Kabalighuan Ng Buhay Sa KRIMEN KAYO ANG HUMATOL

Krimen Kayo Ang Humatol
Nakakagulo sa karaniwang manonood ng sine ang salungatan ng opinyon ng mga kritiko. Makakatulong marahil sa wastong pagpapahalaga sa pelikula na linawin kung anu-ano ang nagiging batayan sa pagtatampok sa isang "mahusay" na pelikula. Kailangang kilalanin muna ang pelikula bilang produkto ng teknolohiya. Sa paggawa ng isang pelikula, ang nangaunang mga anyong pangkultura tulad ng dula, nobela, musika, potograpiya, pagpipinta ay nagsanib-sanib. Ang mga pamamaraan at mga kaisipang hinango sa nangaunang mga anyo ay binabalikan ng manlilikha ng pelikula sa paghahanap ng lalong mabisang sangkap para sa kanyang likha. Ang pelikula ay may sariling kasaysayan bilang anyong pangkultura at sa bawat bansa ang kasaysayang lokal nito ay hindi maihihiwalay sa kasaysayang pandaigdig ng industriya ng pelikula. Unang-unang hinihingi sa isang pelikula na ito ay maging makinis sa panteknikong aspeto. Ibig sabihin, ang mga kasangkapang ginamit ay sapat sa pagbubuo ng pelikulang may maayos na sinematograpiya, tunog at editing. Ito ang pinakabatayang pangangailangan ng pelikula upang ituring na "mahusay." Sa antas panteknika, masasabing nakakaungos ang Krimen Kayo Ang Humatol (Ilocandia Productions, Inc.). Hindi lamang masinop ang sinematograpiya, masining din ito sa pag-iilaw at pagbibigay ng angkop na tekstura sa larawan. Malinis at malikhain ang paglalapat ng tunog na nakapagpatingkad sa bisa ng kuwentong isinasalaysay ng pelikula. Sa dahilang nagsanib-sanib sa Krimen ang nangaunang mga anyong pangkultura, pinairal sa pagsusuri ang mga pamantayan mula sa iba't-ibang sining.

Sa panitikan madalas humiram ang kritiko ng pamantayang pansukat sa nilalaman ng pelikula. Sinusuri ang mga tauhan, ang diyalogo at mga ideya na pawang dulot ng iskrip. Sinusubaybayan ang pagbibigay-buhay sa tauhan sa pamamagitan ng mga aktor at aktres na pinili at pinamahalaan ng direktor. Hinahanap din ang kabuuan ng kahulugang pinalitaw ng direktor sa pamamagitan ng paggamit sa iba't-ibang sangkap na panteknika at pansining. May sinasabi ang Krimen hinggil sa tunggalian ng kasamaan at kabutihan, hinggil sa mga motibo ng taong nakikipag-ugnayan sa kanyang mga kapwa at hinggil sa relasyon ng reyalidad at sining. Sa pagsasalaysay sa buhay nina Angel (Leo Angelo), Toni (Gina PareƱo), Myra (Marianne de la Riva), at ng magkapatid na Eddie (Eddie Villamayor) at Marie (Maribel Aunor), ipinasok ng iskriprayter at direktor ang problema ng mga ito kaugnay ng mga obserbasyon at katotohanan tungkol sa trahedya ng pang-araw-araw na buhay ng mga nasa pinakamababang uri sa kalunsuran. Sopistikado ang pagdidirehe ni Jun Raquiza at di-maikakailang may impluwensiya ng mga direktor sa Kanluran na kanyang hinangaan at pinag-aralan. Ang talino ng direktor na ito'y nasa kakayahan ng kanyang kamerang mag-ulat tungkol sa mga lumang katotohanan na tila baga ang mga iya'y katutuklas lamang. Matipid sa salitaan ang pelikula pagkat karaniwang pinagsunud-sunod na mga larawan lamang ang ginagamit ni Raquiza sa pagsasalayasay at pagpuna sa mga kabalighuan ng buhay. Matulin ang daloy ng mga pangyayari at sitwasyon, kaya't mariin ang dantay sa kamalayan dahil nasapol ng direktor ang kabuuan ng kanyang materyal at madaling maramdaman ang kababawan kapag manipis ang nilalaman.

