
Sa labas ng mapanupil na industriya ng pelikula sa bansa, may ilang mga manlilikhang tinahak ang landas palayo sa komersiyalismo ng pelikulang mainstream. Taong 1977 nang makatanggap ng balita mula sa prestihiyosong Berlin International Film Festival ukol sa International Crtitic's Prize na pinagwagihan ng isang pelikulang Pililipinong may kakaibang tituto, ang Perfumed Nightmare o Mababangong Bangungot na likha ng isang baguhang direktor na si Kidlat Tahimik. Animo'y isa itong balitang nagmula sa kalawakan. Nangyaring ito palang si Kidlat Tahimik ay si Eric de Guia, nagtapos ng kursong Ekonomiya sa Wharton College sa Estados Unidos. Tinalikuran nito ang karerera at napagdesisyunang gumawa ng pelikula. Ang Mababangong Bangungot (American Zoetroepe, 1977) ay kuwento ni Kidlat Tahimik isang binatang nagmamaneho ng jeep sa baryo. Sa pamamagitan ng kanyang pagkukuwento ay ipinaliwanag nito ang uri ng pamumuhay sa probinsiya. Madalas itong nakikinig sa Voice Of America, isang palatuntunang panradyong tungkol sa programang astronomiko ng Amerika. Mayroon siyang pagnanasang maging bahagi ng makabagong mundo kaya't itinatag nito ang Werner Von Braun fan club. Nagkaroon ng katuparan ang kanyang mithiin nang may dumating na Amerikanong dadalo sana sa isang pagtitipong hindi natuloy. Isinama nito si Kidlat sa Paris upang mamahala sa mga itinitinda nitong chewing gum ball machines. Pinalibutan ito ng mga tagpong kaalinsabay ng isang summit meeting sa Paris. Dahilan sa hindi niya maibalik ang kinagisnang imahe ng kanyang nakaraan, tahasan tinanggihan ni Kidlat ang pagsibol ng kaunlaran. Tumiwalag ito bilang pinuno ng Werner Von Braun fan club at ipinangakong hahanapin ang sariling landas tungo sa pag-unlad.
Ang biglang pagbulusok ni Kidlat Tahimik sa mundong ng Sineng Pandaigdig o World Cinema ang nagpahayag ng malaking pagkakaiba ng pelikulang mainstream at ng independiyente o mapagpalayang sineng Pilipino. Kung saan ang nauna ay ay mayroong mas malaking pontensiyal ba makaabot ng mas maraming manonood ngunit hitik sa kagustuhan at dikta ng mga kapitalistang prodyuser, samantalang ang mapagpalayang sine ay maaring tumalakay ng anumang uri ng salaysay na maaring maibigan ng mga matatalinong manonood na may mataas na antas at panlasa. Kadalasa'y hindi ito pabor sa nakagawiang panoorin. Taliwas ito sa kumbensiyong nakasanayan, ngunit patuloy na umaani ng papuri sa iba't-ibang dako ng mundo.
Direksiyon, Dulang Pampelikula, Sinematograpiya at Editing: Kidlat Tahimik
Produksiyon: Kidlat-Kulog Productions At American Zoetroepe


1:04 PM
hm, was this film financed by Coppola? (if i read right, Coppola owned American Zoetrope) if so, how did kidlat tahimik managed to convince him to shell out something for this production, kaya?
3:13 PM
after Perfumed Nightmare won the International Critics Prize at the 1977 Berlin Film Festival Coppola's film outfit optioned the movie for a theatrical release the following year through American Zoetroepe.