa blogger. i'll try to see if i could create a slide show for flicker to include more photos. i write all my reviews on the weekened parang schedule. don't worry one of these days i'll write something about Turuang Apoy. kaya lang don't be terribly disappointed, it was a horrible movie. salamat!