Direksiyon: Jun Raquiza
Dulang Pampelikula: Jose F. Sibal At Jun Raquiza
Sinematograpiya: Higino Fallorina
Musika: Demet Velasquez
Editing: Ben Barcelon
Produksiyon: Ilocandia Productions, Inc.
Release Date: June 23, 1974

BILIBID GAYS... Bakla, Bakla Bakit Ka Ginawa?

Bilibid Gays
Tito, Vic and Joey play Helen, Dina and Daria, three homosexuals who get thrown in jail for a murder they did not commit in Bilibid Gays (Good Harvest Productions). As jailbirds, they are raped and beaten up, but only until they figure out a way to humanize their hardened prison mates. Bereft of any entertainment value whatsoever, the movie ranks among the most boring and the worst in terms of good taste. Dolphy's early movies were already on the borderline between good, clean fun and pure bigotry but Bilibid Gays is not at all good and certainly far from clean. It's not a bad idea to spoof Ishmael Bernal's Bilibid Boys (1981), but it certainly takes a superior mind to spoof another. The plot, though highly improbable, is not the problem. It's how simplistically and haphazardly director Jose 'Pepe' Wenceslao and his writer treat their characters. You don't believe for a second that these are flesh and blood people. They are puppets manipulated by the scriptwriter's strings. But the film's biggest sin has little to do with its filmmaking as opposed to its peddling of disturbing images. That to be a real man, one has to be physically violent. That making fun of people whose looks do not meet society's standard of beauty is completely okay. That gay men will lust after every young man they see, they just can't help it, it's in their nature. This is not to say that these scenarios don't happen in the real world. But what's dangerous is, it reinforces the stereotype of gay men as voracious sexual predators.

At least, there are a number of funny situations in Bilibid Gays, but Wenceslao takes too long to get to his punch lines. As a result, most of the jokes fall flat. Surprisingly, Tito, Vic and Joey are a lot more restrained in this film. That is a major accomplishment since grossness has always been a hallmark of the trio's comedy in previous films. There are green jokes all around, the jokes would not be so bad if they were at least original. In some ways, Bilibid Gays is still funny with Joey de Leon doing much of the heavy lifting. To be fair, the performances of Tito and Vic Sotto are watchable.The trio's chemistry is the stuff of perfection. They play their scenes straight out from comedy skit wonderland, delivered with impeccable comic timing. Instead of bringing pangs of laughter, the cameos of the original Bilibid Boys, seemed more like a lavish parade of Regal Babies. Wenceslao should at least be credited for his pacing. Unlike many other Filipino comedies, Bilibid Gays has faster cuts, varied shots and less beating around the bush.

Directed By: Jose 'Pepe' Wenceslao
Screenplay: Roger Fuentebella
Director Of Photography: Ben Lobo
Music: Tito Sotto
Editor: Toto Natividad
Produced By: Good Harvest Productions
Release Date: July 31, 1981

The Miracle Of MILAGROS

Milagros
Marilou Diaz Abaya's Milagros (Merdeka Film Productions, Inc.) is an intelligent and meticulously directed film, with outstanding individual performances by a sensitive but restrained cast, and a wealth of production values seldom seen in Filipino movies. Admittedly, it is difficult to thoroughly understand and enjoy the film, especially if one comes to it with set expectations picked up from the usual film genres to which Filipino moviegoers have been exposed. The most outstanding character of the film after all, is its refusal to provide the conventionalized subject matter and techniques canonized by years of unexamined practice by a parochial film industry. The name Milagros is an allusion to the 1982 Ishmael Bernal classic Himala, where a young woman turned miracle-maker is killed by a gunshot that is never explained in the narrative. Milagros, as her name suggests brings about miracles when she moves in with a family in the small town where Cirilo (Ramon Reyes), the father she never really knew died, leaving debts that had to be paid somehow. Like Bernal's miracle-maker, Milagros also dies from a gunshot, a miracle-maker who could not heal herself. What she is able to do is push the four men and the two women whose lives she touches to an awareness of themselves and their relationships to other people. Lagring's trek up the slope of Mount Banahaw is both her Way of the Cross and her Transfiguration.

