Ibinibigay lang namin ang gusto ng publiko.
Ito ang madalas isagot ng mga prodyuser tuwing may reklamo na nakakababa ng IQ ang kanilang mga produkto. Dahil nasanay tayo na tingnan ang sine bilang bilang puting tabing lamang, hindi natin namamlayang binabasa pala nito ang ating isispan. Habang nakatunganga tayo sa mga larawang nagdaraan sa iskrin na nasa ating harapan, nakabilad ang ating kaluluwa at kinakalkal ng sine ang ating mga sikretong mithiin. Akala natin ay gawa-gawang buhay lamang ang nasa iskrin, ito pala ay isang dambuhalang matang nakatingin sa atin na inaalam kung ano ang mga kahinaan at kakulangang puwedeng samantalahin upang mapabili tayo ng tiket para sa susunod na pelikulang ipapalabas ng tusong prodyuser.
Ano ang gusto ng publiko?
Paano kaya ito inaalam ng mga prodyuser? Gusto raw ng publiko ang mga kuwentong ang iniiwan sa mga manonood ay mga pambihirang tanawin at mga tagpong nakakapagpasaya kapag binalikan ng alaala. Paano narating ng mga prodyuser ang ganitong kongklusyon tungkol sa iniisip ng mga manonood? Hindi maikakailang mayroong batayan ang kanilang mga haka-haka. Nabasa nila ang pagtanggap ng publiko sa kanilang mga produkto, sa naging resulta nito sa takilya. Ang mga sineng may mga lumang sangkap ay nagiging mabili, samanatalang ang sineng nagpasok ng mga pagbabago, sa nilalaman man o pamamaraan ay hindi tinatangkilik ng mga manonood. Ang sineng walang kawawaan ay pinipilahan, ang may matinong sinasabi ay iniiwasan. Batay sa ganitong lohika, ang mga manonood ang dapat sisihinkung umayaw ang mga prodyuser sa paggawa ng mga pelikulang umiiba at naiiba. Ang takilya ay dakilang libro ng mga prodyuser. Ito ang nagtatakda ng di mababaling pamantayan na ang luma at subok na ay siyang tanging gusto ng publiko. Dahil ito ang kumukontrol sa lagusan ng mga produkto, ipinapalagay na mapagkakatiwalaan ang kanilang pagbasa sa gusto at ayaw ng publiko.
Paminsan-minsan ay may sineng humuhulagpos. Hindi ayon sa pormula nginit nakakalusot. Taong 1974 noon at ayon sa mga awtoridad na bumabasa sa takilya, mga pelikulang bold ang kumikita. Sa Tinimbang Ka Ngunit Kulang, sira-ulo ang bidang babae (Lolita Rodriguez) at ketongin naman ang kanyang katambal (Mario O'Hara). Bukod pa rito, tinutuligsa ng iskrip ang makalumang pag-iisip ng mag pangunahing mamamayan sa isang komunidad na pinalalabas na tipikal na pamayanan sa labas ng Maynila. Pananaw ng nasusuklam na kabataan (Christopher de Leon) ang pinapaboran ng naratibong pinatatakbo ng enerhiyang nagmula sa kilusang makabayan bago ideklara ang Batas Militar noong 1972.
Sa pormula ng prodyuser, ang di inaasahang tagumpay ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang ay salik na hindi nahuhulaan. May gamit ang ang salik na iyan. Ito ang nagtuturo kung paano babalasahin ang mga sangkap ng pormula na hindi binibitiwan ng seguristang prodyuser. Sa ibang sabi, panimpla ang bagong salik, hindi ito ang putahe. Ayon sa dunong ng mga prodyuser, ang gayang paglagom sa pagsipot ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang ay pinatunayan ng di nababaling batas ng takilya. Ang mga sineng sumakay sa halimbawa ni Lino Brocka ay pinalakpakan ng mga kritiko ngunit hindi tinagkilik ng mga manonood. Nunal Sa Tubig (Ishmael Bernal, 1976), Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? (Eddie Romero, 1976), Tatlong Taong Walang Diyos (Mario O'Hara, 1976), Insiang (Lino Brocka, 1976), Itim (Mike de Leon, 1976) at Minsa'y Isang Gamu-Gamo (Lupita A. Concio, 1976), ang listahan na siyang dahilankung bakit sinasabing nagkaroon din ng Bagong Sineng Pilipino ang industriya ng pelikula, ngunit ang mga nabanggit ay talunan pa rin sa paningin ng mga prodyuser dahil sa mahina ang mga ito sa takilya. Bilang pagtalima ng mga prodyuser sa kanilang pagbasa sa dunong ng takilya, taong 1977 pa lamang ay nagsimula na silang rendahan ang mga direktor at manunulat na na nag-aambisyon pang pahabain ang listahan.