Is Milagros then a religious allegory? The emphatic answer is no. The film refuses to yield a coherent religious theme, at the same time that it resists the realist verdict that here is a hedonistic tale, ineptly told, about a girl who has no compunctions in shacking up with an entire family of males. For the narrative is discontinuous in spite of the presence of carefully delineated characters, each of them fully individuated in the performance by an outstanding ensemble of actors composed of Dante Rivero as Mang Nano, Joel Torre as Junie, Noni Buencamino as Ramonito, Raymond Bagatsing as Bennet, Elizabeth Oropesa as Miding and Mia Gutierrez as Arlene, Junie's humorous and affectionately drawn wife. The pleasure of observing these characters and projecting into their lives would seem to insist that individual lives be strung up with a theme or moral lesson but Rolando Tinio's screenplay resolutely resists it, giving instead a decentered narrative. Diaz-Abaya's intentions about the telling of Milagros' story are clarified by her handling of Sharmaine Arnaiz's performance in the title role. Arnaiz projects a young woman utterly guileless and almost incredibly listless, thereby disabusing suspicions that we are confronted with a congenitally immoral woman, or worse, with a nymphomaniac. The character being presented is one we have not yet encountered in any other Filipino movie. Diaz-Abaya and Tinio invited us to regard Milagros as an otherworldly woman, with Arnaiz's beauteous candid face projecting an angelic woman who gives herself to men, without lust and without reservation. When she offered her very life to pay back what her father owed, and that her single memory was the man's promise of taking her up to Mount Banahaw to wait for a UFO, we begin to divine in Lagring, a Christ-figure who would have us ponder flesh and spirituality, and guilt and transcendence.

Directed By: Marilou Diaz-Abaya
Screenplay By: Rolando S. Tinio
Director Of Photography: Eduardo "Totoy" Jacinto
Musical Director: Nonong Buencamino
Film Editor: Jess Navarro
Production Design: Len Santos
Produced By: Merdeka Film Productions, Inc.
Release Date: April 9, 1997

Ang Birtud Ng THE PASSIONATE STRANGERS

The Passionate Strangers
Ang paggalaw ng kamera at pagprisinta ng mga pananaw mula sa lente nito ang isa sa mga birtud ng pelikulang The Passionate Strangers (MJP Productions), sa direksyon ni Eddie Romero. Ang nakaambang tila walang katapusang paghahalughog, pagkalap ng ebidensiya at paggunita sa mga pangyayari ay pinangunahan nina Lydia Trasmonte (Celia Rodriguez) at Fiscal Julio Lazatin (Butch Aquino). Iginiya at isinalaysay ng galaw ng kamera ang paraan ng pag-uusisa at paghahanap ng sagot sa bugtong ng nangyaring pagpaslang sa lider ng unyon na si Maning Hidalgo (Cesar Aguilar). Ano ang mga bagay na unang hinanap, ano ang mga hindi nakita, saan unang pumunta ang Amerikanong si Adam Courtney (Michael Parsons), ano ang mga nakita na nakapagpaalala at nag-udyok sa kanyang hanapin pa ang ibang kasagutan, ano ang maaaring ipalagay na pinahahalagahan ng tauhan kung kaya iyon ang kaniyang unang hinanap. Sa pamamagitan ng mabisang disenyong pamproduksyon ng pelikula, malayang nakagalaw ang kamera sa paglalahad ng posibleng naratibo at proseso ng pagpaslang. Una munang itinanghal ng kamera ang imahe ng pook pagkatapos nitong masaksihan ang magulong pagtatalo nina Roberto Valdez (Mario Montenegro) at Margaret Courtney (Valora Noland). Inihahain nito ang pangunang ekspektasyon sa atin na ito ang problema ng pelikula. Sa labas ng bahay, tumambad sa kanila si Hidalgo. Sa mga sumunod na eksena, ikinuwento ng kamera ang mga nakatanghal sa paningin. Sa gitna ng gulo, hinanap ang mga maipapalagay na pinahahalagahan ng mga tauhan. Isa sa posibleng aasahan ay ang pagdadala ng kamera tungo sa mga ebidensya ng krimen, upang malutas ito, at mabigyan ng maayos na konklusyon ang pelikula. Sa halip, ibinigay ng kamera ang komprontasyon ng mga tauhan dahil sa imbestigasyon na lalong nagpakapal sa nauna nang kinilalang suliraning inihain ng pelikula. Ang proseso ng pag-iimbestiga ay kaugnay ng proseso rin ng pag-aalaala. Bawat kasagutang hinanap at lunang pinanggalingan ng sagot na iyon, ay nanganak ng sigalot sa pagitan ng mga tauhang biglang nakagunita ng atraso at kakulangan sa isa't-isa.