Ang gusto ng publiko.
Makatuwiran ba ang pagbasa ng mga prodyuser sa kuwenta ng takilya na ito ang sukatan kung ano ang gusto ng publiko? Para sa mga kapitalistang ang binibilang lamang ay ang kita ng kanilang mga produkto, makatuwiran. Ngunit paano ba nahuhubog ang gustong iyan? Nagsimula sa wastong pagbasa sa sine ng mga manonood. Ang gusto ng publiko ay sineng kanilang binabayaran. Ngunit nang simulang ipadron ang produksiyon sa pormulang binuo ng iba't-ibang sangkap na nagmula sa mga pelikulang tumabo sa takilya, umiral na ang manipulasyon ng mga prodyuser sa mga hilig at nasain ng mga manonood. may manipulaysong ginagawa ang nagbebenta ng sine sa satin. Kung pagbasa ang ginamit upang tayo ay pabilihin, kailangang basahin din natin ang mga produktong iniaalok sa atin.


5:08 AM MST
The producers just follow a certain trend in Phil. Cinema. I remember during the late 80's there was a fantasy trend after the success of HALIMAW at the MMFF. There are still brave producers who produce films not really to make money but for artistry and their passion for films like Armida Siguion-Reyna.
12:43 PM MST
jojo,i hope you will come up with an article bout danny zialcita's works. was it him who did NAGALIT ANG BUWAN SA HABA NG GABI? i loved his comedies like ATSAY KILLER,MAY LAMOK SA LOOB NG KULAMBO,MAY DAGA SA LABAS NG LUNGGA etc. and also butch perez,i think HAPLOS was quite good,no big dramatic scenes but very quiet yet effective.and his movie with lorna and christopher where boyet's face got burned,was also impressive,forgot the title. thanks,jojo!
4:47 AM MST
hi Onat!
i totally agree with you on this one. producers simply follow what the box office dictates. if the moviegoing public lines up for a fantasy film they will make endless fantasy movies. Armida produced some of the country's finest works like Salome but was also responsible for films Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin which was just plain awful!
4:50 AM MST
hi dexter!
i'm compiling stuff on Danny Zialcita. i have most of his films even the early ones minus the witty dialogue but truly enjoyable like Lalaki, Babae Kami! and Ugat. really interesting movies. the Zialcita of the 80's is what he's most known for. i admire the guy... too bad he wasted his talent on drugs...
8:52 PM MST
I remember one time i got to interview Lore Reyes for a thesis back in college (actually, it was 'we' since it was a group work...anyway), and we came to a point wherein we asked him if he planned on doing a 'period' film (like his bud Peque's Oro...). He replied that since the bandwagon for that particular time were sexy films, any film that would deviate from it would ultimately flop in box-office. Not to mention a barrage of rejects from producers who'd reason out that 'period' films are pretty much expensive to bake.
I guess that's it. Films are made according to what the producer wanted and what the society wanted to see. Film Production is an enterprise, somehow money has to flow to their banks. That's what makes them go round.
10:15 AM MST
the box office dictates what the audience wants to see so if a film like Oro, Plata Mata makes a killing at the tills then producers will follow suit and make quality films.
1:42 AM MST
hey, Im a Film Student at the University of the Philippines, I appreciate your blogs. they are helpful in my reports, anyway I hope you can help me in looking for films not available in the market. also with the limited publishing power of the Philippines it is hard to really study this countries Film History. I really hope you to be considerate^__^ Thanks a lot.
Hiroki
hirokiikari_lotus@yahoo.com
1:43 AM MST
ah typho "country's"