Mula sa mga hinanakit at argumento, higit pang lumitaw at natuklasan kung ano ang katotohanan, gayundin ang mga gawaing ipinagkatiwala na hindi nagampanan ni Adam. Ang kaguluhan ay katumbas ng nagtutunggaling personalidad ng mga tauhan, dahil sa salansan ng mga damdaming naipon at noon lamang naipahayag, gaya ng relasyon ni Adam sa asawang si Margaret na ngayo’y ibinulatlat at inuusisa. Ang malalim na pagdududa nina Congressman Angel Mascardo (Vic Diaz) at Fiscal Lazatin sa katapatan ni Adam hinggil sa negosasyon ng kanyang kompanya sa bansa, ang naitanim na sentimyento ni Roberto tungkol sa kanyang pag-ibig kay Margaret. Ang tiwala at ang pangako ng mabisang komunikasyon na inirereklamong iniwang nakatiwangwang lamang ng mga tauhan ang ngayo’y higit na hinahalungkat sa isa’t isa. Sa gitna ng mga hindi naresolbang damdamin, tanging ang hustisya na lamang ang gawain na maaaring isakatuparan nang maayos. Ang pinakamatibay na tagumpay ni Romero ay ang nagawa niyang pagpapatingkad sa kahusayan sa pagganap ng kanyang kast. Walang alinlangang sa pelikula  pa lamang na ito naipamalas ni Mario Montenegro ang kabuuan ng kanyang nalalaman sa pagganap at ang lalim ng karanasang pinaghanguan niya ng materyal bilang aktor. Ang pinakatampok na pagganap ay ang pagsasalarawan ni Celia Rodriguez sa karakter ni Lydia Trasmonte. Buhay na buhay si Lydia at ang kanyang personalidad ay tila buong-buo sa pagganap ni Rodriguez. Malamyos makitungo pero matigas kapag nakapagpasiya na. Mariin ang impresyon ng mga tauhang binuhay nina Michael Parsons, Valora Noland at Butch Aquino. Subalit katangi-tangi para sa akin ang karakter na isinalarawan ni Vic Diaz. Ibang-iba iyon sa kontrabidang iisa ang tabas na siyang madalas ilarawan ni Diaz sa napakaraming pelikulang nilabasan na niya.

Direksiyon: Eddie Romero
Dulang Pampelikula: Cesar J. Amigo, Reuben Canoy At Eddie Romero
Sinematograpiya: Justo Paulino
Musika: Nestor Robles
Editing: Ben Barcelon
Disenyo: Ben Otico
Produksiyon: MJP Productions
Release Date: June 19, 1966

Para kay Eddie Romero Hulyo 7, 1924 - Mayo 28, 2013

BAKYA MO NENENG... Luma At Kupas Na

Bakya Mo Neneng
Ang buhay ay may tuwid at hindi malilinaw na linya, at dahil ang pelikula ay salamin ng buhay, kung ano ang gulo sa buhay ay iyon din ang dapat na ipinakikita sa pelikula. Ngunit matapos mapurga sa mga pelikulang walang ibang ipinapakita kundi ang pagkakabuhol-buhol ng mga linya sa buhay, kumpleto sa mga inaasahang rekado ang Bakya Mo Neneng (JE Productions). Bagamat mabagal ang pagtakbo ng kuwento, lahat ng bahagi nito ay malinaw. Ang mga tauhan, mula sa dalagang-bukid na si Neneng (Nora Aunor), ang anak-mayamang si Jerry (Tirso Cruz III), ang binatang magbubukid na si David (Joseph Estrada) at si Aling Pilar (Gloria Sevilla), ang ina ni Neneng. Ang mga bandidong walang ginawa kundi magkalat ng lagim, kahit sabihing wala tayong nakikilalang tulad nila ay hindi pa rin maipangangatwirang hindi sila nabuhay noon, nabubuhay ngayon at mabubuhay bukas. Higit pa kung aalalahanin ang mga tauhang tulad nila ang naging kaulayaw ng ating mga ninuno sa kanilang pananaginip ng gising. Naiiba ang Bakya Mo Neneng sapagkat sa simula't simula pa lamang ng pelikula ay kilala na kung sino ang mga bida, kontrabida, kung alin ang tama at mali. Sa halip na mag-aksaya ng panahon sa paghahain ng mga dapat o hindi dapat, ginamit ng pelikula ang palitan ng mga pahayag sa pagitan ng mga tauhan bilang lohikong direkisyon ng kuwento. Sa pagsasalarawan ng tagpo ng pamamaalam, lumilipat ang tuon ng salaysay tungo sa personal dahil nabibigyan ng puwang ang mga daigdig ng romansa at domestisidad, at ng mahalagang kontrapunto ang mapanaklaw na dimensiyon ng salaysay. Naihayag na kaakibat ng pagsulong ang mga kumpas ng damdamin na isinabuhay ng mga tao sa loob ng kasaysayan. Naturalisado na ang usapin sa konteksto ng bukid at pag-aararo sa salaysay, dahil ito ang naging pangunahing bukal ng mga tugon at katiyakan sa mga tunggaliang kinakaharap ng mga tauhan at ang tematiko nito ang lunsaran kung saan naitatag ang mahahalagang sandali ng banghay.

Sumunod man sa nakasanayan nang ugali sa paggawa ng pelikula ang Bakya Mo Neneng, ang pagtatahi ng mga papel ay sinadya para lumapat sa tinatawag na imahe ng mga artistang nagsuot nito. Susi dito ang masinsin at maningning na pagganap ni Nora Aunor bilang Neneng, na nagpamalas ng tatag ng kalooban, kahinahunan at pag-ibig sa lalaking kanyang minamahal. Malaking krimen kung sakaling pinagpalit ang mga papel nina Joseph Estrada at Tirso Cruz III. Sa paglabas pa lamang ng pangalan ni Gloria Sevilla, umaasa tayong papel ng isang ulirang ina ang kanyang gagampanan. Nauunawaan ng mga gumawa ng Bakya Mo Neneng kung ano ang inaasahan ng manonood nito. Kung ang pagsasagawa ng mga inobasyon sa pelikula ay nangangailangan ng matatag na kaalaman sa sining, ang paggawa ng mga pelikulang may mahigpit na mga alituntuning dapat sundin ay mangangailangan din ng ganoon katatag na kaalaman, kahit ito'y hindi matatawag na sining. Maari pang pagtalunan kung kailangan pa ng mga pelikulang tulad ng Bakya Mo Neneng, ngunit tila isang bagay lamang ang lumilitaw, na ang anumang pelikulang magtatangkang gumawa ng tulad nito ay wala nang marararting kundi ang kinatatayuan nito ngayon. Hangga't hindi nabibigyan ng mga makabagong kahulugan ang mga makalumang balangkas ng pagsasalaysay na ginamit ng Bakya Mo Neneng, mawawalan ng saysay ang lahat ng mga pelikulang tutulad dito. Nahuli ng pelikula ang lahat ng mga pulsong nagpapatakbo sa pangarap ng maraming Pilipino. Mula sa mga tanawing tulad ng pintura ni Fernando Amorsolo, may buhay ang bawat binlid ng palay, madarama ang hamog ng bulaklak at maririnig ang tilaok ng manok sa madaling-araw. Ang lahat ng ito ay gayumang humihila sa paa ng isang taga-Maynila na puntahan ang bukid para damahin ang buhay na ipininta ng artista. Ang mga gawain at damdaming ipinahihiwatig ay hindi naiiba sa mga ipinahihiwatig ng ating mga kundiman at ang sukatan ng nakamihasnang pangangatwirang luma at kupas na.

Direksiyon: Augusto Buenaventura
Dulang Pampelikula: Augusto Buenaventura At Diego C. Cagahastian
Sinematograpiya: Fredy Conde
Musika: Ernani Cuenco
Editing: Edgardo Vinarao
Disenyo: Vicente Bonus
Produksiyon: JE Productions
Release Date: December 24, 1977